Binuksan ni Ely ang pinto sa passenger seat at magkasunod na bumaba ang dalawang anak niya. Hinawakan ni Ely ang kamay ng dalawang bata."Tatay, kanino po itong bahay?" nakatubghay ang ulo sa ama."Makikita niyo, mga Anak. Kung sino ang pupuntahan natin sa bahay na iyan" turo pa ni Ely sa bahay. Mataman lang na nakatitig sina Calli at Elias sa bahay.Ely's hearts beat so fast. He couldn't imagine what his children will felt when they saw their mother. Their longing for their mother will disappear the moment thar they will saw Cory. It will probably the best day of his life. After a year they will be complete as a family.Manang Matilda open the door for them. Ngumiti si Ely sa matanda. At bumati. "Good morning po. This is my kids, Calli and Elias" pakilala niya sa dalawang anak."Magandang umaga din sa inyo. Kay ganda at guwapo naman ng anak mo, Ely" tumingin si Ely sa dalawang bata at ngumiti."Thank you po""Pasok na kayo sa loob. Kanina pa kayo hinihintay" aya ni Manang Matilda sa
Kaagad na tinawagan ni Ely si George. Hindi na niya malaman ang gagawin. Sobrang natataranta na siya sa mga ikinikilos ni Cory."Anong nangyari?" bungad na tanong ni George. Nasa may pintuan pa lamang ito at palipat lipat ng tingin sa mag asawa."Bigla na lang siyang umiyak. Pagkatapos nakatingin lang siya sa akin at hindi niya ako matandaan" sagot ni Ely. Ang mata niya ay nakay Cory.Nilapitan ni George ang kapatid. Tumayo si Ely at pinagmamasdan lang ang pagsuri ni George sa asawa niya. Hinawakan ni George si Cory sa dalawang kamay nito."Makinig ka. Diretso lang ang tingin sa akin. Gusto kong sagutin mo ang mga itatanong ko." saad ni George. Tumango ng ulo si Cory at nakatingin lang sa mga mata ni George "Anong pangalan mo?" tanong ni George."Cory Luna" mabilis na sagot ni Cory."Kilala mo ba ako?"Tumango ng ulo si Cory."Doc. George Sta. Maria" sagot ni Cory."Eh, siya. Kilala mo ba siya?" turo ni George kay Ely. Mataman lang na naghihintay si Ely sa isasagot ni Cory."Ely?" tum
Isang linggo na ang nakakaraan. Nasa bahay pa din ni George ang mag anak nina Ely at Cory. Unti-unti nang bumalik ang sigla ni Cory. Maaliwalas na ang mukha ngayon. Walang bakas nang mga nagdaan pait ng nakaraan sa buhay niya. Sana ay maging ligtas pa din ang buhay nilang buong pamilya.Marami ang nagbabantay sa labas. Iyon ay mga hiling ni Ely kay Tito Omari. Kailangan niyang masiguro ang kaligtasan ng kanyang pamilya. Lalo na alam nilang malaya sa labas na nakakagalaw ang mga taong gumawa ng masama sa asawa niya. Ngayon nga ay bantay sarado ang buong lugar ng bahay ni George. Walang sinuman ang nakakapasok. Maliban na lang sa kapatid nina Cory at George. Si Carvie. Nalaman na din nito ang nangyari sa kapatid. At alam na nito na nakakatandang kapatid nila si George. Sa una, ay nagulat si Carvie. Tinanggap din niya nang maluwag ang Kuya niya. Iginugol ni Cory ang buong isang linggo sa pag aalaga at pag asikaso sa kanyang mga anak. Bumabawi siya sa isang taon na hindi niya nakasama an
"I told you na hindi ko na dapat pa na binuhay ang babae na iyon! Ayan, napahawak na tayo! Mabubulok tayo sa kulungan nito" sabi ng isang hindi pamilyar na boses."Ikaw lang ang makukulonh at hindi ako! Hindi ko hahayaan na mangyari iyon, Martino! Na patayin no ang kapatid ko. Ang usapan natin hindi mo idadamay ang kapatid ko sa planong ito. Itinuloy mo pa din. Pinayagan ko nang pagbuhatan niyo ng kamay ang sarili kong kapatid! Isa lang naman ang pinakiusap ko sayo. Ang huwag siyang patayin" litanya ni George sa kanyang kausap."Hinayaan kitang makapaghiganti sa asawa ng kapatid ko! Pero, wala sa usapan na papatayin mo pati ang kapatid ko. Wala naman kasalanan sayo si Cory. Ngayon na nagawa mo na ang gusto mo. Kukunin ko na si Gemma sa iyo! At isasama ko na siya magpanibagong buhay sa malayo. Hindi ko na mapapayagan na mailayo mo ulit si Gemma sa akin." dagdag na sabi ni George."Paano mo isasama ang anak ko kung ganyan siya? Tingnan mo nga, George!" sabay turo sa anak na nakatulala a
Ilang araw pagkatapos ng insidenteng isinawalat ni Cory ay naging tahimik ang buhay nilang mag asawa. Umuwi na sila sa bahay nila. At dumadalaw na lamang si George sa mag anak. Kasama na din na naninirahan sa bahay ni George si Carvie.Hindi pa tapos ang laban nila para tugusin ang gumawa niyon sa kanya. Tahimik na kumakalap ng impormasyon ang mga kapulisan. Ngayon ay naghihintay at nag iingat sila sa mga puwedeng mangyari. Para sa kaligtasan, hindi lang nang buhay ni Cory kundi ang lahat ng mga taong malapit sa kanya. Lalo na ang tatlo nilang anak. Ayaw din nilang madamay ang mga ito ag pagbuntungan ng galit. Ang walang muwang nilang mga anak. "Nanay, puwede po ba kaming maglaro ni Elias sa labas?" pagpapaalam na sabi ni Calli sa ina. Yumuko si Cory at pinisil ang ilong ng panganay na anak."Oo naman. Pero hindi puwedeng lumabas sa may gate. Doon lang kayo sa hardin. Dadalhan ko kayo ng meryenda doon ni Elias" magiliw na sagot ni Cory. Nangislap ang mga mata nang dalawang bata."Sal
Malakas na nahampas ni Ely ang manibela. Kung kailan siya nagmamadali. Saka pa siya maiipit sa traffic. Wala siyang magawa kundi ang maghintay. Masyado na siyang nag aalala para sa kalagayan ng mga anak. Pati na din sa kalagayan ng asawa niya. Kagagaling lang ni Cory at ayaw na ni Ely na bumalik ang sakit ng asawa. Sana lang ay hindi totoo ang hinala niya. Huwag naman sana ang kanilang dalawang anak."Cory!" alalang alala na tawag ni Ely sa asawa. Mabilis ang paghinga sa hingal dahil sa pagmamadali. Hinahanap ng mga mata niya ang asawa na ayon kay Edna ay kanina pa hindi humihinto sa pag iyak."Sir Ely?" si Edna ang nasalubong niya sa sala."Ang Ma'am Cory mo?""Nasa kuwarto niyo po. Kasama si Ditas at Yaya Katring. Kanina pa po umiiyak si Ma'am. Nag aalala na po kami ni Ditas" sagot ni Edna. Mababanaag ang ang takot para sa kaniyang aamong babae. Mabilis pa sa alas kuwatro na tumakbo si Ely pataas ng hagdan. Papunta sa kuwarto nilang mag asawa. Nang makarating sa tapat ng pinto ay k
Isa isang nagsibabaan ang mga pulis sa mga patrol car nila. Kasama nina Ely si Omari sa HiAce van na lulan sila."Dito lang kayo. Huwag na kayong sumunod pa sa amin sa loob" bilin ni Omari sa magkakaibigan. Magsasalita na sana si Ely nang pigilan ito ni Omari."Huwag nang matigas ang ulo, Ely" saad ni Omari ka Ely. Walang nagawa si Ely kundi ang magpaiwan sa loob ng van.Lumabas na ng sasakyan si Omari. Naiwan ang magkakaibigan sa loob. Hindi mapakali si Ely. Dalawang anak niya ang nasa loob ng bahay ng mga Martino. Napapapikit siya sa isiping puwedeng mangyari sa dalawang bata. Maghahanap pa siya ng mga salitang puwedeng ibigay na ipaliwanag sa asawa. Sa nakikita palang niya na gagawin ni Cory ay nanghihina na siya.Makakaya kaya niya na may mawala sa mga taong importante sa buhay niya?"Payagan niyo na ako. Kailangan kong makita ang mga anak ko!" pamimilit ni Ely. Hawak siya sa braso ni Parker at Nickson."Pare, hayaan mo na ang mga pulis. Ililigtas nila ang mga bata. Maghintay na l
Matalim na tingin ang ipinukol ni Ely. Tumatagos ito sa katawan ni Gerardo. "Bitawan mo ang anak ko! Kung hindi mauubos ang pasensiya ko na kanina ko pa tinitimpi! I can be evil that you cannot imagine. Sinusubukan kong pigilan ang konti kong pasensiya. Pero, nasasagad na ang pasensiya ko! Sobrang maiksing-maiiksi na. Better to let go of my child, now!" mga babala ni Ely habang nakatiim bagang at nasa likod ang kanyang kamay.Papalapit siya kay Gerardo nang hindi nito napapansin. Habang si Calli ay panay ang piglas sa hawak ni Gerardo sa kanya."Bitawan niyo po ako! Maawa po kayo sa akin. Sabi niyo Lolo namin kayo ni Elias" umiiyak na sabi ni Calli. Tumingin si Gerardo sa bata."Kaya po kami sumama ni Elias sa inyo kasi mabait kayo. Binilhan niyo pa po kami ng ice cream. Binantayan namin si Tita Gemma. Kasi sabi niyo gusto ninyong bumalik si Tita Gemma sa dati. Kagaya po ni Nanay. Pero, bakit po ngayon sinasaktan niyo kami ni Elias? Wala naman po kaming ginawa kay Tita Gemma na masama