Cassie's POVMATAPOS ang nangyari sa bahay namin apat na araw na ang nakakalipas ay hindi ako na nakalabas ng bahay. Bantay-sarado ako kay Papa dahil iniisip nitong kapag lumabas ako ng bahay ay makikipagtagpo lang ako kay Jason. Hindi na rin ako nagpumilit lumabas o tumakas dahil napapagod na akong makipagtalo pa kay Papa. Kahit naman anong gawin ko mukhang hindi siya makikinig sa akin dahil sarado na ang isip niya. Mukhang nalason na ng Tristan na iyon ang isip ni Papa. Nalaman ko kasi kay Ate Catelyn na araw-araw pumupunta rito sa bahay ang lalaking iyon para kumbinsihin akong magpakasal sa kaniya pero nagmatigas ako. Ni hindi ako nagtangkang lumabas ng kuwarto sa halip ay ini-lock ko pa iyon para hindi sila makapasok sa kuwarto ko. Masamang-masama ang loob ko sa kanila dahil walang gustong maniwala sa akin. Gusto ko sanang makausap si Shiela pero kinuha rin nila ang cellphone ko para huwag ko raw matawagan si Jason. Puro na lang sila Jason, Jason, Jason! Paano ko siya makakalim
Cassie's POVHABANG nakikinig sa pinag-uusapan nila ay panay ang ismid ko kapag si Tristan ang nagsasalita. Buwisit na buwisit ako sa pagmumukha nito kahit gaano pa kaguwapo. Yes, aaminin kong guwapo naman talaga siya pero hindi man lang ako maakit sa angking kaguwapuhan nito, sa halip nag-iinit lang ang ulo ko sa tuwing magtatama ang aming mga mata. Lalo pang nadagdagan ang inis ko rito nang ilang beses ako nitong kinindatan pero pamatay na irap lang ang isinusukli ko rito. "Ang mata mo, makita ka ni Papa," pabulong na sita sa akin ni Ate nang mahuli akong inirapan si Tristan. "Nakakabuwisit siya, Ate." "Ang guwapo kaya niya," anito na waring kilig na kilig. Hindi ko na lang pinansin si Ate. Ibinalik ko ang atensyon kay Papa na ngayon ay tila bilib na bilib kay Tristan. Bakas ang katuwaan sa mukha nito dahil talagang pinanindigan nitong makasal daw kami sa lalong madaling panahon.At kanina pa ako kating-kati na tumayo para iwanan sila ngunit palagi akong bigo sa tuwing magagawi
Cassie's POVLUMIPAS ANG MGA araw, tulad ng sabi ni Ate Katelyn ay sumunod lang ako sa agos ng plano nila pero ang totoo ay pinagpaplanuhan kong makuha ang passport ko kay Papa para makaalis na ako ng Pilipinas. Ingat na ingat akong gawin iyon para hindi niya ako mahuli na sumasakay lang ako sa plano nila. Makailang ulit na akong muntik maabutan ni Papa na pinagtatangkaang kunin ang passport ko sa kuwarto nila ni Mama, mabuti na lamang at mabilis akong makaisip ng dahilan. Sa makailang ulit na iyon ay palagi rin akong nabibigo.Okay na sana ang lahat kung hindi lang panira si Jason. Habang nag-aayos kasi ako para sa lakad namin ni Shiela ngayon ay biglang dumating si Jason. Mukhang nakainom na naman ito kaya wala akong choice kun'di ang labasin ito para 'wag mag-iskandalo sa harap ng gate namin. "Baby! Papasukin mo 'ko, please?" Rinig kong sigaw ni Jason. Gigil na binuksan ko ang gate na kinakalampag ni Jason. "Anong ginagawa mo rito?""Baby, mabuti lumabas ka." Lumarawan ang pag-a
Cassie's POVNAGISING ako sa pakiramdam na parang may mga matang nakamasid sa akin at may mainit na hanging tumatama sa mukha ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata, at tama ngang may mga matang nakamasid sa akin dahil ang guwapong mukha ni Tristan ang namulatan ko. "Anong ginagawa mo?!" Nanlalaki ang mga matang tanong ko dahil halos mahalikan na ako nito sa sobrang lapit ng mukha sa akin.Hindi naman ito umimik, nakatitig lang siya sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya't malakas kong tinulak ang dibdib nito gamit ang dalawang palad ko. Ngunit daig ko pa ang tumulak sa bakal dahil hindi man lang ito natinag. Sa halip mas idinikit pa nito ang mukha sa akin.Awtomatikong naitukod ko ang mga kamay ko sa dibdib nito. "L-Lumaya ka sa akin." Kulang sa diin na utos ko rito. "Paano kung ayo'ko, hmm?" "Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo, Tristan." "Lalong hindi ako, Cassandra." Nakakapangilabot ang mga titig nito. Para iyong tumatagos hanggang sa kaluluwa ko. Bahagya akong n
CHAPTER 13Cassie's POVWALA akong sinayang na sandali, nang makahanap ako ng tiyempo ay kaagad kong nilapitan si Lalaine na busy sa kusina. "Ma'am Cassandra--""Cassie na lang," nakangiting sansala ko rito.Nahihiya s'yang tumango. "Sige Cassie, kung 'yan ang gusto mo." "Salamat," pasalamat ko habang panay ang lingon dahil baka umeksena na naman si Marchelly. Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Lalaine.." "Cassie, may kailangan ka ba?" "Kailangan ko ang tulong mo para makaalis dito." "Ano?!" "Sshh, huwag kang maingay, please?" Pabulong na wika ko sabay kabig dito papunta sa tagong bahagi ng kusina. Waring takang-taka naman s'ya sa inaakto ko. "Tulungan mo 'ko, please?" "Tulungan saan? Teka nga muna, akala ko ba asawa ka ni Sir Seth eh bakit aalis ka?" Litong-lito ang anyo nito. "Lalaine, please kailangan ko ang tulong mo. Ang totoo n'yan hindi totoong mag-fiance kami ng amo mo kaya kailangan mo akong tulungang makatakas. I was kidnapped by your boss, Lalaine--""Ano?! Kidnap?
TRISTAN'S POVHUMAHANGOS na pumasok ako sa loob ng aking bahay habang buhat-buhat pa rin si Cassie, na kanina pa ungol nang ungol sa aking mga bisig. "Lalaine, pakikuha mo 'ko ng malinis na bihisan ni Cassie, please?" Utos ko kay Lalaine na hanggang ngayon ay kasunod ko pa rin."Oho, Sir." Mabilis naman itong tumalima. Idiniretso ko sa aking kuwarto si Cassie. Puno ng ingat na dinala ko s'ya sa banyo. "Hmm.." Ungol nito at lalong nanguyapit sa leeg ko. "Cassie, you need to take a shower." Mabagal s'yang umiling. "M-Maginaw.." "Bibilisan lang natin, ha? Nabasa ka ng ulan eh." Sa nanginginig na mga kamay, nagaw kong simulang hubarin ang suot nitong damit. Bahagya akong tumagilid para hindi ako magkasala. Naka-bra na lang kasi si Cassie at medyo pinagpala ito sa bagay na 'yon. Ibababa ko na sana ang pantalon na suot nito nang magbago ang isip ko. Sa halip itinapat ko na lamang s'ya sa lumalagaslas na tubig na nagmumula sa shower. Mabilis kong nilagyan ng shampoo ang buhok nito at
CHAPTER 15CASSIE'S POVNAGISING ako sa pakiramdam na may malamig na bagay ang tumatama sa mukha ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata at sumalubong sa aking paningin ang guwapong mukha ni Tristan. May hawak itong bimpo na marahil ay 'yon ang malamig na tumatama sa mukha ko. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-aliwalas ng mukha nito nang makitang gising na ako. Iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kuwarto, maganda 'yon at maaliwalas ang kulay. Halatang panglalaki ang ayos niyon pero maganda ang bawat disenyo. Natigil lamang sa paggagala ang mga mata ko nang magsalita ito sa napakalambing na boses. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" Inalis pa nito ang ilang hibla ng buhok ko na tumabing sa mukha ko. Inipit nito 'yon sa likod ng tainga ko. "May masakit pa ba sa 'yo? Anong gusto mo?" Wala akong balak itago sa kan'ya ang tunay na estado ko. "Masakit ang katawan ko." Doon ko lang nalaman na namamalat pala ang boses ko. "'Yong likod ko masakit.." Paanong hindi sasakit ang kata
CHAPTER 16 TRISTAN'S POVSA FARM ako nagpalipas ng init ng aking ulo. Tumulong ako sa pag-spray ng pesticide sa aming mga pananim. Buong maghapong mainit ang ulo ko dahil sa naging sagutan namin ni Cassie. Sobrang nainis ako sa kan'ya nang sabihin n'ya sa akin na wala akong pamilya. Aaminin ko naman na mas'yado akong sensitive kapag pamilya ang pag-uusapan. Wala namang anak na gustong mawalan ng mga magulang sa murang edad. Nang umalis ako kaninang umaga, may kutob na akong tatakas na naman s'ya dahil makailang ulit ko s'yang nakitang nakamasid sa paligid. Hindi n'ya alam na mula nang tumakas s'ya ng gabing 'yon ay palagi na akong nakabantay sa kan'ya nang palihim. Wala s'yang kaalam-alam na palagi akong nakasunod sa kan'ya at kanina bago ako umalis, nakita ko s'yang nakadungaw sa bintana. Kaya nang umalis ako, kaagad akong nakipagpalit ng sasakyan sa kanang kamay ko. S'ya ang pinatuloy ko sa kabayanan at ako ay nag-abang na kay Cassie. At hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko s'