Kabanata 14
Tunog ng makina ng aircon at mahihinang mga bulungan ng mga tao ang nakapagpagising ng diwa ko. Isang kamay ang nararamdaman kong humahawak sa kamay ko, marahan pang hinahaplos 'yon.
Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko. Malabo at sumasayaw pa ang aking paningin, bahagya pang kumirot ang ulo kaya muli na naman akong napapikit. Matapos ang ilang segundo, dinilat ko ulit ang mata ko. Hindi tulad kanina, hindi na masyadong magalaw pero medyo malabo pa rin.
"Kuya?" boses 'yon ni Kylie na siyang nakahawak pala sa'kin. "Gising na si Kuya!" anunsyo niya. Naramdaman ko ang mga mata nila sa akin.
"Kuya!" si Kane na agad din akong hinawakan. "Ayos ka na ba? May masakit ba sa'yo?" puno ng pag-aalala na tanong niya.
Hindi ko siya sinagot, bagkus ay inilibot ko ang mata ko sa paligid. Puti ang lahat ng nakikita ko mula kisame hanggang dingding. Sa kaliwa ko ay nandoon ang IV pole kung saan nakasabit ang IV fluid bag at dextr
Kabanata 15"Sigurado ka bang ayos ka na talaga?" tanong ni Nikkolai matapos akong pagbuksan ng pinto sa kaniyang kotse. Tumango ako bago ako pumasok sa may side seat. Siya naman ay umikot at binuksan ang pinto sa driver's seat at pumasok.Nilingon niya ako, may bahid pa rin ng pag-aalala ang kaniyang mga mata. Kanina pa siya ganiyan simula nung puntahan niya ako sa kwarto at gisingin upang tanungin kung puwede ko ba siyang samahan sa pupuntahan niya."Mukha bang hindi?" natatawang sagot ko. "Wala na talagang masakit sa'kin. Promise. Kahit tingnan mo pa 'to, oh."Itinaas ko ang aking kaliwang braso at pinaigting 'yon. Bahagya akong napangiwi sa biglang pagkirot no'n dahil sa ginawa ko, pero agad ko rin 'yong binura at ibinalik ang malawak na ngiti sa labi upang hindi na siya mag-aalala pa."See? Sabi sa'yo wala na, e."Hindi na naman kasi gaanong masakit hindi tulad no'n na halos kaunting kirot ko lang ng kamay
Kabanata 16Kailangan nga ba nagsimulang magkagusto sa kaniya?Nung itinakas ko siya sa mga raleshista sa harap ng munisipyo? Nung hinalikan ko siya sa balkonahe nung gabing nag-inuman kami? Baka naman sa pag-iwas niya sa'kin no'n at hinahanap-hanap ko siya? Hindi naman kaya nung dumating si Rios at nakakaramdam ako ng selos? O baka naman nung gabi ng fiesta nang kumanta siya sa stage?Sa totoo lang, hindi ko alam. I really don't when did I started to have this romantic feelings for him. Ang hirap para sa'kin na sagutin ang mga tanong na naglalaro sa isipan ko. Sobrang gulo ng isipan ko sa tuwing pumapasok sa isip ko na may gusto ng ako sa kaniya."Hindi mo sasagutin ang tawag ni Mayor, Kuya?" kwestyon ni Kylie nang makita ang pangalan ni Nikkolai sa screen ng cellphone ko.He's calling again. Nangangati ang kamay ko na sagutin 'yon pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Ito ang palaging ginagawa ko sa tuwing tatawag siy
Kabanata 17"Bakit pa kasi sabay pa? Hindi ba puwedeng mamaya ka nalang?" nahihiyang reklamo niya.Isinara ko ang pinto ng banyo at siniguradong naka-lock iyon. Ngumisi ako sa kaniya. Nakasandal siya sa may sink, nakayakap sarili at nangangatog ang mga ngipin dahil sa lamig na nararamdaman.Tulad ng gusto niya kanina ay hinatid nga niya ako. At dahil ayaw ko na naman siyang umuwi dahil basa na siya masyado dahil sa ulan at masyado ng malalim ang gabi ay inaya ko nalang siya dito na muna matulog ngayon."Sabay na tayo para wala ng hintayan," sabi ko at lumapit sa kaniya. "Isa pa, para hindi na rin sayang ang tubig. Nagtitipid kami ngayon, e.""Pero hindi na tayo mga bata, Kiro. Isn't awkward kung sabay tayong maliligo ng hubo't hubad?" giit niya.I snorted. "Nagsabay na nga tayong umihi at nakita na natin ang nasa gitna ng hita ng isa't isa. Nagkatabi na tayong matulog. Ngayon ba pa tayo ma-a-awkward sa isa
Kabanata 18"Hoy, p're! Ayos ka lang? Kanina ka tulala diyan, huh?" puna ni Levi na nakapagbalik sa'kin sa reyalidad. Pinitik-pitik pa niya ang kaniyang daliri sa harap ng mukha ko na siyang dahilan kung bakit napawi ang ngiti ko sa labi.Nakakunot ang noo niya at halos magsalubong na ang kilay sa sobrang pagtataka.Nandito kami ngayon sa mini stage, nakaharap na sa mga bisitang nakaupo sa kaniya-kaniyang lamesa. Tulad ng napag-usapan namin ni Nathalia noong Martes, tutugtog kami ngayon sa engagement party nila.Nakakanta na naman kami ng dalawang kanta kanina bago mag-umpisa ang party para hindi mainip ang mga bisita. Ngayon tapos ng i-announce nila Nikkolai ang engagement nilang dalawa ay oras na naman para sa'min para libangin ulit ang mga tao."Huh? Oo naman. May iniisip lang," palusot ko at tiningnan ang ibang mga kasamahan ko.Inaayos na nila muli ang mga instrumento nila, naghahanda na para sa susunod na
Kabanata 19"Ang tanga ko, Ma. Sobrang gago ko, Pa. Nagpaloko ako sa isang Servantes..." mahinang sabi ko habang nakaharap sa picture frame ng mga magulang ko.Malalim na ang gabi. Tanging buwan nalang ang nagbibigay sa'kin ng liwanag upang makita ko ang mukha nila sa madilim na kwarto namin. Humikbi ako, marahan lang para hindi na magising pa si Kane sa baba.Pagkauwi ko ay ito lang ang nagagawa ko; umiyak. Mabuti nalang din at wala doon si Kylie at Kane. Hindi ko alam kung anong mararamdaman nila sa oras na malaman nila na si Nikkolai ang dahilan sa pagkamatay ng mga magulang namin.Ngayon lang nagkaroon ng sense ang lahat ng mga sinabi at bawat galaw niya. Noong unang nag-inuman kami sa balkonahe, may nabanggit siyang isang aksidenteng naglagay sa kaniya sa kinauupuan niya ngayon.'Yong pag-iwas niya sa'kin nang dinala ko siya sa puntod nila mama. Akala ko ay dahil lang 'yon kay Landon, inutusan siyang layuan ako. Halos m
Kabanata 20"Are you ready to cleanse your ears and make your heart flatter for our last performance?!" Levi energetically asked to the crowd.Nasa harapan siya ngayon ng mikropono, mahigpit ang hawak sa stand. Kahit na marahan niyang hinahabol ang kaniyang paghinga ay hindi pa rin mabura ang malawak na ngiti sa kaniyang labi."Rusty Kidz! Rusty Kidz!" our fans cheerfully shouted back.Napangiti ako dahil doon.I really still can't believe that this is really happening right now. Standing in this wide and fancy stage of arena, listening to the hundreds fan shouting our band name.We deserved this.Sa isang taon naming paghihirap, nagbunga na rin sawakas ang lahat ng 'yon. Hindi rin naman kasi naging madali ang lahat. Nang tumungo kami papuntang Manila, hindi lang si Ferdinand ang kailangan namin pakitaan ng gilas. Maraming matataas na tao ang kailangan makita talaga ang galing namin.We
Kabanata 21"Kylie, sagutin mo naman, oh..." bulong ko, paikot-ikot sa loob ng kwarto ng condo ko. I brushed my metallic gray faux hawk hair. Pinakulay ko ito last week para sa concert. I clicked my tongue.Mariin akong napapikit at malutong na napamura nang marinig ko na naman na cannot be reach. Wala na naman sigurong signal sa La Castellion dahil sa lindol. Padarag akong umupo sa aking kama, sinubukang kalmahin ang aking sarili.Naputol ang tawag kagabi. Ni hindi ko man lang natanong ang kalagayan nila. Kung nasugatan pa sila o hindi. Kung kumakain ba sila o ano. Saan sila tumutuloy ngayong maging ang bahay namin ay posibleng nagiba rin. Hindi na ako nakatulog sa sobrang pag-aalala. Tumingin ako sa labas ng bintana. Mataas na ang sikat ng araw pero hindi pa rin nakakauwi sina Levi. Ang sabi sa text ni Yaz kagabi ay sa studio namin sa SSE na sila natulog dahil sa sobrang kalasingan.Pinindot ko ang pangalan ni Spencer sa contac
Kabanata 22"Sa minahan nag-umpisa ang nangyaring lindol," tugon ni Kuya Dodong nang tanungin ko sa kaniya kung may dahilan ba ang biglaang lindol sa bayan namin tatlong araw ang nakararaan.Ang unang suspetya ko ay ang bulkan dito ang dahilan no'n dahil matagal na rin 'nong huling magising. I was five years old that volcano bursted out in rage, pero hindi naman ganito kalakas ang nangyari no'n."Sa minahan? Bakit? Anong nangyari?" tanong ko, kunot ang noo."Dahil kay Landon Servantes," singit ni Kane matapos humigop ng sabaw ng sopas sa styrofoam na mangkok. "Ang kuwento ng mga tao dito, dahil daw sa galit niya sa hindi pagkatuloy ng kasal nila ni Ate Nathalia at Mayor Nikkolai, sinubukan niya 'yong ipabagsak."Bahagya akong nabilaukan sa narinig."Hiwalay na si Nikkolai at Nathalia?"Tumango siya. "Oo naman. Right after the engagement party, nakpaghiwalay si Ate Nathalia sa kaniya. Hindi ko nga alam kung anon