Share

CHAPTER SIXTY-FOUR

"Hindi po ako sigurado kung puwede 'yan dito," sabi ko. Kapag lumalabas kami nila Ate Aira ay grupo lagi, bagamat ang ilan sa mga kasama namin ay magjo-jowa talaga. Hindi nga lang puwedeng ipahalata dahil hindi katanggap-tanggap sa lugar na ito ang Public Display of Affection o PDA. Kahit holding hands ay bawal.

"Kailan ka ba kasi uuwi ng Pilipinas?" tanong niya.

"Next year pa po," sagot ko naman.

"Sa 'kin ka na umuwi," pagkasabi noon ay ngumiti siya ng matamis.

"Ha?" gulat na tugon ko.

"Ayaw mo pa rin sa 'kin?" Nalukot ang mukha niya ngunit mukhang biro lang naman. "'Wag mong sabihing si Maui pa rin ang mahal mo? Wala ka nang pag-asa do'n."

"Pumunta po kayo dito para lang ipamukha sa akin 'yan?" Bilang ganti, kunwari ay sinungitan ko naman siya.

Sumeryoso siya at tumingin ng diretso sa aking mga mata. "Oo, saka para sabihin na sana, ngayon, ako naman ang piliin mo."Nagpatuloy siya, "Mukha pa namang may gusto sa 'yo 'yong boss mong Indian. Ang sama ng tingin sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status