Share

CHAPTER 10

Ngiti

"We have four rooms here. We can use that for us. Of course, magkahiwalay ang kwarto ng babae at ng lalaki." natawa si David sa huli niyang sinabi bago tumingin kay Blake.

Nagkibit ng balikat si Blake bago ngumisi.

"The four of us, we'll be using one room." nakangiting sambit ni Kath sa amin.

Napangiwi si Althea. "Kasya ba tayo ng apat sa isang kama?" tanong niya.

Pilyang ngumiti si Kath. "Syempre, ihanda ko na 'to Althea. Duh! Pinaayos ko sa maids ang kwarto natin. May apat nang single bed doon!"

Nakahinga ako ng mahuwag. Hindi kasi ako sanay na may katabi sa kama. Noong bata ako, lagi kong gustong tumabi kay Ate Emerald. Pero when I get older, I would rather be alone than be with anyone else in my room.

Umakyat kami sa pangalawang palapag ng Villa at pumunta sa kwarto namin. May apat na single bed nga roon.

"Ako sa tapat ng veranda!" mabilis na sabi ni April bago tumakbo roon at nilagay ang mga gamit niya.

Natawa kami. Mula sa veranda ay kita ang pool nila Kath, pero mas nakangiti ako dahil maggagabi na at nakikita namin ang araw na papalubog.

"I hope we can stay here forever." sabi ni Althea bago humiga sa kama niya. Kaming dalawa ni Althea ang nasa gitna habang nasa gilid sila April at Kath.

"Sa sem break dito ulit tayo. Pwede naman." tugon ni Kath.

"I'm okay with that. Kaso matagal pa." malungkot na saad naman ni April.

"Mas enjoy tayo rito kung wala yung dalawang alagad ni Alison." ani Althea bago umirap.

"Mabait si Alison. Kaibigan siya ni Kuya David dahil kay Blake at nakikita ko siya na mabait. Mahinhin siya, pero hindi ko alam bakit niya naging kaibigan sila Jyra at Alyssa. Ibang-iba ang ugali niya sa dalawa, eh." sambit ni Kath.

I agreed with that. Mabait at mahinhin si Alison unlike Jyra and Alyssa. Pero simula nang makita ko ang ekspresyon niya kanina sa biyahe ay nag-iba ang pananaw ko kay Alison.

I know she's hiding her feelings. The way she looked at me parang papatayin niya ako gamit ang mga mata niya. Nakakatakot. She's hiding her true colors and I don't know why.

"Kaya ikaw mag-ingat ka." naputol ang pag-iisip ko dahil tinapik ako ni Kath.

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman ako mag-ingat?" takang tanong ko.

"Alam naming lahat ang estado niyo ni Blake. Babae ka at hindi mahirap mahulog sa isang Blake Ivan Herrera." sabi ni April.

Natawa ako sa sinabi nila. "Hindi nga kami talo ni Blake! We have rules before we agree to this agreement!"

"Rules are meant to be broken." kumento ni Althea.

"Promise 'yon, ah?" humalakhak si Kath.

"Gano'n na rin 'yon! They're both made a promise to each other." umirap si Althea.

"Girls, chill! I don't have any feelings for Blake and that would never happen. Hindi pa ko ready sa relationship, okay?" paliwanag ko sa kanila.

"Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Ika nga nila." sambit ni April. "pero pinapa-alalahanan ka lang namin."

Ngumiti lang ako sa kanila bago nagkibit ng balikat. Inayos ko ang dalang gamit bago lumabas ng kwarto namin.

They decided to take a nap. Hindi naman ako inaantok kaya lumabas ako. Wala ring tao sa sala at kusina ng Villa. Siguro tulog rin ang iba dahil sa habang ng biyahe. Pumunta ako sa labas kung nasaan ang pool. Kaunti na lang ay lulubog na ang araw.

Passed six na rin. Umupo ako at pinagmasdan ang sunset. Nakangiti ako dahil sa ganda ng sunset. Naghahalo ang kulay orange at dilaw sa langit.

Nakaka-relax ang ihip ng hangin! Idagdag pa ang view. Kitang-kita ang bayan mula rito. Ang liit tingnan ng mga bahay sa baba.

"Pandak, nandito ka pala."

Napatingin ako sa nagsalita. Umupo si Blake sa tabi ko at nilapag ang dala niyang platito na may laman na ube cake sa lamesa.

"Kain ka," alok niya.

Kinuha ko ang tinidor at tinikman ang ube cake. Nakangiti ako nang malasang masarap 'yon. Lasang-lasa ko ang cheese sa ube cake.

"Ang dami ng cheese!" I giggled.

"You like cheese that's why I put a lot." nakangiti na sagot niya.

Sumubo ako ulit. Blake's cooking skills is incredibly good! Napakagaling niya sa pagluluto kaya wala akong duda kung magiging chef siya in the near future.

"Your family business is farming, but you choose this path. Ibang-iba sa business ng family mo. Why?" tanong ko pagkuwan.

I was just curious why he choose Home Economics since dapat related sa farm nila ang kinuha niyang strand.

Ngumisi siya bago umayos ng pagkakaupo. "Bata pa lang ako, sa kusina na ako lumaki. Si Nanay Cecil ang nagturo sa'kin na magluto. Hindi naman pihitan sila Mama at Papa sa kukunin ko na course. When I told them I want to cook and this is my passion, they both agreed. Isa pa, nandiyan naman si Kuya Ty na mamamahala sa farm namin simula bata pa lang kami iyon na ang gusto niya." paliwanag niya.

"You'll be a good chef one you graduate from college. Baka maghabulan ang mga sikat na company para lang kunin ka bilang chef." ani ko pa.

Tumingin siya sa malayo. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya. And I won't deny he looks so hot just sitting there! Naka-side view, kaya kitang-kita ko ang matangos niyang ilong. The way his Adam apple moves is so damn attractive!

Napa-iwas ako ng tingin nanh gumawi ang mata niya sa'kin. Umayos ako ng upo bago lumunok ng bongga-bongga!

"After I graduated from College, hindi muna ako tatanggap ng mga offer kung meron. Mag-aaral pa ako ulit. Feeling ko I still need to improve my cooking skills. That's my plan." seryoso na sagot niya.

"That's good!" iyon na lang ang nasabi ko.

"Ikaw? Anong balak mo?" tanong niya.

Nagkibit ako ng balikat. "Syempre sa Hotel ako namin magtatrabaho." maikling tugon ko.

Ang bilis talaga ng panahon. Next year Grade 12 na ako pagkatapos no'n college na 'ko!

Si Blake naman ay graduating na! Nang tumingin ako sa kanya ay saktong nakatingin rin siya sa'kin. I gulped the way he looked at me.

Seryoso ang mukha niya. Tapos ito na naman 'tong puso ko na parang anytime soon sasabog dahil sa lakas ng tibok! Malapit lang kami sa isa't-isa at feeling ko sa lakas ng tibok ng puso ko ay naririnig na niya 'yon!

Bumaba ang tingin niya sa balikat ko. "Masakit pa ba?" nag-aalalang tanong niya.

Napahawak tuloy ako sa balikat ko nang wala sa oras. Masakit pa rin pero kaya ko namang titiisin.

"Hindi na," nag-iwas ako ng tingin. Nailang sa uri ng tingin niya sa'kin.

Thank god I didn't stuttered when I said those words. Naging tahimik kasi siya. Ayoko namang tumingin sa kanya dahil naiilang ako. Akala ko matatapos na ang usapan namin dahil doon, pero hindi pa pala.

Nagulat na lang ako ng tumabi siya sa upuan ko at hinawakan ang balikat ko.

"O-okay lang ang balikat ko, Blake." nagulat ako sa biglaang galaw niya at bumaling sa kanya para pigilan siya.

Kaso wrong moved! Sobrang lapit na niya sa'kin ngayon! Inches na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko! Napahinto siya sa ginagawa. He just looked at me. Hindi ako makagalaw sa upuan ko.

Ngayong malapit siya ay lalo akong humanga sa kagwapuhan niya. Tiningnan ko nang mabuti ang mukha niya. Simula sa makapal niyang kilay, hanggang sa kulay dark brown niyang mga mata, sa matangos niyang ilong. Napa-awang ang labi ko nang bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi. Natural na natural ang kulay pinkish no'n!

Bumaba rin ang tingin niya sa mga labi ko. I should have looked away or pushed him away but I don't know why I couldn't do it! Para akong na semento sa kinauupuan ko. Hindi ako makagalaw!

I licked my lower lip. Nakatingin lang siya habang ginagawa ko 'yon. I saw his adam's apple moved then locked his dark brown eye into mine. Unti-unting bumaba ang mukha niya sa'kin. At hindi ako tanga para hindi malaman ang gusto niyang gawin.

Ava, pushed him away!

"B-Blake," bulong ko nang kaunti na lang ay maglalapat na ang mga labi niya.

Huminga ako ng malalim nang ilang inches na lang ay maglalapat na ang mga labi namin. At bago mangyari 'yon ay may tinuro ako sa langit.

"May shooting star!" malakas na sabi ko kahit wala naman talaga. Napahinto siya at tumingin sa tinuturo ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

"Where?" hindi nakatakas sa'kin ang pag-angat ng gilid ng labi niya. Pinipigilan ang pag-ngiti.

"W-wala na. Kanina meron." pagdadahilan ko pa bago tumayo. "una na ako sa loob."

Agad akong tumayo at mabilis na umalis doon pero hindi nakatakas sa'kin ang mga munting ngiti sa labi niya.

What was that for?

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Gina
hahalik ka pa a
goodnovel comment avatar
Yuuki Asuna
bilis mo naman mag first move blake
goodnovel comment avatar
Dimple
lande mo blake
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status