Share

KABANATA 53

ATHENA'S P.O.V

"P-Pasensiya na kayo. Dito na ako dumiretso k-kasi wala na akong ibang mapupuntahan. I don't wanna go home yet. Dahil alam kong doon ako unang hahanapin ni Trevor…”

Pagkarinig ko pa lang sa mga sinabing iyon ni Jane ay alam ko na agad na may mali ngang nangyayari. May hindi nga magandang nangyayari sa pagitan niya at ni Trevor. And seeing how devastated she is right now? Hindi ko alam pero parang may kung anong inis na bumangon sa kaloob-looban ko. Inis para kay Trevor.

But I know, right then and there na kailangan kong pigilan ang emosyon ko na iyon. Hindi ko pa alam kung ano talaga ang nangyari. Kaya wala akong karapatan na mainis o magalit o makaramdam ng kahit anong emosyon para sa kahit na sino.

I asked her to take a rest first at nagprisinta naman agad si Justin na ipagamit kay Jane ang isa pang kwarto sa unit niya. Ang kwarto na pinagpalipasan ko rin ng gabi noong isang beses na hindi niya na ako pinayagan pang umuwi.

Hinatid ko pa si Jane doon. At nang masig
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status