Share

Chapter 27

JAIRAH’S POV

“Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to youuuu.”

Naalimpungatan ako sa pagtulog dahil may narinig akong nakanta. Hindi ko sana papansinin pero biglang bumukas ang ilaw ng kwarto ko. Hindi nga pala bukas ang ilaw ng kwarto ko kapag natutulog na ako. Hindi lang ako sanay at hindi rin talaga ako makatulog kapag ganon.

“Happy birthday, Ash!”

Kung kanina may nakanta ngayon naman may sumigaw. Tinanggal ko na ang pagkakatalukbpng ko ng kumot para makita sila. Nasilaw pa ako pagmulat ko pero agad din naman luminaw ang paningin ko.

Nakita ko si ate na nasa harapan ko at may hawak na cake na may nakasinding kandila. Habang nasa kaliwang parte ko naman Chandra na may hawak na tatlong lobo sa kaliwang kamay at cellphone naman sa kanang kamay.

“Anong ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status