Share

Chapter 12

“Gov, bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon at itatama ko ang lahat, pangako hindi na ako uulit!” Nagmamakaawang pakiusap ng isang lalaki na nasa edad forty five, ngunit ang taong kaharap niya ay hindi mo kakikitaan ng awa o ng anumang expression.

Lumapit ang isa sa kan’yang tauhan at sinalinan ng alak ang wine glass nito na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

“Ang lakas ng loob mo na nakawan ako? Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa mga taong katulad mo?” Seryosong tanong nito bago dinampot ang isang mamahaling stick ng sigarilyo, mabilis na lumapit ang kanyang tauhan at kaagad na sinindihan ito. Humithit ito bago ibinuga ang usok mula sa kanyang bibig.

“Kunin n’yo ang lahat ng kanyang ari-arian at ito na rin ang huling pagkakataon na makikita ko ang mukha mo dito sa Montenegro.” Galit niyang utos sa kanyang mga tauhan. Namutla ang mukha ng lalaki at hindi makapaniwala na tumingin ito sa kanya.

Kilala ng lahat ang Governor ng Montenegro bilang malupit at walang puso lalo na pagdating
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status