(Monina POV)
Ako na itong mismong nagtangal ng maskara sa mukha ko. Inangat ko ang paningin ko sa kanila.
“See. The innocent daughter of Dr. Wilson.”
Si Cedrick parang ilang ulit na niya akong pinatay sa kanyang isipan. Ngumisi ito sa akin. Nang binangit nito ang salitang…
“Good Job.” sabay lingon kay Dr. Wilson.
At di namin inaasahan na kamao ni Cedrick ang sumalubong sa mukha ng matandang doctor. Siyang ikinatumba nito. Agad naman akong kumilos para nga mailayo ang matandang doctor sa pag gugulpi ni Cedrick sa kanya.
Ngunit hinila ako ni Cedrick bigla.
“What the f*ck Monina!” bulyaw nito sa akin. Paanong…
Galit na galit ang mga mata nito na lumiliyab nga. Bumabaon ang daliri niya sa kamay ko. Mahigpit akong hinarap sa kanya. Pero bigla akong hinila ni Haiden. Siyang ikinaladkad sa akin dahil hinarang na sila Cedrick ng mga t
(Secretary Lee POV)Palayo na kami sa gusaling nagmamadaling magsidatingan ang bombero dahil nga nasusunog ito.Napasilip ako sa salamin na siyang tahimik nga sa likuran ng sasakyan si Master Cedrick. Parang ikakalaglag ng puso namin ng mapasipa ito sa loob ng sasakyan.Naiyuko ko na lamang ang aking paningin. Napabuntong hininga. Dahil siguro sa nangyari kay Miss Monina kaya siya nagkakaganito. Ano nga ba ang pumasok sa isipan ni Miss Monina para hayaan niyang galawin ni Dr. Wilson ang mukha niya.Pero sa loob ng dalawang linggo, alam ko na marami ang nangyari kay Miss Monina na mas pinili namin ni Master Cedrick na maging abala kung paano nga tuluyan na papataubin si Haiden.Ngunit ang pagpaparetoke ni Miss Monina, akala ba niya di ito mahahalata ni Master Cedrick? Doktor si Master Cedrick at madali nitong malalaman ang nagbago sa katawan ng isang tao.Wrong move Miss Monina. Heto siya ngayon, nagliliyab sa i
(Secretary Lee POV)Cassandra Wilson, isa ngayon sa nangunguna bilionaryong babae na namumuno ng isang commercial business. Siya ang kumuha kay Monina bilang anak niya na si Pricilla.Miss Monina, ano itong pinapasok mo. Alam mo bang kanina pang di lumalabas sa sasakyan si Master Cedrick dahil pinipiga ata ang isipan kung ano ang mas makakabuti na gawin sayo.Striktang babae si Cassandra Wilson. Lalo na sa pamumuno nito. Kahit sinabi na naming sa harapan nito na hindi ito ang anak niya, nagpumilit. Bakit? Tss.At sumama ka nga sa kanya Miss Monina. Anong mapupulot mo sa ginagawa mong to.Nang bumukas ang pinto, agad kaming napayuko.Lumabas si Master Cedrick. Naglakad ito sa amin na siyang ako ang hinarap.“Anong nangyari sa dalawang linggo na wala akong balita kay Monina?” tanong niya na nilipad na nga ng hangin ang kasuotan namin.Napatitig ako kay Rhoa.
(Monina POV)Di ko alam kung saan ako dadalhin ng ginagawa kong to. Nanatili ang grupo ni Cedrick sa rooftop. Hangang sa maglaho kami sa paningin nila.Hawak ang kamay ko. Kinakabahan na ako ng sobra.Ngayon pa lang sising-sisi na ako na sumama sa babaing to. Pero, asawa siya diba ni Doctor Wilson. At ang nakikita niya, anak niya ako.Lumaki ako na minsan ko lang nakasama ang aking ina. Ngayon ba mararamdaman ko ulit magkaroon ng ina sa pagkatao ko bilang si Pricilla?Ngunit ano ngayon itong nakikita ko? Pinapaliguan na ako ng pawis na siyang hindi dapat. Nahihilo ako.Ang coat ni Cedrick ang siyang mahigpit kong hinawakan. Kahit paano nakaramdam ako ng positibong aura na wag ako matakot.Nakatitig ang babae sa akin. Nasa harapan ko siya nakaupo. Maya-maya yung labi nito ngumiti.Heto na naman. Paano ba ako makakalabas sa ganitong klaseng mundo? I am trap again. Pin
(Monina POV)Pero patulak ako nitong binitiwan.“Pwes kakagatin ko ang bitag ng magaling kong asawa. Hangang sa makuha ko na ng tuluyan ang anak ko. Masyado kasing Daddy's girl ang anak namin. Di ko masisi si Pricilla, since sa kanya siya lumaki.”Hila niya ng kunting buhok ko upang lalo akong mapapikit. Di ko alam kung paano ko sa kanya sasabihin na hindi ako babae ng asawa niya. Higit sa lahat wala akong alam sa away mag-asawa nila. “Sa walang kwentang ama si Wilson. Di marunong humawak ng pera. Magkano ba ang binayad sayo ng asawa ko, para tuluyan mong sirain ang tunay mong mukha? Parang nakilala ka ng mga kaibigan mo kanina. Kilala ko ang lalaking yun.” Patuloy sa pagsasalita na di iniinda ang lamig na bumabalot sa paligid.Ilang oras na lang, mag-uumaga na.“Si Doctor Wu. Ang maselang doctor na siyang hinahabol nang karamihan. Di ko aakalain na meron din siyang babae. Kun
(Monina POV)At kung may kunting consideration si Cedrick sa amin, titigilan na din nito ang pamilya ko.Itong asawa na lang ni Doctor Wilson ang kailangan ko pataobin.“Hindi po. Tinulungan ako ang asawa niyo kapalit ng pagligtas niya sa mga kapatid ko. At ang kabayaran bilang maging anak niyo na si Pricilla. Totoo na pumayag ako na maging kabayaran sa taong malaki ang utang na mayroon ang asawa mo. Sinabi din niya sa akin na buhay ko ang maaring maging kapalit. Salamat sa diyos at di nangyari ang kintatakutan ko. Kahit paano kasi, ayoko pa naman lisanin ang mundong ito. Kahit napakarami kong pinagdadaanan. “Umismid ang babaeng kaharap ko.“Nice story. Pero sorry ka. Naglagay ako ng kapital, para lang ilabas niya ang asawa ko. Ako ang nagbigay ng pera sa kalaban niya para tuluyan nga siyang matalo sa sugalan. At dahil di niya mapigilan sumugal, alam kong magagawa niyang isugal kahit na ang anak ko. Kay
(Justin Sy POV)“Sa kagwapuhan ko to? Gusto niyo na talaga ako mag-asawa?!” Reklamo ko sa aking Auntie na kinaladkad na nga ako papunta sa di ko alam na lugar.“Auntie naman. Ang bata ko pa.” Syempre kailangan ko din i-uplift sarili ko.Ngumiti lang si Auntie.“Alam mo Justin, buti nga ang Auntie di masyado mahigpit sayo. Dahil di ako mahigpit. Tignan mo… Ang laki-laki at ang tigas ng ulo mo!” Ikinapay-pay ng pamaypay niya.“Hehe. Auntie love mo kasi ako. Pero, di maaring hanapan niyo ako ng mapapangasawa! Biglaan ito!”“Sa biglaan kasi na ibebenta ni Cassandra yung anak niya. Alam mo ba ang ibig sabihin nito?” Huh? Anak ibebenta? Ano to?“Auntie naman. Wag kayong dumikit sa mga taong ganyan. Marurupok ang isipan nila.” Alis ko ng tie dahil nasasakal na ako. Ngunit hinampas ako ni Auntieng pamaypay niya. Saka hinila
(Justin Sy POV)“Nagpapakabait lang ako Auntie. Deserve nila ang makatakas sa pagpapahirap ng mundong to. Katulad ko ang kasagutan para sa kanila.” Ulit, hampas ng pamaypay niya ang itinugon sa akin.Tutugon na lang bakit pamaypay pa?!“Ewan ko sayo. Magsisimula na yung bidding. Wag mong titigilan na mag bid kapag si Pricilla na ang nasa stage ha.” bigay sa akin ni Auntie na hawak niyang numero.Hinila na ako nito sa isang silid, na ang dilim masyado.Tipong pumasok ako sa isang sinehan na ang kasama ko noon, ang mga pangkaraniwan kong mga chicks. Innocente. At mas innosente din ako.Hehehe. Di po ako fuckboy. Wag kayo. Iwinawagayway ko ang pagiging virgin ko. Hitsura lang talaga ang malandi sa akin. Ngunit di ko naman ini-entertain ang kalandian ng mga babae. Sa boring nga kapag sila ang nauuna.Naupo na ako.Di pa naman nagsisimula dahil nagsidatingan pa lang yung mga tao
(Justin Sy POV)“Wala na ba silang maisip? Ako Auntie kapag pinasok mo ako riyan, magkano kaya ang katumbas ko?” Isang malakas na hampas ng pamaypay ulit sa braso ko ang itinugon nito.“Auntie naman! Nagiging tigre na kayo sa akin.”“Ayan na!” Siyang sinagot nito sa akin. Kaya napalingon ako sa enteblado. Itinaas ang kurtina.Isang babae na nakaupo sa upuan.Yung mga mata ko, automatikong napa zoom at yung mukha… napa-critics ako.“Retokada, Auntie.”Sa doctor ako diba? Lalo na ito ang field ko. Naningkit ang aking mga mata. Kung kikilatasin at ini-imagine ko kung ano ang hitsura niya noon… parang kamukha ni Monina.“Di ko ba type?” tanong ko sa aking sarili.“Kahit di mo type! Ipanalo mo! Siya lang naman ang magmamana ng lahat-lahat na ari-arian ni Cassandra!”Eh? Teka lang. Stop tumalak Au