Asper Reign Dahlia’s Pov
Ibinaba lang ako ni Miracle sa harap ng grocery store at agad na din siyang pumunta sa bayan para magbukas ng SweetHeart Cafe.
At dahil hindi ako iyong tipo na mag-aaksaya pa ng oras ay agad na akong pumasok sa loob ng store, kumuha ng cart at sinimulang mag-ikot sa buong lugar habang inilalagay dito ang mga kailangan kong bilhin.
Alam ko naman ang mga dapat kong bilin kait pa wala akong dalang listaan. At halos isang taon na din naman akong namimili dito kaya kabisado ko na kung saan nakalagay ang mga bibilhin ko.
Hindi nagtagal ang pamimili ko. Matapos kong makuha ang lahat ng kailangan ay agad ko na itong dinala sa cashier at sinabihan na lang sila na i-deliver sa bahay ko ang mga pinamili ko.
Madalas naman na iyon ang gawain ko nang sa gayon ay makapamasyal pa ako ng sandaling oras nang walang iniintinding bitbitin.
Nang matapos ang transaksyon ko sa grocery ay agad na akong lumipat sa restaurant na nasa tapat nito.
Saglit lang naman akong kumain dahil kape at ilang slice lang ng tinapay ang kinain ko.
Sa bahay na ako kakain ng madami dahil magsisimula ang lahat ng trabaho ko after lunch.
Matapos ko sa restaurant ay dumeretso ako sa isang underwear shop.
Pakiramdam ko kasi ay sumisikip na ang mga brassiere ko dahil sa pagtaba ko kaya naman kailangan ko na muling bumili ng mga bago.
At dahil maaga pa ay iilan pa lang ang customer dito sa loob ng shop kaya malaya akong nakakapagtingin sa bawat display nila dito.
Hanggang sa matigilan ako nang makita ang isang lalaking nakasuot pa ng suit na ngayon ay nakatingin sa mga underwear na naka-display sa kabilang estante.
Nakatagilid siya sa akin kaya kita ko kung gaano siya ke gwapo.
A very charming and neat man.
Pinakatitigan ko pa siya at sa totoo lang ay mapapasabi na lang ng sayang ang lahat ng makakakita sa kanya lalo na ngayong hawak niya ang dalawang klase ng brasserie at pinagkukumpara ito.
"Sayang noh," sabi ko sa sales lady na nasa tabi ko tsaka itinuro iyong lalaki. "Ang gwapo niya pero mukhang kasali sa pederasyon."
"Ang judgemental nyo naman po, Ma'am," biro sa akin ni Ate. "Hindi po ba pwedeng binibilhan lang niya ang kapatid or girlfriend niya? Marami-rami din naman po kaming nagiging customer na lalaki na inuutusan lang ng mga babae sa kanilang buhay."
Bumaling ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Bakit? May nagkaroon na ba kayo ng lalaking customer na ganyan ka metikuloso na siya pa mismo ang namimili ng bibilhin niya?"
Napaisip siya pagkuwa'y napangiwi at umiling-iling. "Halos lahat sila ay kaming mga sales lady ang pinapipili nila dahil wala din silang ideya sa kung ano ba ang dapat nilang bilhin."
"See?" Ibinalik ko ang tingin sa lalaki. "Kung hindi man siya totally gay, maybe just a bisexual kasi lalaking-lalaki pa din naman ang tindig niya."
Well, wala naman akong issue sa mga third gender.
Ang totoo nga niyan ay gusto ko talagang magkaroon ng kaibigan na tulad nila dahil mas kumportable silang kasama sa lahat ng bagay.
"Sayang nga siya, Ma'am."
"Anyway, paki-check out na po ang lahat ng iyan," tukoy ko sa mga brasserie at panty naninilagay ko basket ko. "Here's my card." Inabot ko na din sa kanya ang card ko.
Agad naman siyang sumunod at dahil alam kong matatagalan pa siya ay nilapitan ko na iyong lalaki na hanggang ngayon ay namomroblema kung ano ba ang kanyang bibilhin.
"Hi, sis," bati ko sa kanya.
Bumaling siya sa akin at kumunot ang noo.
"Sorry ah," sabi ko sa kanya. "Kanina pa kasi kita pinagmamasdan at mukhang nahihirapan kang bumili ng underwear mo."
Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin at nakakunot ang noo.
Kaya naman natitigan ko ang kabuuan ng kanyang mukha.
At sa totoo lang, natulala ako sa kanya. Lalo na sa mga mata niyang kasing kulay ng karagatan at para ako nitong nilulunod.
Ngunit agad din akong natauhan nang bigla siyang tumikhin kaya nag-iwas na ako ng tingin at itinuon ang atensyon sa mga underware na kayang pinagpipilian.
"Hindi ko alam kung anong klase ba ang gusto mo pero tingin ko ay babagay sayo ang mga ganitong kulay." Pinagtuturo ko sa kanya ang ilan sa mga kinuha niya kanina. "Maganda at kumportable din ang mga tela niyan kaya masusuot mo sa kahit na anong okasyon. Pwede mo ding ipangtulog kasi presko sa pakiramdam." Ibinalik ko ang tingin sa kanya at ngumiti. "Hindi ko alam ang size ko kaya ikaw na lang ang magsabi sa sales lady."
At agad na din akong tumalikod sa kanya dahil tinawag na ako ng cashier.
"Sayang talaga," sabi ko.
Kinuha ko na ang mga pinamili ko at tuluyan nang lumabas ng shop.
**********
"Did that woman called you sis?" hindi makapaniwala na sabi ni Rajiv. Kakalapit lang niya sa akin pero mukhang narinig niya ang pinagsasasabi ng babaeng iyon. "And she even thought that you are the one who will wear that?"
"Shut up, Raj." Kinuha ko na ang mga itinuro ng babaeng iyon at dinala sa counter.
"Bakit nga ba kasi ikaw pa ang pinabili ni Cassia ng mga iyan?" tanong niya. "Pinagkakamalan ka tuloy na bakla."
"Just let them." Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. That was their opinion. Alam man nila ang totoo o hindi ay hindi na mahalaga dahil wala naman silang papel sa buhay ko.
Matapos mabalot ng cashier ang mga pinamili ko ay agad na iyong binayaran ni Rajiv pagkuwa'y lumabas na kami ng shop.
"Pero parang pamilyar sa akin ang babaeng iyon," muling pagbubukas ni Rajiv ng topic tungkol sa babaeng kumausap sa akin kanina. "I think, I already saw her before."
"Probably one of your women."
"Hey!" alma niya. "I’m not that kind of man. At least, I always remember the name and face of the woman who I date."
“Whatever.”
“But seriously,” aniya. “She is really familiar.”
“If she’s really someone that you have already seen before, then, start investigating her identity,” sabi ko. “We move here to laylo. Ayaw ko na magkaroon ng problema ang magiging buhay natin dito.”
Bumuntong hininga siya. “Sige, ako na ang bahala doon.”
Ibinaling ko na ang tingin ko sa labas ng sasakyan ngunit wala naman sa mga nakikita ko isip ko.
Kundi sa alaala ng mga matang tumama sa paningin ko kanina.
I don’t know I am feeling too familiar with those eyes but I need to know who that woman is.
Asper Reign Dahlia’s PovKung noong una ay nagulat ako sa mabilis na progress ng construction ng bahay ni Caspian Jyn, pero sa paglipas ng araw ay hindi na.Well, malaking construction team naman kasi ang ni-hire nito para buoin ang kanyang magiging mansyon. Maliban pa doon ay wala ding tigil ang kanilang trabaho.Twenty four hours sila kung magtrabaho.Kaya siguro agad na akong sinabihan noong si Raj dahil talaga nga namang magiging maingay sila ng mga ilang araw.Though, hindi naman ako naapektuhan ng ingay na iyon dahil sa soundproofing na ginawa sa bahay kong ito.Pero kahit inaasahan ko na ang mabilis na paggawa nila ay nagulat pa din ako nang makitang matapos ang halos sampung araw ay tuluyan nang naayos ang kabuuan ng mansion.Ayon kay Mira, 300 square meters din ang lote na iyon. At tingin ko ay nasa two hundred lang ang lawak ng bahay na kanilang ginawa.Ang natitirang one hundred ay ang kabuuan para sa bakuran nito.“Malapit na pa lang matapos iyan,” ani Miracle na ay nakata
Asper Reign Dahlia’s PovNatapos ang buong mansyon sa katabing bahay sa loob lang ng labing limang araw. Mula sa haligi hanggang sa mga pader, sahig at bubong. Mayroon na din itong kuryente at tubig. Kumpleto na din ang mga gamit mula sa labas hanggang loob kaya pwedeng-pwede nang tirhan.At tanaw mula sa bintana ng kwarto ko na mahigpit ang security ng bahay na iyon kahit iilan lang ang mga guard na nagro-rounds sa bakuran nito.May mga cctv camera din kasi sa paligid at may kataasan ang pader kaya wala talagang magtatangka na pasukin iyon.Nakita ko na may limang kotse na din na naka-park sa garahe nila kaya mukhang nandyan na ang mga talagang titira doon kaya agad na akong bumaba.Sinuot ko ang contact lens ko at hinablot ang box na pinaglagyan ko ng mga cupcake na ginawa ko kaninang umaga.Ibibigay ko kasi ito sa kapitbahay ko dahil sabi nga ni Mira, mas mabuti na din iyong maayos ang ugnayan namin ng mga iyon dahil kung sakali nga namang may mangyari ay kami-kami lang din ang mag
Asper Reign Dahlia’s PovHindi ko inaasahan na magiging close agad ako sa mga kapitbahay ko. At ang dahilan kaya mabilis akong naging close sa kanila?Well, ang dessert ko lang naman.Nagustuhan kasi nila ang cupcake na binigay ko sa kanila noong unang araw na nagpunta ako sa kanila at nang malaman nila Karyu na ako mismo ang gumagawa ng mga product namin sa SweetHeart Cafe ay nag-request sila na magdala araw-araw.Kumontra pa nga si Rajiv at sinabi na mahiya sa akin ngunit mabilis kong sinabi na okay lang naman iyon at hindi nakakaabala dahil pwede ko namang isabay sa mga order na ginagawa ko ang para sa kanila.Then, Schlain insisted that they will pay their order para kahit paano naman ay hindi ako malugi sa pagpapakain sa kanila. Ang delivery fee na lang daw ang ilibre ko sa kanila.Halos tatlong linggo ko na iyong ginagawa kaya naman nagiging komportable na talaga akong kasama ang tatlong iyon.At sa loob ng panahong iyon ay hindi ko pa nakikita si Jyn.Minsan ko na iyong natanon
Asper Reign Dahlia’s Pov“I know that I was the one who suggest that you should be close to your neighbor,” ani Mira na naabutan kong kakababa lang sa sasakyan niya pagkagaling ko sa kapitbahay ko. “Pero hindi ko naman inaasahan na sa loob ng tatlong linggo ay malaya ka nang nakakapasok diyan.”“Well, they trusted me easily and they love my desserts.” Inaya ko na siyang pumasok at sa kusina na kami dumeretso dahil naihanda ko na naman sa mesa ang kakainin namin. “They want everyday supplies of SweetHeart’s product so I am giving them a special delivery.”“Nagiging busy ka na,” sabi niya. “Tingin ko ay dapat kumuha ka na ng makakatulong mo para sa paggawa ng products natin.”“For now?” Umiling ako. “I can still manage my time with doing our products and some other stuff.""Are you sure?" paninigurado niya. "I can just put a hiring sign so when you need them, we can just call them."Medyo napaisip ako sa sinasabi niya.Tulad ng sinabi ko kay Mira, kaya ko pa namang gawin ang lahat ng tr
Asper Reign Dahlia’s PovI am not really against any third gender. I don't have a problem with them, and I love to engage in a conversation with them because I know that they have so many things to say that I am sure will help me learn about them.Pero hindi naman siguro ako masisisi ni Mira kung halos ilang minuto din akong nakatulala matapos niyang sabihin na si Caspian Jyn pala ang lalaking iyon.Aba'y, ang dami niyang admirer. At kung tama ang nadidinig ko, kahit ang mga prinsesa ng Hexoria ay humahanap din ng pagkakataon para mapapayag itong pumasok sa isang arrange marriage pero bigo sila.Maliban pa doon ay hindi din ito nakikihalubilo sa mga babae.At ngayon ko napatunayan ang dahilan kung ano nga ba ang dahilan noon."He doesn't like women," mahina kong sabi. "He likes men!" Hinawakan ko ang balikat ni Mira. "The Caspian Jyn that every woman around the world adores is actually gay."Maging si Mira ay hindi din makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig ko.Nakatulala din siya sa
Asper Reign Dahlia’s PovHuminga ako ng malalim habang nasa harap ng gate ng kapitbahay ko. Medyo kinakabahan kasi ako ngayong alam ko nang si Caspian Jyn na pala ang nakaharap ko ng dalawang beses at sa isang awkward na sitwasyon pa.Baka mamaya ay pagbawalan na ako nitong makipag-bonding sa mga kasama niya dito at bawiin na niya ang susi na ibinigay nila sa akin.“Hanggang kailan ka tatayo diyan?”Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses na iyon mula sa aking likuran kaya agad akong bumaling doon.And I was greeted by the enticing eyes of a Caspian Jyn. Those ocean blue eyes feel like drowning me even though he is looking at me with nothing but cold stares and to be honest, it is giving me chills.“Oh my god!” Napatakip na lang ako ng bibig. “I… I am sorry.” Agad akong tumabi upang hindi na siya maharangan sa gate.Hindi ko alam kung paano nga ba siya haharapin pagkatapos ng mga nauna naming pagkikita. Naguguluhan pa din kasi ako kung paano ba ako dapat kumilos sa harap n
Asper Reign Dahlia’s PovMatapos kong makaluto ay agad na inasikaso nila Rajiv ang dining table. Sila na ang naglagay ng mga plato, baso at ipa bang utensils.At dahil nga gusto nila iyong mala-homey kind of breakfast, inilagay ko na muna sa malaking lagayan ang bawat niluto ko at sa mesa na lang namin paghahatian ang mga iyon.Pagkatapos noon ay sila na ang nagdala at naglagay noon sa dining table. Plano ko pa ngang hugasan ang mga pinaglutuan ko bago kumain pero pinilit na ako ni Rajiv na sumabay na sa pagkain sa kanila.Kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa dining room.At sa unang pagkakataon ay makakasabay kong kumain si Jyn dahil nakaupo na siya doon nang dumating ako.“Ahm, sorry if it was not that fancy,” sabi ko nang makaupo ako.“Don’t worry about it, Aspirin,” nakangiting sabi ni Schlain. “We preferred to have this kind of breakfast.”“Let’s eat.” sabi ni Jyn at siya na ang unang kumuha ng pagkain para maglagay sa plato niya.Hindi na nga muna ako nakisabay sa kanila
Asper Reign Dahlia’s PovAkala ko ay magiging madalas na ang pagkikita namin ni Jyn sa kanyang bahay kapag pumupunta ako doon para magluto at kumain.Hindi na kasi naulit iyong pagsabay niyang kumain sa amin.Lagi na lang siyang nagpapahatid ng pagkain kay Rajiv sa kanyang opisina sa second floor. At sinasabi nila na masyado itong maraming inaasikasong trabaho.Hindi naman daw kasi porket naka-laylow sila ay hindi na aasikasuhin ni Jyn ang kanyang mga kumpanya at restaurant.So, he is doing all of his work online.And to be honest, I was a bit disappointed dahil natutuwa ako kapag nakikita ko silang apat na nag-e-enjoy sa mga niluluto ko pero wala akong magagawa dahil trabaho naman niya iyon.Iba kasi sa pakiramdam iyong mas nagugustuhan ng iba ang luto ko kaysa sa mga pagkain sa mga restaurant kaya kahit bahagya akong nahirapan noong una dahil ina-adjust ko pa ang mga gawain ko ay nag-e-enjoy pa din ako sa ginagawa ko.Tatlong linggo na ang nakakalipas mula noon.At ngayon nga ay mag