Share

Chapter 14

Matagal akong napatitig sa perdeng papel na nasa ibabaw ng notebook habang hawak ang cellphone. Pagtipa nalang sa number ang kulang pero kinakabahan talaga ako ng sobra.

Nasa kwarto na ako at tanging ang ilaw ko nalang dito ang bukas. Napapikit ako at kumawala ng malalim na paghinga bago itipa at i-dial ang number. Kagat-kagat ko ang labi ko habang naririnig ang pagring niyon.

"Hello?"

Umawang ang labi ko at napakurap-kurap habang nakatingin sa screen ng cellphone. Ang ganda at sobrang lambing ng boses niya! I checked if the number I've dialed was correct.

"Hello? Sino po 'to?" Ulit niya.

"Uh, hello po, ikaw po ba si Ate Reive?" Nahihiya kong tanong at bahagyang kinurot ang tuhod. "Si Slaine po 'to, Ate Reive. Ako po iyong mag-aapply sa bilang part-timer sa convenience store."

"Ah, ikaw pala, Slaine." Marahan siyang natawa sa kabilang linya. "Matagal ko nang hinihintay ang pagtawag mo, hindi kasi nakuha ni Luigi ang numero mo."
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status