Hindi ako pumasok sa klase pero nasa school ako para mag-matyag sa paligid walang nakakaalam nandito ako kundi sina Eireen, Erika at Heiley.Nakatayo ako sa bubungan ng guidance office kung saan makikita ang buong classroom ng school nalaman ko itong pwesto na ito nang alamin ko ang curriculum ng school. May klase ang buong classroom kahit hindi ako pumasok malalaman ko naman.Nagtago ako bigla sa may poste ng kuryente ng may enerhiya akong naramdaman sa paligid huminga na lang ako at nagpunta ako sa kabilang building. May nakita akong anino pero hindi ko matukoy kung babae o lalaki dahil balot ang buong katawan masasabi ko naman na hindi ito isang tao.Sinundan ko ang aninong nakita ko at gamit ang powers ko hindi ako mapapansin kahit ang enerhiya at presensiya ko. Sino ka at sino ang mamatyagan mo?Hindi man sadya na makikita ko ito ngayon kaagad napangisi na lang ako dahil malalaman ko kung sino pa ang spy na nagmamatyag sa Baguio. Tahimik na ang buong lugar mula ng magbago ang na
After one month, naging malapit na kaming dalawa ni Heiley sa tuwing nagkakasama kami sa school at sa paggawa ng gamot palaging humaharang si Drake pero, inaawat naman siya ng kaibigan nila.Gusto ko ng mag-tapat ng damdamin kay Heiley hindi dahil sa misyon ko kundi, dahil nahulog na ang puso ko sa kanya. Nang mag-tapat ako sa kanya bago mangalahating buwan pinakilala niya ako sa magulang niya at napag-alaman ko na katulad kong humans.Hindi sila tutol sa pan-liligaw ko basta huwag ko lang masasaktan ang kanilang anak."Kailan mo ako ipapakilala sa pamilya mo?" tanong niya sa akin ng tumambay kami sa may garden ng laboratory kung saan kami gumagawa ng gamot.Ang gusaling ang tawag, 'secret laboratory' at kung saan kinatatayuan namin ngayon hindi makikita ng mga tao at nang mga nilalang na hindi kalahi nina Eireen, Harold, Erika, maliban sa amin at sa mga humans na pinayagan ni Maria Vero dahil may pahintulot nila ito—nina Maria Vero, Maria Irene at Señior Dracula."Pwede ka ba bukas? A
Huminga na lang ako pagkatapos ko ihatid sila sa labas ng bahay dederetso sina Drake, Eireen at Heiley sa organisasyon para sa kanilang bagong misyon."Uwi na ako," tawag pansin ni Rufus sa amin nagpa-salamat ako kanina sa kanilang ginawa."Salamat, Drake, Eireen at Rufus sa tulong nyo kanina nagsisimula na sila sa kanilang masamang binabalak at nalaman na siguro nila kung sino ang ace." nasabi ko sa kanila nasa likod ko ang pamilya ko hinawakan naman niya ako sa kamay."Sasabihin namin 'to sa nakaka-taas mag-iingat kayo ng pamilya mo," sabi niya sa akin ng maramdaman ko na pinisil niya ang kamay ko."Hindi kayo magpa-pahinga?" tanong ko kaagad baka magkasakit sila kapag walang pahinga ang kanilang katawan."Sanay na kami, Leo sa ganitong gawain kapag may gagawing misyon o may pagpupulong na mangyayari nakasanayan namin mag-pahinga ka na bukas magkikita tayo ulit." bulalas niya nagpaalam na rin siya sa pamilya ko.Nag-bilin lang si Eireen sa magulang at dalawang kapatid ko na kapag bu
Nalaman ko na nagdadalatang-tao ng magbago ang pakiramdam ko para akong nanghihina. May nangyari sa aming dalawa ni Leo ng mag-isang buwan ang relasyon namin binigay ko sa kanya ang iniingatan ko."Okay ka lang, Heiley?" tanong niya sa tabi ko nasa laboratory kaming lahat sa nakalipas na buwan malapit nang matapos ang ginagawa namin."Leo, may sasabihin ako sa'yo..." bulong ko sa kanya hinawakan niya ang kamay ko.Marami ng namatay na kapwa kong agents sa nakalipas na buwan dahil may sumusugod na lobo sa kuta namin pero walang namatay na humans dahil pinalayo kaagad namin sila ng mapansin kami na kakaiba sa paligid mula ng maghanda ang principal para sa graduation namin sa school. May naiwan pa pero wala na sa kanilang mga bahay may gumawa ng basement na katulad ng bahay nila."Ano ang sasabihin mo?" tanong niya at hinawakan ko ang kamay niya bago nilagay sa may tyan ko.Nakita ko natigilan siya sa ginawa ko at ngumiti ako sa harapan niya nagulat ako ng yumakap siya sa akin."Tama ba a
Naiwan ang anak ko sa tabi ko umalis naman si Eireen para bumalik sa itaas ng hospital."Nagalit ka ba sa pagbalik ko sa nakaraan?" tanong ko sa anak ko at nakita ko ang pag-iling nito sa harapan ko.Hindi ako naniniwala sa pag-iling niya."Satisfied ako sa ginawa mo, Pa dahil nakasama kita sinabi sa akin ni Harold at Eireen ang dahilan mo kaya ka bumalik noong una nagalit ako inisip ko kasi kung...baka may mangyari sa'yo'ng hindi maganda at hindi ka na makabalik sa panahon mo." sagot naman ng anak ko sa akin at inabutan niya ako ng tubig.Ngumiti na lang ako sa harap ng anak ko bago hinawakan ang pisngi nito naalala ko si David."Alam na ba ni David ang uncle niya ang namumuno para gumawa ng masama?" pagtatanong ko sa anak ko at nakita ko na umiling ito sa harapan ko."Hindi pinapasabi sa kanya dahil baka magka-gulo, Pa alam naman ni ninong Rufus na ako ang bunga ng pagmamahalan nyo ni Mama nagtataka nga ako dahil sinasabihan niya ako na huwag sumama sa gulo...may malasakit sa akin si
Dinalaw ko si Sheena sa kulungan na sa underground facilities ng hospital nakita ko siyang nakatungo at nakayukyok sa dulo. Nakita ko sa kabila ang kaibigan ni David nagka-titigan kaming dalawa.Nilapitan ko ang binata na seryoso ang mukha hindi ako gaanong lumapit baka haltakin ako ng biglaan."Pamilya mo ba ang dahilan at sumanib ka sa panig ng kasamaan?" bulalas ko sa binata na hindi umiimik sa akin isa itong mababang uri ng lobo."Bakit ka pa nandito?! Noong kailangan ka ni Sheena, nasaan ka?" pahayag nito sa akin umatras ako ng duraan ako ng laway may rabies ang mga katulad niya.Ngumiti ako ng mapakla sa harapan nito at sumagot."Bakit? Noong kailangan ako ng pamilya ko, bakit ako ginamit para ilayo sa kanila, kailangan din ako ng pamilya ko." sagot ko naman natahimik ito sa harapan ko.Hindi naman nakapagsalita ang kaibigan ni David na seryoso pa rin ang mukha."Nanghihinayang ako sa'yo, hijo nagpadala ka sa emosyon mo ginamit sa kasamaan at hindi sa kabutihan, at alam mo ba bu
Nang mapansin kong umiiwas ng tingin sa akin si Eireen hinawakan ko ang braso niya nararamdaman ko na may hindi magandang nangyayari dahil sa sinasabi sa amin ni Zas."Ano ang nangyayari, E!" inis kong sabi sa katabi ko umiwas ito ng tingin.Hinila ko siya sa may tagong lugar para makapag-usap kaming dalawa tinulak ko siya at nagka-tinginan kami ng masama."Hindi ka marunong magtago ng sikreto sa akin, E kaagad ko 'yon mapapansin, nasaan sina Harold at Erika?" tanong ko sa kanya kumunot ang noo ng may kakaibang nangyayari sa ulap.Tumingin tuloy ako sa relo ko at tinignan ko ang oras kung bakit kakaiba ang ulap. Nagtaka ako ng mapansin ko ang oras ang bilis ng pag-galaw ng paligid nabaling ang tingin ko kay Eireen."Ano ang ginagawa nina Erika at Harold ngayon?" sabi ko hindi siya kaagad nakapagsalita at niyugyog ko ang balikat niya dahil may naiisip na ako posibleng ginagawa ng dalawa."Wala naman sila ginagawa, Amire kundi tungkol sa war ang palagi nilang pinag-uusapan at sa pamilya
Nagtataka ako sa mag-ama nakikita ko ngayon sa harapan ko nabaling pa ang tingin ko sa dalawang kasama nila na naka-simangot ang mukha. Nilapitan ko silang tatlo napansin nila ako ng huminto ako sa kanilang harapan."Amir—" tawag ko ng sumabat si Leo sa pagsasalita ko at natigilan naman ako sa lumabas sa bibig nito."Hindi Amir ang pangalan niya kundi, Heiley." bulalas ni Leo napatingin tuloy ako kay Eireen na naiiling kaya tumaas naman ang kilay ko.Hinila ako ni Eireen at may binulong sa akin na kinabigla ko naman tinuloy pa rin nila ang planong 'yon?"Clone ni Leo ang kasama natin, and all the information from the real person or creature that the clone imitated will be transferred to it like it happened to you." pahayag sa akin ni Eireen naramdaman kong nakatingin sa amin si David."Ginawa pa rin nila ang kanilang balak?" seryoso kong pagtatanong sa kanila lalo na kay Amire na bumaling ang tingin sa akin."Oo, para ayusin ang nakaraan at alamin kung sino ang dahilan ng war doon." s