Share

CHAPTER 58 “GOOD MORNING WIFE”

MATAAS na ang araw nang magising si Joaquin nang umagang iyon. Pero hindi katulad niya, mahimbing pa ring natutulog si Lara na nakayakap pa ang isang braso sa kahubaran niya.

Masuyo niya itong niyuko saka dinampian ang simpleng halik sa noon. Pero gaano man kasimple ang halik na iyon, alam niyang puno iyon ng pagmamahal.

Iyon ang unang umaga nila ni Lara bilang mag-asawa. Napangiti si Joaquin sa kaisipang iyon. Napakasarap pala sa pakiramdam na hindi na nila kailangang magmadali tuwing magkasama sila. Oo nga at hindi pa sila ganoon katagal na magkasama. Pero hindi naman issue iyon sa kanya. Walang kaso sa kanya kahit maikling panahon lamang ang pinagsamahan nilang dalawa ni Lara bilang magnobyo. Iyon nga ang dahilan kung bakit niya ito pinakasalan.

Napangiti doon si Joaquin.

Maraming babae na ang totoong dumaan sa buhay niya. Pero walang sinuman sa mga ito ang nakapagparamdam sa kanya ng katulad ng nararamdaman niya para sa babaeng ito.

Ilang sandali pa niyang hinayaan ang sarili
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status