(Monina POV)
Clueless ako kung saan ba nila ako dadalhin. Sa gandan pa naman ng dress ko kala mo kung saang coronation ako pupunta.
Sa gara ng sasakyan, walang umiimik. Si Secretary Lee ang nagmamaneho habang kami ni Mr. Manyak ang lawak ng agwat sa upuan. Tipong maari pang tatlo ang maupo sa pagitan namin.
Layo-layo dahil alam naman natin kung saan dapat siya dadalhin. Mental hospital.
Bakit kasi ganito kasira ang ulo ng lalaking to? Tsk!
Napaharap ako sa kanya. Nakasandal at nakapikit na parang tatlong araw na lang ang buhay niya sa mundo.
Talagang bumagay ang pormahan naming dalawa. Navy blue sout niya na bagay na bagay sa peach color nang dress ko. Hahaha. Maka-”ko” parang sa akin ang damit na ito. Siguro kay Rhoa.
Pagkatapos ata nito may balak na silang i-uwi ako diba? Sa totoo kidnapping ang ginagawa nila. Kapag ako talaga nakakita ng Pulis, isusumbong ko sila. Pero mabait naman si Secretary Lee. Ang
(Monina POV)“Try me, Monina.” si Manyak na ang straight forward na sinagot ako. May sira talaga ang ulo niya.Tatlong words lang, bigla na ngang nagsi-standing ovation ang mga balahibo ko. Diyos ko po, anong pinasok ko? Parang may nakahandang baril na ready i-shoot to kill ako. Tungkol na naman ba ito sa kapatid kong nasa abroad?Ang sarap niyang ihawin na parang letchon. Ako ata ang pinakamasayang babae sa mundong ito, kapag nangyari yun.Paano na ang mga sideline ko? Tapos ano bang serbisyo ang kailangan niya? Napayakap ako sa sarili ko. Nay ko po. Wag naman ang virginity ko. Magkakaroon po ng World War Three kapag may nangyari sa ina-alagaan ko!“May kailangan lang akong patunayan sayo Mr. Manyak. At alam mo kung ano yun?”Syempre di siya sasagot.Sa labas ang titig nito. Na di ko man lang tinatandaan ang daan, in case na makatakas nga ako sa kanila mamaya.“May sir
(Monina POV)Puso ko lumulukso na parang ewan. Ang kulit. Siguro dahil sa amoy ng lalaking to na pinagsisigawan. Ang gwapo ko. Edi wow. Makakain ba yan? Masarap ba?“What for?”“Ganda I-document ng lugar. Ang ganda talaga.” na mas pinili kong i-appreciate ang boung lugar. Super ganda. Mapapangiti ka na lang talaga.Nang maramdaman kong kinuha niya ang pulso ko. Nilapat ang dalawang daliri. Pinakiramdaman. Sininat ang leeg ko. Anong nangyayari sa kanya? Exorcism ba ito?Inalis ko nga ang kamay niya.Nagkatitigan kami. Syempre ako na ang bumawi. Di nga siya nagsasalita o magpaalam man lang. Baka ano pa ang gawin niya. Sus. Ang tirik ang araw ngayon.Siguro Monina, isipin na lang natin nasa fieldtrip nga tayo. Wag muna isipin ang sideline mo.Nang bumalik si Secretary Lee. May inabot kay Manyak. Gamot saka isang bottle ng tubig.“Drink this.” abot din niya sa akin. Napaki
(Monina POV)Katabi ni Manyak si Secretary Lee. Sa likuran ni Mr. Manyak, napapasenyas ako sa kanya.Pahiram ng phone. Dapat laging handa sa mga skandalo na maaring mangyari. Sense ko. Hahaha. Ayan na naman ang dugong Journalist diba?Nagmamakaawa na ako kay Secretary Lee na ibigay sa akin ang hinihingi ko. Sige ka! Ako dito ang mag iiskandalo!Kaya walang nagawa, ayan, naibigay ang phone ko. Phone ko? Hahaha. Thanks. Nakabalik din.Pero di naman kagandahan ang camera nito.Napatitig si Manyak sa hawak ko. Napabelat ako sa kanya.Nireready ko na ang camera app.Nang biglang hinablot nito sa akin at ibinigay niya ang phone nito sa akin. Kanya to. Wow! Latest iPhone. Akin na lang. Kaya di na ako umangal.Siguro nahiya si Manyak sa hawak na phone ng fiancée niya. Hahaha. Sabi ko na eh, yayaman ako nito. Pangap pa kasi ng madami Mr. Manyak. Bakit kasi kailangan ko sayo patunayan na di ako gold
(Monina POV)Infairness, nahihiya ang lagnat ko magparamdam sa akin. Very good. Okey lang lagnatin basta wag yung nakaka-apekto sa daily performance ko. Mahirap po maging breadwinner. Promise.Pinaghila ako ni Secretary Lee ng upuan. Sa harapan ko ngayon si Manyak. Dumating ang pagkain na maglalaway ka sa garnishing pa lang. Ang ganda picturan tapos ife-feature sa magazine.Napatitig ako kay Secretary Lee. Nasaan ang camera ko? Mata ko na parang pusang nagmamaka-awa. Bakit kasi napakademonyo nang kaharap kong lalaki ngayon? Kala mo naman nakakabuti ang pagiging ganito niya.Madami talaga ang kailangan baguhin sa lalaking to. Haist.Dahil marami na akong event na napuntahan. Pati table etiquette na adopt ko. Deserve ng restaurant na ito ang may arte effect. Okey. Magmala-donya ang hawak ng tinidor at kutsara. Elegante tignan pero kumain ng maayos. Hindi yung isang tikim pa lang, busog na. Diyos ko po!Di po maaring mag-adjust
(Monina POV)Maliwanag kong paliwanag sa kanya. At sana nga maliwanagan na siya sa ginagawa. Nakaka-inis naman na tawagin niya ako noon. Totoo naman talagang manyak siya diba? Tapos ginagamit pa niya ang advantage na pananakot sa akin. Ako talaga ang lugi dito.“Kaya palayain mo na ako. Please lang.”“Malaya ka naman diba Miss Gold digger.” napahawak na ako sa baso ng tubig. Mai-sasaboy ko ang laman nito sa kanya. Napainom na nga lang ako.Oo na Monina, malapit na ang kabuwanan mo. Kaya relaxs lang. Sa pinipikon talaga niya ako.“Wala akong ginawa para paratangan mo ako ng ganyan. Ako yung nahalikan! Ako yung ninakawan ng first kiss ko!” Ngumisi siya sa akin.“Gaano kabig-deal sayo ang halik na yun, Miss gold digger?”Napasapo na ako sa noo ko. Yung pakiramdam ko na namumula ang pisngi ko ay naging takore na malapit ng tumili!“Mr. Manyak, itig
(Secretary Lee POV)Pagkatapos ko nga makausap si Rhoa na asikasuhin si Miss Monina. Tinungo ko na si Master Cedrick na naghihintay sa akin. Napascan ng madalian sa tablet kung ano nga ba ang irereport ko.Malapit na ang kaarawan ng kapatid niya. Yun ang susunod kong aasikasuhin.Inabot sa akin ni Rhio ang isang bote ng alak. Alak na naman? Napailing ako. Kung palagi ganito si Master Cedrick talagang susunod na siya sa kanyang asawa.Naghihintay siya sa may terrace. Tahimik akong lumapit. Inilapag sa mesa ang bote ng alak. Ngunit halos nagulat ako ng tumawa siya.Lumingon sa akin. Alam kong nagtatanong ang mga mata ko kung ano nga ba ang nakakatawa. Naibaba ko sa kanya ang paningin ko. Siya ang Boss dito.“I kiss her as if she is my wife.”So? Anong nakakatawa doon Master Cedrick? Nahihibang ka na ba? Sinabi mo na rin na, as if siya nga ang yumao mong asawa. Ngunit si Monina ito.Ako ang biglang nak
(Cedrick Marlan POV)Di ko naubos ang alak. Nagdarasal na naman ako na makatulog ng dahil doon. Hindi ako nadala. Tss. Kaya bumaba ako sa may basement. Inabala ang sarili sa mga ginagawa ko. Yun lang ang makakatulog sa akin para matigil ang anxiety ko.I'm too tired of my own anxiety. But it was the reason kung bakit nanatili akong buhay ngayon. The motivation that drives me.Until nagkamali ako at wala akong paki-alam na binasag ang pinaglalagyan nito. Nasabunutan ko ang sarili dahil nga muli na naman nagpakita sa isipan ko ang bangungot na parang isa ng plakang paulit-ulit na ipinipilit sa aking isipin.Nahubad ko ang gloves. Saka natagpuan na lang ang sarili sa loob ng shower. Napasuntok ako ng maalala ang sinabi ng kapatid ko noon.I don't know what his intention. Kung bakit gusto niyang sirain ang magandang araw ko. He just enter on my room. Naupo nga noon sa higaan ko. Nakangiti pa siya sa akin. And I am happy on that d
(Cedrick Marlan POV)Biglang bumukas ang mga mata ko. Inalis ko ang blindfold dahil nga sa narinig kong tili. Napabangon ako. Siyang agad na binuksan ang kurtina dahil kilala ko ang boses.Sumalubong sa akin ang nakangiting si Monina. Sinasamyo ang hangin ng umaga. Minsan, nakaka-ingit din ang mga taong may mababaw na kaligayahan. They can appreciate everything easily.Napatitig ako sa orasan. It's 5:37 am. Ang aga.Ngunit sa oras na ito, patulog pa lang dapat ako. Himala ngang nakatulog ako. Dahil ata tumatak sa isipan ko ang aksidenteng nakita ko kay Monina. Napangisi ako.Kinuha ko ang roba saka nga lumabas. Sinalubong ng malamig na hamog. Anong nakakatuwa Monina? Anong masaya sa oras na ito? Can you share it with me?Napatitig lang ako sa kanya. Nakasabit sa leeg ang camera niya. Abalang kumuha ng larawan. Nilipad ang buhok na di nagawang itali. Hangang sa nakipaglaro na nga sa alon.She is happy. Just like that.