Share

Chapter 12

Chapter Twelve

"I'll extend your deadline to Friday." Napahilot sa sintido nya ang propesor. "Dahil hanggang ngayon ay kalahati pa sainyo ang hindi nakapasa ng project. Please be reminded that this will be the last time na ieextend ko ang deadline nyo." 

He remained calm before storming out the room. Kasabay ng pagtunog ng bell ang muling pag-ingay ng mga kaklase ni Eleanor. Tila walang epekto sa mga ito ang sinabi ng Prof nila. A sigh escaped from El's lips as she look at her classmates.

"Naku naman talaga itong mga kaklase natin oh." Usal ni Flare. 

Inayos nalang ni El ang mga gamit nya at nilagay ang mga ito sa bag. 

"Hayaan mo nalang sila." Saway nya sa kaibigan.

"Oo nga! Halika nalang sa cafeteria at magpakabusog tayo." She exclaimed.

Sabay silang tumayo saka lumabas sa classroom. Mabuti nalang at maaga silang pinakawalan ng Prof nila, dahil mabilis na napupuno ang cafeteria at nawawalan ng bakanteng upuan. They walked fast, especially Flare who's been ranting all their way to the cafeteria. 

Hinayaan na lamang sya ni El na mag-ingay. Alam naman nyang hindi mapipigilan ang kaibigan nya sa ganoong bagay. Napabuntong hininga nalang sya.

"Oh ayon! May vacant seat banda doon. Kunin na natin dali!" Saka nya muling hinatak si Eleanor papunta doon. 

Ng maka-upo ay kaagad na napansin ni El ang paghalungkat ni Flare ng bag nya. Mukhang may nawawala. 

"May problema ba?" She asked.

"Yung wallet ko kasi..." Patuloy ito sa paghahanap, "Nakita ko rin! Gosh akala ko naiwala ko na." She breathed out of relief.

Eleanor chuckled by seeing her friend's reaction. 

"Can we sit here?" 

Sabay na napalingon sina El at Flare sa nagmamay-ari ng boses. Ganon nalang ang gulat ni Eleanor ng makita kung sino yun. 

It's Fourth Ycarius! Anong ginagawa nya dito? Bakit naman sya lalapit sakanya? Maybe he has something to say to her? Or kakain lang talaga sila dito? Napalinga si El sa paligid, halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanila. Of course! This guy is very famous in their school. Napatingin sya dito, ngumiti lang sakanya si Fourth.

Sa dami ng tao dito ngayon mukhang wala ng bakante. 

"Oo naman!" Flare looked at her, nanunukso. "Upo kayo." Aya nito.

Naalala nyang tinutukso pala sya nito kay Fourth. She wants to face palm, hay. May bakanteng upuan pa sa table nila na sapat kina Fourth at sa mga kaibigan nito. Tumingin syang muli kay Fourth at nakita nya itong tumango sa mga kaibigan. Sumenyas ito para mag-order sila, na sya namang sinunod agad nila.

"They'll just order." Wika ni Fourth.

"Naku ako din! Mag-oorder na rin ako bess ha." Paalam sakanya ni Flare. 

"Teka sasa—"

"Hindi na! Alam ko na yung order mo. Ako ng bahala." Then her friend playfully winked at her.

Napabuntong hininga nalang sya. Bumaling si El kay Fourth, napa-iwas sya ng tingin ng makita nyang nakatitig pala ito sakanya.

"My friends doesn't know anything, so you don't have to worry." Panguna nito. 

Nabawasan ang pag-alala nya dahil doon. But because of the eyes that's been looking at her— or say, at their direction, it makes her uncomfortable. Nakita nyang napapansin ni Fourth ang pagka-unkumportable nya.

"I think sitting here made you uncomfortable. I'm sorry." She saw a glimpse of sadness when he said those.

Mahina syang umiling dito. 

"Naiilang lang ako kasi maraming tumitingin dito." She replied.

Plus naiilang na rin sya kasi titig sakanya si Fourth. 

"Oh." Nasabi nito, "Also, ang alam ng mga kaibigan ko ay may gusto akong tanungin sayo tungkol kay Sky. That's why I'm here." 

"Tungkol kay Sky? What is it?" Sunod-sunod nyang tanong.

"No, nothing.." aniya "It's just an excuse." Bulong nito.

"Excuse? Para saan?" Napabulong narin sya.

"To eat with you?" Sagot nya. Napatulala si Eleanor sa sagot ni Fourth.

"Ah.." she's speechless.

"Ito na yung pagkain!" Flare sat on her chair, saka nilapag sa mesa ang mga dala nitong pagkain. 

Sumunod sakanya ang mga kaibigan ni Fourth. They ordered a lot of food. Kaya ito seguro ang unang beses na natagalan silang kumain sa cafeteria. Fourth indeed ask some questions about Sky. Mukhang pinanindigan talaga nito ang excuse nya. His friends also asked about how's she acquainted with Sky. Ng tumingin sya sa kaibigan nyang si Flare ay nagtataka din ito.

She doesn't know na kilala ni El si Sky! Kailangan na naman nyang maghanda para sa isang interview mamaya. They finished their food when the bell rang. Fourth normally bid his goodbye to them, ganon din ang mga kaibigan nya.

At ng mapag-isa sila ni Flare, doon na nga nagstart ang interview sakanya. She kept asking her while they're walking to their next class.

"Magkaibigan kayo ng lalaking yun? Kailan mo pa naging kaibigan ang Sky Cristos na yun?!" Naiirita nitong tanong.

"Sya yung sumundo satin sa bar, hindi mo ba naalala?" Pabalik nyang tanong.

Napaisip naman si Flare, "Oo naalala ko! Naiinis parin ako sa kumag na yun! Grr!" She exclaimed. "Paano nga kayo nagkakilala non?" Dagdag nya.

"Naalala mo ba yung Tito ko na kinuwento ko sayo?" Tumango si Flare sakanya.

"Yung Tito mong nagpapa-aral sayo? Oo naman." She answered.

"That's Sky's father." Simpleng sagot nya.

"Ano?!" Biglang sigaw ni Flare. Sinaway naman kaagad sya ni El.

"Ibig mong sabihin pinsan mo yung lalaking yun?" 

"O-oo?" She lied.

"Maliit na mundo nga naman oh!" Sigaw na naman nya. "Pinsan mo pala yung kumag— I mean yung S-sky na yun!" Aniya

El chuckled. 

"Ibig sabihin, Tito mo yung may-ari ng Collins Distillery?!" Tanong na naman nito.

El nodded at her, "Yeah." She answered again.

"Omg revelation!" 

Sorry Flare... That was a lie. Inatake sya ng konsensya.

She got on their class. May mga katanungan pa ang kaibigan, but her answers were lies. She has to lie to cover up her identity. Maybe someday, masasabi rin nya kay Flare ang buong katotohanan tungkol sakanya.

Naging bakante ang sumunod na klase. Flare gone with some important personal matters, kaya naman tumambay na lamang si El sa paborito nyang lugar sa paaralan. The library.

Tahimik syang nagbabasa ng libro. It's her kind of rest after some hours of class. Nasa kalagitnaan sya ng pagbabasa ng bumaling ang atensyon nya sa lalaking biglang umupo sa tabi nya. To her surprise, it was Fourth.

"Hi." Simpleng bati nito sakanya. 

His hair is messy and his eyes looks tired. Parang kahit anong segundo ay pipikit na ito. He seems tired.

"Hi, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong nya.

Ngumiti ito sakanya, "Yeah, I'm fine. I saw your friend earlier, so I asked for your whereabouts. At mukhang tama sya, nandito ka nga sa library." Anito.

Pinagkrus nito ang dalawang braso sa mesa at ginawa iyong unan. She kept on looking at him. His sleepy look seems cute for her eyes. Nalibang syang tingnan si Fourth, nakalimutan na nya ang binabasang libro. Ng unti-unting bumukas ang mga mata ni Fourth ay ibinalik nya ang tingin sa binabasa. Pretending to read it.

She heard him let out a chuckle. 

"Did something happened? Mukhang inaantok ka." Pag-iiba nya.

"Hmm, an emergency meeting happened." Inaantok na ang boses nito.

"Y-you can rest." He smiled at what she said.

Fourth closed his eyes again. Taking care of his family's company while studying is really hard. She envied him for being responsible. Napunta ang atensyon ni Eleanor sa magulong buhok ni Fourth. It seems soft. 

Parang may sariling mga isip ang kamay nya. It reached out for Fourth's hair. She felt how her cheeks burned when she caressed his hair. And just like how it looks, it also felt soft on her hand. Patuloy nyang ginawa yun habang tinitingnan ang natutulog na mukha ni Fourth. It feels like she's commiting a crime! 

Ng bahagyang gumalaw si Fourth ay mabilis nyang inilayo ang kamay nya at bumalik na lang sa pagbabasa. When she looked at him again, nakatingin na ito sakanya. Which surprised her. 

"Why did you stop?" Tanong nito na ikinatakha nya.

"Huh?" She asked back. 

Her eyes widened when he reached out for her hand and placed it on his head again. Saka ito muling pumikit at natulog. Napanganga si El.

Does it mean, he wants me to caress his hair again? Sinunod na lamang ni El ang hula nya. She caressed his hair once again, and as she look at his sleeping face, he seems comfortable with it. 

Hindi namalayan ni El ang mabilis na paglipas ng oras. Nalibang sya sa ginawang pagtitig sa natutulog na si Fourth. Hindi nya inaasahan ang pagdating ni Flare sa harap nya. 

"Eleanor..." Mahina sya nitong tinawag.

Automatic na inalis nya ang kamay sa buhok ni Fourth at napatayo dahil sa gulat. She gathered her things and her books saka lumapit sa kaibigan nya. 

"Halika na, may klase pa tayo." Aya nya rito.

"Teka teka, si Fourth yun ha!" Sigaw nya, na sinaway kaagad ng napadaang librarian. "Anong ginagawa nya don? Ba't magkasama kayo?" Sunod-sunod nyang tanong.

"Naki-upo lang! Halika na." And to stop her friend from asking so many questions, hinatak nya na ito papunta sa classroom nila.

Hindi na nya ginising si Fourth kanina. He seems really tired and she wanted him to rest. Para hindi ito mag-alala ay nag-iwan sya doon ng sulat bago sya umalis. 

To Ycarius,

  I still have a class so I had to go. Hindi na kita ginising. I'll cook for dinner later so, you can come to my condo if you want.

                                                   - Eleanor

Namula ang mukha nya ng maalala ang sinulat. She asked him to have dinner with her! She feels really embarrassed! Buong klase ay hindi sya masyadong nakafucos. All she was thingking was the dish she'll cook for dinner. 

Nasa klase din kaya sya? Or he's on his company? She thought.

"Hoy El, tinawag ka ni Prof." Biglang bulong sakanya ni Flare na syang kinabalik nya sa huwisyo.

"Huh?" Tumingin sya sa propesor at patuloy lang itong nagsasalita sa harapan. Explaining their topic.

Kita nya ang pagtawa ni Flare sa reaksyon nya. Mahina nyang kinurot sa tagiliran ang kaibigan nya. She just rolled her eyes and made herself focused on the lesson. 

DINNER TIME came and Eleanor indeed cook a lot of foods. Inaasahan nya talagang tatanggapin ni Fourth ang pag-imbita nya. And he didn't disappoint her. Pumunta nga ito. 

"Good evening." Bati nito.

"H-hi." Nautal nyang bati pabalik. 

Inaya nya itong pumasok at dinala sa kusina. She cooked some familiar dishes that she think Fourth will like. Everytime she looks at him, naaalala nya ang nangyari sa library. It makes her blush.

Fourth opened the conversation when they started eating.

"Everything looks delicious." Pagpupuri nito.

"Salamat. Here try this." Nilagyan niya ang plato nito.

"Uhm El, I think I have some bad news to say." Nag-aalalang anito.

"Bad news?" She curiously asked. "What is it?"

"My mom already knows about our marriage." Sagot ni Fourth.

Her lips parted, "She knew? Pano?!" She exclaimed.

"She saw my ring. At alam nya ang tungkol sa arrange marriage sa pagitan ng pamilya natin." He answered again.

"And? Anong sabi nya?" She continued asking.

"She said she wants to meet you." 

"Anong gagawin natin?" 

"It's fine that she knows about our marriage right?"

"Yes it's fine. Pero hindi ako pwedeng magpakita sakanya—"

Naputol ang sasabihin nya ng marinig ang pagkalaglag ng kung ano mula sa likuran nila. Her eyes widened in shock when she saw her bestfriend standing on the entrance of the kitchen. Nalaglag ang librong dala nito at gulat na gulat na nakatingin sakanila. 

Before Eleanor can deny everything, Flare already saw and heard it. Taranta syang napatayo at lumapit sa kaibigan. Flare took aback when she came near her.

"F-flare." Nauutal nitong tawag sa kaibigan.

"M-magkasama na n-naman kayo." She stuttered and point her finger to Fourth and her. "And I h-heard." 

"You're married?!" 

If only she can make Flare forget what she heard. But it's too late. Now she already knows.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status