[PSALM's Point of View]
Patakbo akong pumasok ng cafe at halos masira ko ang glass door nito. Humahangos akong napaupo sa upuang una kong nahawakan at pilit na ngumiti kina Miss Maggie na kasalukuyang nakatambay sa may counter. Napatigil pa si Sage sa ginagawa n'ya samantalang sinimangutan ako ni Lovely. Si Miss Maggie naman, ayun nakangiti pa din. Mukhang wala pa si Pen.
"Hi fans!" Bati ko habang hinahabol ko pa rin ang aking paghinga. Ang layo din kasi ng tinakbo ko. Bad trip kasi 'yung tricycle na nasakyan ko. Kung kelan naman ako nagmamadali, saka naman nasiraan.
"Late comer!" Asik sa akin ni Lovely— ang babaeng kumukulo palagi ang dugo 'pag ako na ang nakikita. Siguro masyado n'ya akong na-miss dahil hindi n'ya ako nakita ng isang buong araw.
"Late comer ka d'yan! Ang sabi ni Miss M, before six am nandito na. 5:59 palang, ah? Anong late 'dun?" Banat ko naman sa kanya. Syempre confident ako sa sinabi ko. Mabuti na lang talaga mabil
Kinailangan ko pang itanong kay Miss Maggie kung nasaan ang uniform ko dahil parang nakalimutan n'ya na ako. Mabilis n'ya namang tinuro ang locker ng mga staff. Nakalagay na daw kasi sa locker ko 'yung uniform na pinagawa n'ya. Hindi naman ako nag-aksaya ng oras at mabilis na tinungo iyon saka nagbihis. Pareho lang naman ang uniform ng babae at lalaki.Nang lumabas ako, may apat nang customer na magkakahiwalay na naka-upo. Isa doon ang kasalukuyang sini-serve-an ni Pen at dahil server din ako, kakailanganin ko pang tanungin si Lovely para malaman kung sino pa ang may order na at kailangan ng i-serve."Hoy—" Naisara ko agad and bibig ko at kinailangan kong pigilan ang sarili kong tawagin s'yang hoy dahil baka hindi n'ya ako sagutin ng maayos at isipin n'ya na namang inaaway ko s'ya. Bahagya muna akong tumikhim bago s'ya malumanay na tinawag."Lovely, may kailangan pa bang i-serve?"Pinilit ko pa ang sarili kong ngumiti dahil nakabusangot na nam
[PSALM's Point of View]Hindi naging mahirap ang mag-adjust sa mga kasama ko. Magaan sila ka-trabaho at madaling makasundo— maliban nga lang kay Lovely na maya't maya akong inaaway. Pero kahit gaano pa kaganda ang kalagayan ko ngayon, may mangyayari at mangyayari pa ring sisira talaga sa lahat."Pen ako na d'yan," pabiro kong sabi kay Pen na kasalukuyang nagliligpit sa isang table."Sige." Agad n'yang tinantanan ang pagpupunas ng table at iniabot sa akin ang swab. Hindi ko napigilang tumawa dahil hindi na s'ya kumontra."Hindi ka ba tatanggi?""Hindi na. Baka maubos natin ang gamit dito kababasag dahil sa pag-aagawan natin sa paglilinis." Nag-aalinlangan pa n'yang sagot."Binibiro lang kita, no! Sige na, dun ka nalang muna sa counter."Agad s'yang sumunod sa sinabi ko at umalis kaya pinagpatuloy ko na ang paglilinis ng table.
Uminit lalo ang buong mukha ko hindi dahil sa kahihiyan kung hindi dahil sa sobrang galit. Pigil na ang aking paghinga at halos magkiskisan ang mga ngipin ko sa sobrang pagtitimpi. Nanginginig ang aking buong katawan kasabay ng paghigpit ng kamao kong nakakuyom. Handa na itong umangat at tumama sa mukha n'ya nang maramdamang may humawak dito. Napansin ko na lang ang pagkakaroon namin ng distansya dahil sa pagsingit ng maliit na pigura ni Pen sa pagitan naming dalawa."Free muffins dahil opening ng cafe. Enjoy!"Mabilis akong hinatak palayo ni Pen. Imbes na huminto sa counter, dumire-diretso kami paakyat sa hagdan. Binuksan n'ya ang pinto at pinapasok ako sa loob. Doon lang ako muling nakahinga kasunod nun ay ang pagtutubig ng aking mga mata at s'ya ring paghapdi ng ilong ko.Napaupo ako sa couch at marahas na sinuklay ang buhok ko pataas. Putangina. Ang sarap pumatay. Nakakagigil."Nasabi ni Miss Mag
[PSALM's Point of View]Minsan talaga mapapa-isip ka na lang kung para ba sa iyo ang isang bagay na meron ka. Katulad na lang ngayon, hindi ko maiwasang isipin kung para ba talaga sa akin ang pagtugtog at pagkanta. Sa mga nangyayari kasi, parang pinare-realize na sa akin ng universe na katangahan ang maging proud sa talent na mayroon ako."Wala kang racket ngayon, Psalm?"Napatigil ako sa pagsta-strum ng gitarang hawak ko nang sumulpot sa harap ko si Miss Maggie. Umayos ako ng upo at inilapag ang gitara sa round table."Meron po Miss M. Pero mamaya pa naman 'yung alas-sais," sagot ko.Umupo s'ya sa tabi ko at ibinaba sa table ang bitbit n'yang teacup. Agad na rumehistro sa ilong ko ang amoy nito kaya nalaman ko agad na camomile ang tea na laman noon. Sa paulit-ulit kong pagse-serve, naging pamilyar na sakin lahat ng drinks dito.Sa ngayon, free
Sabay na bumagsak ang balikat ni Pen at Lovely habang hindi naman nag-react si Sage. Buntong hininga lang ang naging sagot naman ni Miss Maggie."You know what, ang kill joy mo." Nagkrus ang mga kamay ni Lovely at inis akong tinignan."Sus, mami-miss mo lang ako e." Pang-aasar ko sa kanya habang nakangisi. Hindi ko din maintindihan minsan ang babaeng 'to. May mga oras na halos sipain n'ya ako palayo sa kanya at may mga ganitong pagkakataon na kulang na lang ay bulyawan n'ya ako para sumama."Hindi ka lang pala KJ. Assuming ka pa," asik n'ya."Ganito kasi 'yan, my dearest Lovely. Busy kasi ako, alam mo 'yun? Puno ang schedule ko." Pabiro kong paliwanag."Psalm," seryosong sambit ni Miss Maggie at hinarap ako kaya napaayos ako ng upo. "Alam kong gusto mong mag trabaho pa pero sana, bigyan mo din ang sarili mo ng time para mag-enjoy at magrelax. Hindi maganda na sinusubsob mo ang sarili mo sa trabaho. Spare time for your self.""Miss Maggie nam
[SAGE's Point of View]The sun was already at it's peak but people seemed to care less. When my feet stopped in front of it's huge and colorful entrance gate, I felt a rare ripples of excitement like a kid craving for something. The smell of popcorn and grilled hotdog in the air made my mouth to salivate. I can't remember when was the last time I took a bite of such food. Ah, I almost forgot. I never had a taste of that food. And watching how little kids run through the colorful gate while pulling their parent's arms gave me a wave of nostalgia. Parang kailan lang."Amusement park?" Lovely uttered in disbelief while looking at the entrance where people walked to and fro, breaking my silly reverie. Rumehistro din sa pandinig ko ang halo-halong ingay ng paligid na parang wala naman kanina."Ang galing mo namang magbasa, Love! Grabe, nakakagulat!"I hopelessly shook my head. Sa sarkastikon
Nagpatuloy ako sa paglalakad but after a few steps, I immediately stopped and looked around when my eyes failed to found Psalm and Pen."Sage, I'm sorry. I didn't mean to be judgemental," she gently apologized. I chose not to respond and continue to look around, instead."Bakit?" Tanong n'ya Lovely nang mapansin ang paglinga-linga ko."They're gone.""What? Who?" Maging s'ya ay napalinga-linga sa paligid."Pen and Psalm.""Ha?!"Nagmamadali kong pinuntahan ang booth kung saan ko sila huling nakita. A skinny guy wearing a striped red and white polo shirt with a visor cup greeted me."Good morning, sir! I-try n'yo na po 'tong game namin. Stuff toys po ang prize, perfect po para sa girlfriend n'yo—""Hinahanap ko 'yung lalaki at babaeng pumunta dito kanina," diretso kong sabi sa kanya, ig
[SAGE's Point of View]I was so sick of my life. Sawang-sawa na akong kontrolin ng ibang tao at maging kung anong gusto nila. I never had a chance to know who I am, to know what I want. That's why when I finally had the courage, I decided to step out of my box and do what I desire, to catch the things I missed— though it never went easy just like how I imagined it to be."This is... embarrassing Lovely," bulong ko habang pasimpleng tinitignan ang mga tao sa paligid. Pakiramdam ko kasi lahat sila nakatingin sa amin— sa akin.Who wouldn't? Kahit ako, na nasa matinong pag-iisip, ay lilingon at mapapatingin kapag nakakita ako nang mga kabataan na nakasakay sa isang umiikot na ride— not to mention that this is for kids. This is crazy."Ano ka ba, Sage! Don't mind them. Bakit? Kilala mo ba sila? Hindi naman 'di ba?" Sagot n'ya habang enjoy na enjoy sa one-sided n'yang pagkakaupo sa kabayo