Asper Reign Dahlia’s Pov“So, how is it?” tanong ko kina Jyn na ngayon ay tinitikman na ang niluto kong creamy macaroni soup.Sa totoo niyan ay ito ang unang beses na nagluto ako nito. Noon kasi ay napapanood ko lang ang mga nagluluto sa orphanage pero hindi ko naman masyadong inintindi dahil hindi ko inaasahan na darating pala ang araw na kakailanganin kong magluto para sa sarili ko.Malakas ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba dahil wala pa silang binibigay na feedback sa luto kong ito.Napalunok pa ako ng sariling laway nang dahan-dahang ibinaba ni Jyn ang hawak na kutsara.Pagkuwa’y tumingin siya sa akin at ilang sandali ay ngumiti. “I like it.”Doon ako tuluyang nakahinga ng maluwag.“Anong pagkain ito?” tanong ni Karyu na sunod-sunod ang subo ng kanyang soup. “Ngayon lang ako nakatikim nito. Ang creamy ng sabay at lasang-lasa ang mga sangkap.”“It is one of the comfort foods in the Philippines,” sabi ko. “Request ni Jyn kaya iyan ang niluto ko ngayon.”Nag-thumbs up sina Rajiv a
Rajiv Fleisko’s PovSa totoo lang, mula nang sabihin ni Asper kanina sa hapag-kainan na iniisip niyang bakla si Jyn ay hindi na kami magkanda-mayaw kung paano pipigilan ang tawa namin.Gustong-gusto na nga naming humagalpas ng tawa pero masama ang tingin sa amin ni Jyn kaya ginagawa namin ang lahat para manatiling kalmado.Pero nang tuluyang makaalis si Asper para dalhan ng pagkain ang kapatid niya ay doon na namin hindi napigilan.“Shit!” Pinunasan ko ang gilid ng mata ko dahil maluha-luha na talaga ako sa kakatawa. Hindi ko inaasahan na kaya pala masyadong kampante si Asper sa tabi ni Jyn ay dahil hindi niya ito tinitingnan bilang isang lalaki. “I can’t really expect that.”“Ngayon lang nangyari ito,” ani Schlain na nakahawak pa sa kanyang tiyan at napapailing. “Bukod tanging si Asperin lang ang nag-isip na bakla si Jyn.”“I really thought she forgot everything about that,” naiiling na sambit ni Jyn habang sapo ang kanyang noo. “And I thought it was normal for her to get too close t
Asper Reign Dahlia’s Pov“Why do you really want to work in my shop?” Iyan ang bungad kong tanong kay Pruska nang siya na ang kakausapin ko para sa interview ng managerial applicant ng SweetHeart. “I know, it is not just because you wanted to have work experience so please don’t bother saying that.”Tumitig siya sa akin pagkuwa’y bumuntong hininga. “Well, wala naman talaga akong planong magsinungaling sayo kaya handa akong sabihin sayo ang totoong dahilan kung bakit dito ako nag-apply.”“So?”“It was your father’s fault,” she said.Napakunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?”Muli siyang bumuntong hininga tsaka sumandal sa kanyang kinauupuan. “On the second thought, hindi ko din talaga alam kung tatay mo ang dahilan kung bakit noong una ay binibigyan ako ng mga kumpanya na ina-applyan ko na makasama sa mga exam at interviews pero bigla na lang sa front door pa lang ng building ay hindi na ako pinapapasok.”“Then, bakit mo naisip na si Daddy ang may gawa noon sayo?” tanong ko. “As
Asper Reign Dahlia’s Pov“Jyn!” Dinamba ko ng yakap si Jyn mula sa kanyang likod nang makita ko siya sa labas ng kanyang mansyon at nagdidilig ng mga halaman nila dito sa garden.“A-Asper!” Agad niyang binitiwan ang hose at hinawakan ang kamay ko para alisin sa pagkakayakap. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”“Nako, wala namang malisya iyan.” Hinila ko ang mga kamay kong hawak niya at muling yumakap sa kanya.Hindi naman ito ang unang beses na niyakap ko ang lalaking ito. Siguro ay pang-apat na ito.Ang bango-bango niya kasi. Tapos ang lapad pa ng katawan niya na parang iyong malaking teddy bear na lagi kong katabi sa pagtulog kaya hindi ko maiwasan na yakapin siya ng paulit-ulit.Isa pa, wala namang malisya dahil nga bakla siya kaya kampante ako sa ginagawa kong ito.Huminga siya ng malalim at hinayaan na lamang akong nakayakap sa kanya. “Ano bang ginagawa mo dito?” tanong niya. “Akala ko ay magiging abala ka sa shop mo para sa maghapon na ito?”“Abala nga ako,” sabi ko. “Pero mabil
Asper Reign Dahlia’s Pov“You like it?” I asked Jyn as soon as he tasted the food that I just cooked. “Hindi ba masyadong maasim or maalat?”Ngumiti siya tsaka bumaling sa akin. “It is perfect.”“Great.” Nagsandok na din ako ng kanin para sa akin at binuhusan ito ng malapot-lapot na sabaw ng sinigang na niluto ko.“Why don’t you study at a culinary school?” tanong ni Jyn. “Well, not that you need to but it can still help you hone your cooking. Mas darami ang dish na pwede mong lutin at it will improve your skills at pastry.”“Actually, naisip ko na iyan noong nagsisimula pa lang ang SweetHeart,” sabi ko. “Kaso masyado akong abala dahil ako pa lang naman ang nagpe-prepare ng mga product namin.”“But you have time now, right?”Tumangu-tango ako. “I have but I am too old to go to school.”“It is not like a normal school, Asper,” he said. “It is more like a seminar or training. It will only take at least one to three months. Besides, there is no age limit to acquire education. Kahit anong
Miracle Raydale Azaria’s Pov“I am still talking to you!” Rajiv held my arm to stop me from leaving. “Bakit ba iniiwasan mo ako? Akala ko ba ay naka-move on ka na sa akin pero bakit hindi mo man lang ako matingnan ng diretso sa mga mata?”Inis kong ginulo ang buhok ko at bumaling sa kanya. “Ano ba kasi talaga ang kailangan mo sa akin? Sa pagkakaalam ko ay sinabi ko na sayo noong huli tayong magkita na wala na akong nararamdaman sayo at may asawa na ako!”“Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa bagay na iyon?” balik niya sa akin at tinaasan ako ng kilay. “You are a princess of this country, Miray. Imposible na hindi mabalita sa buong bansa na ikinasal ka.”Napaiwas ako ng tingin sa kanya. “Hindi mo nga nalaman ang totoong pagkatao ni Asper, hindi ba?”“Iyon ay dahil sa galing mong itago siya sa lahat,” aniya. “Anong laban ko kung ang ang unang prinsesa ng Hexoria ang nagsabi sa mga opisyal ng city hall, hanggang sa mga magazine, tv station, radio station at internet platform na huwag mag
Miracle Raydale Azaria’s Pov“Shit!” malutong na mura ni Raj nang kurutin ko ang tiyan niya. “Miray! Masakit iyan!”“At talagang masasaktan ka kapag hindi mo tinigilan ang kapilyuhan mo!” singhal ko sa kanya at binitiwan na siya. “Sinabi mong mag-uusap tayo kaya iyon ang gagawin natin. Hindi iyong bigla ka na lang manghahalik diyan pagkapasok na pagkapasok dito!”“Hindi mo naman ako masisisi noh!” singhal niya pabalik sa akin. “Ilang taon akong nagtiis na hindi ka mahawakan kaya sinamantala ko na ang pagkakataon.”“At sino ang may kasalanan noon?” tanong ko sa kanya. “Pakipaalala nga kung sino ang nang-iwan sa ating dalawa! Baka nakakalimutan mo lang na ikaw iyon at pinamukha pa sa akin na hindi mo na ako mahal! Kaya huwag mo akong artehan diyan na para bang may pumilit sayo na gawin iyon.”Hindi siya sumagot at umayos na lamang sa kanyang kinauupuan.Mag-ex fiance kami nitong si Rajiv. Halos limang taon din ang tinagal ng relasyon namin at masaya naman kami.Kaso, tatlong taon na ang
Asper Reign Dahlia’s Pov“Mira!” Dinamba ko ng yakap si Miracle nang dumating siya sa bahay ko. “Kanina pa kita hinihintay. Bakit ngayon ka lang?”“M-may kinausap pa kasi ako pagka-out ko sa shop,” aniya.Kumalas ako ng yakap sa kanya at doon ko nakita na namumugto ang mga mata niya. “Mira? Anong nangyari sayo?”“H-huh?” Tumingin siya sa akin. “A-anong ibig mong sabihin?”“Namumugto ang mga mata mo!” singhal ko sa kanya. “Umiyak ka noh? Bakit? Anong dahilan? Sino ang nagpaiyak sayo?”Hindi siya sumagot at bigla na lang akong muling niyakap kaya napakunot ang noo ko.“Mira, ako lang ang hugger sa ating dalawa kaya kinikilabutan ako kapag ganito ka,” sambit ko. “Ano bang dahilan? Hindi mo ba pwedeng sabihin sa akin? Baka sakaling makatulong ako sayo.”Hindi pa din siya sumagot kaya naman hinaplos ko na lang ang likod niya. Baka sakaling maisip niya na hindi naman siya nag-iisa at lagi lang akong nandito sa tabi niya kahit na anong mangyari.Hindi pa man ganoon katagal ang pinagsamahan n