Share

Chapter 64 - Zane's Life

"Put me down, Zane! Magwawala na ako rito and I mean it!" Nahahapo na ibinaba ni Zane ang asawa niya nang makapasok sila ng silid. Nais niyang matawa sa sinabi nito na magwawala na dahil ano ba sa tingin ni Serenity ang ginagawa niya? Hindi pa ba iyon pagwawala para sa asawa niya? "You are a jerk! Bakit mo ako binitbit ng gano'n? May paa ako, Zane, at kaya ko na maglakad!"

Tama naman ang asawa niya: kaya nito na maglakad pero alam nila pareho na hindi iyon gagawin ni Serene. "Alam ko naman pero alam ko rin na hindi mo gagawin na iwan ang tatay mo kaya ang buhatin ka ang tanging paraan na mayroon ako."

"Kahit na! Hindi mo dapat na ginawa iyon!" Napapahilot na lamang siya ng kan’yang ulo sabay naglakad upang maupo sa may gilid ng kama habang patuloy sa pagbubunganga sa kan’ya si Serenity.

Simula kasi nang umalis sila sa safehouse ay wala na rin tigil ang babae sa pagsigaw at paghampas sa kan’ya at bagama’t nasasaktan na siya sa mga ginagawa ng asawa niya ay wala naman siyang iba rin n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status