WE cooked dinner for the three of us, abot abot ang pagpipigil ko na dalhan si Jascha ng pagkain, kahit na ang silipin man lang ang kanyang ginagawa ay hindi ko na inalintana. I should keep myself busy right? Hindi ako dapat nakikipagkita sa kanya. More so, not even having breakfast with him.Hindi na ako nakatulog nang umalis si Meico at Tonio. It is a little bit late when they left. Inihanda ko ang duffel bag ko ala-una ng madaling araw, sisimulan kong tumakbo sa umaga at babalik na lang ako sa tanghali para matulog kung kailan nasa school si Jascha, I should keep my lights off para isipin niyang wala ako dito.Nang naghahati na ang liwanag sa dilim, that's the time I stepped outside in my jogging pants and running shoes plus jacket. Papalabas pa lang ako ng bakuran nang harangin ako ni Jascha. Nagulat pa ako doon."Anong ginagawa mo dito?""l was waiting for you to come out.""At this hour?"Tumango siya at itinuro ang bahay niya. Merong director's chair doon at isang telescope sa
MY TOES were curled inside my shoes. Si Sirius ay nakaupo sa tabi ko doon sa couch at mukhang nauunawaan niya na meron akong nagawang masama. Pabalik balik si Jascha sa aking harapan habang hawak niya ang annulment papers na pinirmahan ko ilang linggo pa lang ang nakakaraan. Kaliwa't kanan ang ulo namin ni Sirius at sinusundan ang direksiyon ni Jascha.Sa monitor ng kaniyang TV ay ang litrato ko mula sa google, isa iyong article tungkol sa documentary namin ni Tonio at Meico tungkol sa effective business model para sa fourth world country. How to make a living out of extreme poverty. We were applauded by doing that. Mukhang pagkakita niya ng aming annulment papers ay dumiretso siya sa google at hinanap ako, my social media was very private, my name was spelled in reverse and cannot be find easily kaya sa google siya kumapit."Wife. You are my wife. All this time you are my wife." Sa hindi makapaniwalang boses ay sabi niya. Tumigil siya sa pinakagitna. All the muscles on his face moved
BALOT ako ng makapal na tuwalya habang nasa sasakyan, Jascha turned on the heater kaya hindi ako nilalamig."You know you can insist, right?""Sabi mo hindi mo ako aalukin na isabay? Umalis ka nang walang paalam.""Hindi mo man lang ako hinabol.""Gustong gusto mo pa yung hinahabol ka. Wala kang ipinagbagong tao ka." Kasabay ng pag-bahing. "God, bawal magkasakit." I muttered. Paulit ulit na pinindot ag ilong."Sorry." Pagalit na wika niya. Hindi ko tuloy alam kung totoo. "H-hindi na mauulit." Mas mahinahon iyon.Sandali lang ang naging biyahe pauwi sa bahay, hindi ko alam kung hindi ko namalayan o talagang nagmamadali si Jascha. Doon kami dumiretso bahay ko, inakala kong iintayin niya ang towel niyang ipinahiram sa akin pero itinulak niya ako paakyat ng kuwarto ko."You need to shower first then change. Magpapalit lang din ako ng damit."Binilisan ko ang paliligo dahil giniginaw na talaga ako. Sa aming dalawa ni Calista, ako yung madaling lagnatin, siguro kasi may hika naman siya kaya
I WOKE UP on top of him, extremely cuddling. My face was rested on his broad chest and his arms wrapping my body. Katulad nang dati. At katulad ng dati ay may mga bagay akong ikinakapula ng mukha, unang beses, pagkagising ko sa umaga."Oh my god." I pushed myself away from his snuggle when I felt a bulging muscle on my left thigh.Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin kaya mas lalo kong naramdaman iyon, now the throbbing muscle is on my abdomen, forcing to be felt. My face is on his face, eyes to eyes, nose to nose, lips to--"Ano ba, ang halay." Mahina ko siyang tinapik sa pisngi. Dumilat ang isa niyang mata at sinilip ako nang nakasimangot. Para siyang natauhan at unti unting niluwagan ang kaniyang yakap. Kinuha ko ang pagkakataon para tumayo at saka lumayo."Hindi na mauulit ang pagtulog mo dito." Itinuro ko siya mula sa kama nang makatayo na ako at makalayo. Pero madali ata iyong sabihin at mahirap gawin...."Jaascha, this is the third day we are waking up like this. Pupwed
THERE'S NOTHING extraordinary with our routine daily. Lagi siyang kasama sa mga meetings ko sa opisina dahil nagpa-familiarize siya sa mga pasikot sikot nito. Parang parehas din kaming natututo pero madalas din kaming magtalo, ilang araw pa lang naming hinahawakan ang kaniyang kumpanya ay parang naging dungeon ang Nemesis."A village in Timor, nagpapatawa ka?" Untag sa akin ni Jascha nang makapasok kami sa aming opisina pagkatapos ng isang mahabang meeting kasama angPrime Minister ng Timor. "Mataas ang cost of labor sa Timor, wala ding nagpoproduce ng materyales doon. That means we have to ship from here patungo doon." "If we have to ship people—""That's another cost. Immigrations, air tickets, board and lodging, insurance—"Can you listen to me first, Jascha? Ang presidente na mismo nila ang nakikiusap sa atin na patayuan sila kahit simpleng village lang. Naniniwala siyang maiauplift nito ang pag-asa sa kaniyang nasasakupan. Isa itong intro sa kanilang modernization. Maliit ang kita
I REMEMBER trying to fall asleep while he was driving. Ano nga ba ang pupwedeng pag-usapan ng dalawang taong magkakilala pero yung isa, hindi ka na naaalala.Bawat bukas ng bibig ko, gusto kong humagalpak ng tawa at sabihing 'Naalala mo noong..'Pero siyempre hindi niya naalala. The drive ended up silent. Madilim, walang stars, walang kasabay na sasakyan."Dito ba ako liliko?" Tanong sa akin ni Jascha."00, tapos pagkanan mo diyan, dire-diretsuhin mo lang hanggang dun sa dulo tapos kakaliwa naman tayo.""Naalala mo pa ha. Tatlong taon ka na din bang hindi nakakapunta dito?"Tumango ako. Kasalanan ni Calista ang awkward na 3hour drive to Quezon. Masakit sa ulo, sa pwet at sa puso. Iniwanan nila kami. Nagbilin na lang na sumunod na lang ako dahil may magda-drive naman pala. Along the way we ordered cheeseburger, fries and float as our dinner. Muntik pa akong matawa nang bilangan ako ni Jascha ng calorie content ng bawat isa but he ended up eating everything. Wala nga halos itira."Magan
LUMABAS si Jascha sa banyo at ako naman ang pumalit, bitbit ko na ang mga damit ko. Hindi ko na siya tiningnan pa, alam ko namang tuwalya lang ang takip niya sa katawan. Bahagya pa akong nadikit sa basa niyang balat pero hindi ko talaga nilingon! Mabilis din akong naligo at nagpatuyo ng buhok, at nang lumabas ako ay nakapuwesto na doon si Jascha sa kama. Sa madalas na pwesto niya. Lagi niyang kinukuha ang kaliwang bahagi, hindi dahil yon ang gusto niya kundi dahil gusto ko ang kanan."Game, ano na ang ipapakita mo?" Humalukipkip si Jascha at tinitigan ako."Wala sa akin." Binuksan ko ang side table at hindi ako nagkamaling naroon pa ang remote control ng hydraulic roof. I pressed a button at marahang bumukas ang bubong ng silid. Tanging clear glass roofing na lang ang tanging takip ng aming bubungan."Whoah." Manghang sabi ni Jascha habang nakatingala at binubusog ang paningin sa bituin sa langit nang bumukas ang kisame. "Did we make this?"Tumango ako. Humila ng unan humiga doon.Nak
SABI NILA, good things shall come to an end.Paano yung wala pang good things pero end na?"l missed you, Babe!" Pumikit ako habang pinapakinggan ko yung nangyayari sa labas ng bahay niya. An hour pagkatapos naming makabalik ng Manila, he has to face one of his problems.Kung problema nga bang maituturing ito. He can continue living his life. He can actually forget about me. Tapos ang problema. Exit ako sa eksena."Sandali, Gwen. We need to talk."Nanlamig na naman ang mga kamay ko. Lumamig, to the point na namanhid.Lalo na nang papunta na sila sa direksyon ko. Sa bahay ni Jascha."Pumasok muna tayo sa bahay mo. I missed you.. I want to kiss you." Malambing na humilig si Gwen sa dibdib ni Jascha. Inilagay ko ang palad ko sa dibdib ko at taimtim na pumikit para maibsan ang sakit."Wait.." Narinig kong pinigilan siya ni Jascha para pumasok.Bumukas ang pinto, nagkatinginan kami ni Gwen, bumakas ang gulat sa mukha niya pero sandali lang.Her white dress fits her perfectly. She was perfe