Share

6 first class

First class

Nagmamadaling ipasa ni Thunder ang mga papeles na ibinilin sa kanya ni Jeoff sa Dean's office.

"Wow! look girls may bagong student. Wag kayo ha, sakin to."

Thunder tilt his head. Kanina nya pa napapansin na ang daming babaeng napapatingin sa kanya. Pero pinili nyang isawalang bahala.

"Takte sanay na naman ako pero pag pala nasa isang lugar ka na puro mayayaman parang nakakailang. Kasalanan talaga to ng babaeng yon. Kung maaga lang sya may time pa kong kabisaduhin kong saan ang mga classrooms ko."

"Asan na ba ko takte naman o."

Ang tuwa ni Thunder ng makita nya ang room nya sa unang subject. Third year na sya kaya lang my subjects sya ng second year na di nya nakuha lahat may parttime job kasi sya kaya kaunti lang ang load nya, kaya ngayon meron ng nagpapa-aral sa kanya focus na sya. Lahat ng subject kukunin nya at kung may time pa eh mag aadvance sya para mabilis sya makatapos.

"Ma'am ako po yong bagong student." 

Napatingin si Thunder sa mga kaklase para na rin humanap ng upuan matapos tumango ang teacher.

nagpakilala ang professor na 'Teacher Quinto'

"Maupo ka na nag-sisimula na ang klase."

"Salamat po."

Napakunot noo si Thunder ng makita nya ang mukha ni Shanel sa may bandang gitna. At ang tanging bakanteng upuan ay ang nasa likod nito

"Kalain mo nga naman, kong mamalasin ka. Pilit mong iniiwasan, pero ito nasa harap mo pa ngayon."

sabi ni Thunder ng makatapat na sya sa upuan ng dalaga.

"Talagang malas ka wag mo isisi sa iba yang kamalasan mo. Masyado akong maganda para tawaging malas." Sabi ni Shanel na nakapagpalingo-lingo ng ulo nya.

"So high of her self as ever."

"Wow Thunder first subject mo to? Bakit ngayon ka lang? nauna ka samin diba?" sabat ni Alissa.

"May kylangan pa kong ihinatid sa Dean's office bago dito. Kung di lang sana sa pagong dyan, di ako mala-late.

"Whatever" 

Hindi na lang pinansin ni Thunder si Shanel at nakinig sa teacher. Habang si Shanel ay nababanas dahil binaliwala sya.

"Shan, di kaya destiny mo tong si pogi lagi kayong pinag-tatagpo. Hanggang dito akalain mo yon." Alissa tease her friend.

"Shut up Ally, baka may makarinig at ano pang isipin nakakahiya."

"Porket ba mahirap nakakahiya na. Ang gwapo kaya. Malay mo balang araw yumaman din yan. Mukhang masipag pa naman." Dugtong pa ni Alissa.

"I dont care. Still I don't like him. His annoying, arrogant, feeling and makapal mukha."

Alissa laugh.

"Ang harsh mo talaga. Btw, look at your ex, kanina pa yan nakatutok sayo. Parang may balak."

"This is what you call malas for real. Sa sobrang galit ko that day I saw him with a bitch I forgot kaklase ko pala sya. Whither I like it or not makikita ko pa rin sya."

Di ko na nga tinitingnan pinaalala mo pa, bakit ba sya tingin ng tingin in the first place? iniisip nya ba mawawala rin yong galit ko at yong memory? at ano patatawarin sya sa kasalanan nya? ang saya nya. It's his fault kung bakit kami nag-kaganito magdusa sya."

"Kung classmate lang natin si Lilith, for sure tatanungin nyon kung may pag-asa pa ba."

"Sa tingin mo babalik pa ko sa kanya. Nababaliw na ko kong ganon,. Sa ginawa nya wala na talaga and thats final."

"Siguro kay pogi ka na lang." Sagot ni Alissa sa haba ng lintaya nya.

"Nababaliw ka na talaga. Nakikita mo ba hitsura nya sa tuwina mag-kauusap kami?"

"Alissa! Shanel! Kung mag-dadaldal pang kayo sa klase ko lumabas na lang kayo." Sigaw ng Teacher

"Madalas na nga kayong hindi nag-pa participate mag-iingay pa kayo." dugtong pa nong huli.

"Sorry ma'am." Sabi ni Alissa "Shanel mag-sorry ka." dugtong uli ng di man lang natinag si Shanel.

"Masama ba ginawa ko? Ba't ako mag sorry?" Sabi pa ng dalaga. 

"Rich kid, na di marunong mag-sorry." Bulong ni Thunder sa likod ni Shanel na lalong nakapag-painit ng ulo nya.

Nilingon ni Shanel ang lalaking alam nyang masama ang tingin sa likod nya at malditang sinabi

"Kung wala kang sasabihing maganda shut your mouth Thunder. Bago ka pa lang dito baka gusto mo maging hell mundo mo dito?" Banta ni Shanel.

"Wag mo kong takutin. Hell? (Smirk) dyan ako galing pinalayas lang ako ni satanas mas lalo ko lang daw pinapainit mundo nya hahaha."

"Tss style mo bulok gaya ng mukha mo. Ang kapal mo talaga. Gandang-ganda sa sarili? Mahiya ka nga walang hot sayo. Mukha kang impyerno."

Patuloy ang pag-aaway ng dalawa na di man lang pinansin na halos sasabog na ang professor nila.

"You both shut up! Kung mag-aaway rin lang kayo sa klase ko lumabas na lang kayo!" Galit na sigaw ng prof.

"I'm sorry ma'am. Wala kasing galang itong babaeng to. Gusto ko lang naman mag-sorry sya sa inyo. Kaya lang mukhang feeling nya reyna sya at di dapat rumespeto sa nakakatanda. Inamag na siguro utak sa dami ng pera ng tatay nya. Kalain nyo yon tatay nya palang mayaman ganyan na sya ano pa kaya kong..."

Napatayo at hinagisan ni Shanel ng makapal na libro si Thunder na napulot nya sa desk.

"Ikaw tong walang galang! nakakalimutan mo sigurong anak ako ng ng tatay ko kaya sa ayaw at gusto mo amo mo pa rin ako at driver lang kita!"

Namula sa galit si Thunder, hindi dahil sa minaliit na naman sya nito kundi dahil sa halos ipag-sigawan nito na (alipin lang kita)

"Shanel go to counsel office."

"Ako lang? Eh itong kumag na to. Di kasama?"

Thunder sigh at tumahimik na lang habang nag-bubulungan ang mga kaklase nila tungkol sa pagiging driver nya. na sayang gwapo pa naman daw kaso driver lang.

"Yes, Thunder has a point and what you did just now is below the belt."

Padabog na nag-martcha si Shanel palabas pag-katapos samaan ng titig si Thunder.

"Magagantihan rin kita. Humanda ka talaga."

Thunder shurgged 

"Ano pa nga ba mag-hihintay ako?" Patuyang sagot ni Thunder.

"Ugh I hate you"

"Alam ko na yan lagi mo kayang sinasabi, tingin mo sakin di magaling magkabisado?"

Pamimilosopo na sabi ni Thunder. Buong klase naging participate si Thunder at pinakita nya talaga na kahit mahirap sya matalino naman sya.

Patayo na si Thunder after class ng may humawak sa balikat nya. Pag-lingon nya ay isang suntok ang natamo nya.

"That's for what you did to Shanel and for the last time. Ang lakas ng loob mo e driver ka lang pala?"

Sabay-sabay tumawa ang iba pang lalaking kasama ni Kenz

Humarang si Alissa

"Pwede ba Kenz para kayong batang bullies dyan. Kabago-bago ni Thunder."

"Tumahimik ka babae wala kang alam kung bakit gusto kong durugin yang lalaking yan."

"Ayoko ng away pwede." Madiin na sabi ni Thunder.

"Kung gusto ko ng away, ano magagawa mo?"

Biglang itinulak ni Kenz si Thunder at dahil di nya inaasahan yon napaupo sya sa sahig.

"What the hell Kenz! what the heck are you doing?"

Biglang sigaw ni Shanel.

"Dont be look like a pathetic gay there Thunder stand up." Sabi ni Shanel na ewan nya ba kung bakit nong nakita nya ang ginawa ng ex sa driver nya eh kumulo agad ang dugo nya.

"Ayoko ng gulo. Hindi ko kayo papatulan pero kong namimilit kayo hindi naman siguro kayo bulag. Ang babansot nyo compare sa laki ko, tingin nyo, kaya nyo kada suntok ko? nasampulan na kita diba? remind ko lang wala pang kalahating porsyento yon." Mayabang na sabi ni Thunder na kahit na isang grupo di man lang ito natakot.

"Aba'y ang yabang mo ha? tingnan nga natin kong hanggang saan kang alipin ka."

Umaktong manonuntok si Kenz ng humarang si Shanel

"Di ka lang dakilang manloloko isip bata ka pa. Di ka na nahiya. Ano pinaglalaban mo? sabihin mo nga Kenz? Bat ka ba galit kay Thunder?"

Napabuntong hininga si Kenz.

"Sorry Shan, gusto kong turuan ng leksyon nyang driver mo. Di kasi alam kong saan lang sya dapat."

"Tsk, wala kong time sa drama nyo makaalis na nga." sabi ni Thunder. 

Di pa tayo tapos!

Sigaw ni Kenz pero tuluyan ng lumayo si Thunder. Habang iniisip na malamang di sya tatantanan ng mga ito. 

"They all brats mga anak mayaman na di naman marunong kumita ng pera at umaasa lang sa magulang. Pero takte mukhang mapapalaban talaga ko dito. Kylangan ko maging matatag para kay nanay at meron pa kong pababagsakin emperyo."

"Ang imperyo ng tatay ko na umabandona sa pamilya ko."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status