"Nanay, may star po ako" buong pagmamalaki na ipinakita ng pitong taong gulang na si Calli ang star na nakatatak sa pulso niya. Kauuwi lang ni Calli galing eskwelahan at dumiretso kaagad ng uwi sa bahay. Tiningnan naman ni Cory ang kamay ni Calli."Wow! Ang galing naman ng anak ko" saka niyakap niya si Calli. Iniharap ni Cory ang anak sa kanya."Anong gusto mong premyo, Anak?" magiliw na tanong ni Cory. Nag isip naman si Calli."Gusto ko pong kumain sa Jollibee, Nanay" masayang sagot ni Calli."Okay. Iyon lang ba?" "Opo" "Sige pupunta tayo sa Jollibee mamaya" sabi ni Cory. Tuwang tuwa naman na tumalon talon pa si Calli."Nanay, sama ko" sabi naman ni Elias. Ang bunsong anak ni Cory. Yumuko si Cory para makalapit ang mukha niya sa bunsong si Elias."Siyempre kasama si Elias Colton ko" saka pinanggigilan ang pisngi ng anak. Lumapit naman si Calli sa ina at kapatid. Niyakap ni Cory ang dalawang anak. Hindi naging madaling mag isang itaguyod ang dalawang bata. Kundi sa tulong ng kaibi
Sinalubong agad si Ely ng Mommy at Daddy niya. Kumunot ang noo niya nang makita ang babaeng naging dahilan ng pagkasira ng pamilya niya, si Gemma.Umalis siya ng bansa at pumunta ng Greece para lumayo pansamantala. Hindi siya napigilan ng Mommy niya na hindi umalis. Alam naman niya na ipipilit na naman nito si Gemma sa kanya.Sa tingin niya kaya andito si Gemma ay may plano na naman ang Mommy niya na bigyan sila ng oras para makapag usap. Nuong umalis kasi siya ay ilang beses nang nagtatangka na makipag usap si Gemma sa kanya. Pero hindi niya iyon pinapansin.He promised na sa pagbabalik niya ay buo na ang loob niya na ipaglaban ang pamilya niya. Walang Gemma at walang Mommy niya ang makakahadlang. "Ely, namiss kita" may kislap ang mga mata na sabi ng Mommy niya sa kanya. At niyakap siya. Mataman lang na nakatingin si Gemma sa kanya."I missed you too Mommy" tugon ni Ely nang humarap siya sa Mommy niya. Hinalikan niya sa pisngi ang ina. Tinapik naman siya sa balik at ng Daddy niyaNa
Matagal na inasam ni Ely na makitang muli ang kanyang mag iina. Kaya ngayon na nasa malapit lang sila ay hindi niya palalampasin ang pagkakataong ito. Sabik na sabik na siya sa yakap ni Cory. Limang taon din na matagal sila hindi nagkasama na dalawa. Kung sana ay puso ang pinairal niya ay hindi mangyayari ito.Bawat madaan nila ay tinitingnan niyang mabuti. Dito sa lugar na ito nakayanan ng kanyang mag iina na tumira. Napakasimple ng buhay. Malapit sa dagat at tahimik ang kapaligiran. Huni ng ibon at lagaslas ng tubig ang maririnig.Unti unti niyang narealised kung anong klaseng buhay ang ibinigay niya sa asawa nuong magkasama pa sila. Mas nakakarelax ang pakiramdam na andito ang kanyang mag iina sa probinsiya. Hindi kagaya nuong nasa Maynila na walang katahimikan ang kalooban. Maingay at punong puno ng masasamang karanasan.Alas siete na ng gabi nang makarating sila Ely at Bryan sa lugar kung nakatira ang mag iina ni Ely.Maraming tao ang nasa labas. May dancing light at may mga, mal
"Dont cry, Baby. Andito na si Tatay" alo ni Ely sa anak na si Calli. Lumuhod siya para pantayan ang anak at pinunasan ang luha ng bata. Pagkatapos ay tumayo si at hinawakan ang kamay ng anak.Napaawang ang labi ni Cory. Hindi niya inaasahan na makikita ang dating asawa pagkalipas ng limang taon. Mataman lang siyang nakatingin sa kilos ni Ely.Habang si Francis ay napapailing ng kanyang ulo na nakapameywang.Papalapit nang papalapit si Ely sa kanila. Their eyes meet. Puno ng lungkot ang mga mata ni Ely. At halatang kagagaling lang sa pag iyak.Hinila bigla ni Francis si Cory papalapit sa kanya. Sa pag aakalang lalapitan si Cory. Pero dumiretso ito kay Elias.Ely caress the face of his son. He smile bitterly sweet. So, totoo ang hula niya. Lalaki ang sumunod na anak nila."Son, ako ito si Tatay" sabi ni Ely sa anak. Nakatingin lang si Elias sa ama. Walang reaksiyon at parang pilit na inintindi ang sinasabi ng lalaking kaharap niya."Elias, siya si Tatay. Dumating na siya. Alam ko babali
Iyak ng iyak si Cory. Habang si Francis ay inaalo siya. At si Glenda ay nasa tabi ni Cory."Tutulungan kitang makakuha ng visitation. Ilalaban natin sa korte" sabi ni Francis. Napatunghay bigla si Cory sa kanya."Visitation? Alam mo ba ang sinasabi mo Francis? Parang nanghihingi ako ng oras para sa mga anak ko. Ano yun, ha? Isisingit lang ang oras sa akin ako para makasama sila" ramdam nila ang frustration sa mga sinabi ni Cory."That's not I mean. Sa ngayon visitation lamang ang magagawa natin. Then we will appeal to the court. Makuha lang ang full custody ng mga bata para sayo. Kailangan nating kausapin ang abogado ko sa magandang gawin tungkol sa mga anak mo, Love""Ang hirap lang niyon para sa akin. Ramdam ko din na galit sa akin si Calli. Galit sa akin ang anak ko. Masakit iyon sa akin bilang isang ina. Gusto ko silang makasama. Hindi ko kaya na mawawala sila sa akin" lalo na siyang nanlumo sa sitwasyon nila ngayon."Mas maganda siguro na pakiusapan mo ang dati mong asawa, Cory.
Nakahanda na ang lahat ng dadalhin ni Cory. Isang bag lang ang dala niya. Hindi naman siya magtatagal doon. Mas gusto niya pa din na umuwi ng Antique."Mag iingat ka doon. Tawagan mo agad ako kapag nakuha mo na ang mga bata. Mamiss kita" maluluhang mga bilin ni Glenda. Habang hawak ang kamay ni Cory."Mamimiss din kita. Babalitaan kita palagi. Mag iingat ka din dito" sabi din ni Cory at niyakap ang kaibigan. Tinapik ni Francis si Cory sa balikat. Kumalas si Cory sa yakap at hinarap si Francis."Aalis na kami, Glenda" paalam ni Francis sa kaibigan ni Cory. Tumango naman ng ulo si Glenda at ngumiti.Inakbayan ni Francis si Cory at tumalikod na sila kay Glenda. Nasa sasakyan na ni Francis ang bag ni Cory.Mabilis silang makarating ng Manila. Dahil nagplane sila. At may trenta minuto lamang ang biyahe sa himpapawid. Dumiretso na kaagad sila sa tinutuluyan ni Carvie.Ipinakilala ni Cory si Francis sa kapatid. Hinarap naman ni Carvie ang bagong nobyo ng kapatid."Ate, dito kana tumira sa ba
"Sir, may bisita po kayo" imporma ng kasambahay ni Ely. Walang pasok si Ely ngayon. Nag leave siya ng one month para makasama ang mga anak. At para na din maka bonding niya ito. He will not let go his chance to with his kids.Busy sina Calli at Elias sa paglalaro ng mga toys nila sa sala. Si Ely ang mismong nagbabantay sa mga anak ngayon pa hindi siya muna pumasok sa kompanya. Kahit pa may kinuha na siya na Yaya para sa, dalawang bata."Sino daw?" tumayo siya mula sa sopa at nakapameywang na nagtanong sa kasambahay."Cory Luna daw po" nanlaki ang mga mata ni Ely. Ang dalawang bata ay napatigil sa paglalaro ng marinig ang pangalan ng kanilang ina."Si Nanay?" sabi ni Calli at tumayo na din ito at lumapit sa ama. Ganoon din ang ginawa ni Elias. Parehong kumapit sa binti niya ang dalawang bata."Papasukin mo?" utos ni Ely. Agad naman sinunod kasambahay ang sinabi ni Ely at pumunta ng pintuan.Naglalakad papasok sina Cory at Francis sa loob ng bahay ni Ely. Mukhang bago ang bahay ng datin
"Hindi ko pipirmahan yan! Napakatigas naman ng puso mo, Ely. Para gawin sa akin lahat ng ito. Hindi ko kaya na mawala ang mga anak ko sa akin. Pero hindi ko puwedeng gawin kapalit ang mga anak ko. Huwag mong gawin ito sa akin. Sila ang buhay ko" umiiyak na sabi ni Cory.Matigas ang anyo na tumingin lang si Ely kay Cory. Hindi siya maawa kay Cory. Hindi niya gagawin na maging madali ang lahat kina Francis at Cory. "Anong gusto mong gawin ko para hindi mo na ilayo ang mga anak ko sa akin, Ely? Gusto mo bang lumuhod ako sayo? Sige, luluhod ako. Huwag mo lang ilayo ang mga anak ko" dagdag na litanya ni Cory. Tumayo na si Cory at lumapit kay Ely. Maaga na pinigilan ni Francis si Cory."No, Love! Dont stoop down your level. Hindi mo kailangan magmakaawa para sa lalaki na yan! Just to get your kids!" pigil ni Francis kay Cory nang akma na ito na luluhod sa harapan ni Ely.Napaigting ang panga ni Ely."Yes! Dont waste my time. Bukas ang pinto. Puwede na kayong umalis na dalawa" sabi naman ni