Share

CHAPTER 50

Hindi maintindihan ni Loisa ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling ‘yon habang tinitingnan ang pregnancy test kit na kanyang hawak. Makalipas ang ilang linggo matapos siyang biruin ni Ciara na siya ay buntis minarapat niya na rin suriin kung totoo nga ba ang hinala ng kanyang kaibigan at maging siya na rin.

Maliban kasi sa madali siyang mapagod at inaatok palagi ay matakaw na rin siya sa manggang hilaw kung saan hindi niya naman kinahihiligang kainin dati, maliban diyan may mga pagkakataon din na siya ay naduduwal.

“Buntis ako?”Kinakaban man ngunit nangingiti pa ring sambit ni Loisa sa sarili.

Dalawang pulang guhit ang nagmamarka na kanyang nakikita sa kanina pang hawak-hawak na kit.

“Malamang, ano sa tingin mo negatibo ang resulta?”Bulong ng isang bahagi ng kanyang isip.

“Hindi maaari to, mali ito,”biglang taranta niyang sabi sa kanyang sarili.

“Magpa-check up ka sa doktor ng maliwanagan ka kaya,”patuloy pa ring bulong ng kanyang isipan.

“Tama, pupunta ako ng ospital, pero
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status