Share

CHAPTER 55

“Ate, minsan talaga may pagkakataon na hindi natin inaasahan. Tulad ng mahalin mo siya ng hindi mo naman sinasadya mangyari di ba? Minsan nakakaramdam tayo ng kakaiba sa tao na hindi rin natin expected na mangyayari. Minsan pa nga sa maling tao pa nga tayo nagmamahal. Yung tao na hindi tayo kayang pahalagahan. Lalo na ang hindi tayo kayang mahalin gaya ng pagmamahal natin sa kanila." seryoso naman ito. May laman din ang bawat pahayag nito na kinatitig ko sa mukha niya.

“Bakit mo ako tinitigan sa mukha?" tanong niya.

“Seryoso ka kasing masyado. May pinaghuhugutan ka ba?" tanong ko.

“Kung sasabihin ko na meron? Sasabihin mo rin ba na mahal mo talaga siya?" ngumiti ako.

“Nakikipag pustahan ka ba? O, hinahamon mo lang ako?" biro ko. Tingin ko malayo sa sinabi nito. Lumunok ako. Napahikab.

Siguro nga talaga mas lumalalim pa ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Carlos. Lalo na ngayon na kasal na kami. Kahit wala pa man isang buwan at hindi rin maganda ang panimula ng amin pagsasama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status