“Oh honey you’re here na bakit wala ka namang pasabi na pasundo ka sa airport?” Gulat na bati ni Mr. Monteclaro sa kanyang kabiyak. Nasa garden sina Mr. Monteclaro at Steve at kasalukuyang nagmemeryenda nang datnan ng ginang. “Ma, how’s your vacation?” Nakangiti namang tanong ni Steve sa ina sabay halik sa pisngi nito. Dumating ng mansiyon si Mrs. Monteclaro ng walang pasabi sa kanyang mag-ama. Sinadya niya ‘yon dahil kasama niyang bumalik ng Amerika si Crystal ngunit hindi na tumuloy pa ang babae sa kanilang mansiyon. “It’s okay honey, ayoko kayong abalahin e, andiyan naman si Matilda so nothing to worry,” nakangiti pang sabi ni Mrs. Monteclaro. Nanibago naman ang haligi ng tahanan sa ina-asal ngayon ng kanyang kabiyak. Kailanman hindi ito nagdedesisyong lumabas ng bansa na hindi siya kasama. Kung sakaling mag-bobonding itong kasama ang mga kaibigan hindi rin ito pumapayag na hindi sunduin. Gayunpaman ay nagkibit balikat na lamang siya. “O siya guys, pupunta muna ako ng room ko
“You must be kidding me, son,” hindi makapaniwalang sabi ni Mr. Monteclaro. “Of course not ‘Pa,” masayang sabi naman ni Stefano. “Is this for real,” sabi pa ni Ramon. “Do you know about this, Steve,” binalingan niya ng tanong ang isa pang anak na kambal. “Yeah, matagal na po,” nakangiti namang sagot ni Steve. “Well, if that so congratulations son,” sabi ng ama ng mataohan mula sa pagkabigla dala ng balita ni Stefano. “So, kelan n’yo planong magpakasal?” Usisa naman ng ama ng kambal. “Maybe next month po ‘Pa,” sagot ni Stefano. “That’s good anak at least nabagok na rin ang ulo mo at na-realized mo ng itigil ang pambabae mo,” natatawa pang sabi ng kanilang ama. “Pa naman, good boy naman po ako it so happened lang po na matagal kong nakita ang lady of my life,” nakangiting sabi naman ni Stefano. “O, siya kelan tayo mamanhikan?”Excited pa na sabi ng ama. “Perhaps next week Papa,” sabi ng kanyang anak. “Talaga nagmamadali ka, a takot ka bang mapag-iwanan ng magiging misis mo?
“Loisa, iha kabuwanan mo na ngayon ako na ang bahala rito,” sabi ni Aling Marie. Mabuti na lang at nakita siya ng matanda nang akma niyang bubuhatin ang mallit na karton upang pagsidlan sana ng nabiling paninda ng kanilang customer. “Oo nga naman ineng, hayaan mo na sina Marie at Nonoy ang mababalot niyan, naku ayan pala at kabuwanan mo na,” sabat naman ng suki nilang customer. “Segi po,” nahihiya namang sabi ni Loisa. Nahiya siya dahil alam niya ng kabuwaan na niya at heto’t binibigyan pa niya ng alalahanin ang mga matatanda. Mula kasi ng dumating sina Loisa at Loyd sa probinsiya nina Aling Marie ay naki-usap siya sa matanda na tutulong siya sa pang-araw-araw nila na gastuhin. Kahit ayaw ng matanda ay wala pa rin naman ito nagawa dahil mapilit talaga si Loisa. Mabuti na nga lang at may kakilala ang kapataid ni Aling Marie sa munisipyo kaya natulungan silang magkaroon ng pwesto sa may palengke. Isang maliit na pwesto ang sari-sari store nila gayunpaman dahil sa mga murang pres
“Segi misis eri pa po,” sabi ng doktor kay Loisa. “Kunti na lang po misis,” dagdag pa nitong sabi nang makita na ang ulo ng sanggol. Halos tatlong oras na naghintay si Aling Marie sa labas ng delivery room kung saan nanganak si Loisa. Kabadong-kabado siya, matagal na kasi para sa kanya ang tatlong oras ng paghihintay na wala man lang abeso mula sa loob ng kwarto. Hanggang sa makarinig siya ng iyak ng munting sanggol, agarang na pa krus si Aling Marie at nagpapasalamat sa Poong Maykapal sa pagpapapala ng kaligtasan sa mag-ina. Ngunit nagtaka siya ng meron pang isang huni ng iyak ng sanggol ang kanyang narinig. “Hindi kaya,” hindi na naituloy na sabi pa ng matanda ng biglang bumukas ang pinto. “Sino po rito ang mga magulang ni Miss Loisa Sanchez?” Tanong ng isang nurse na babae. “Ako po ma’am,” sagot agad ni Aling Marie. “Dala n’yo po ba ale ang mga damit ng kambal?”Tanong ng nurse kay Aling Marie. “Kambal po?” Balik-tanong naman ng matanda sa nurse. Hindi maitago ni Aling Ma
Isang buwan matapos ang panganganak ni Loisa ay napagdesisyonan niyang bumalik ng Manila. May natanggap kasi siyang mensahe mula kay Ysabelle nang minsan niyang gamitin ang kanyang lumang sim card. Nagbabakasali rin sana siyang makatanggap ng mensahe mula kay Steve. Ngunit sa kasamaang-palad ay mukhang hindi na siya naaalala ng lalaki.“Lois, kamusta ka na ba, nasaan ba kayo ng inaanak ko? Alam mo ikakasal na ako sa isang buwan. Sana bago pa man dumating ang araw ng kasal ko ay magkita na tayo. Ikaw ang magiging maid of honor ko at samantalang si Loyd naman ang magiging ring bearer namin,” mensahe ni Ysabelle.Naluluhang binasa ni Loisa ang mensaheng kanyang natanggap mula sa kaibigan.“Masaya akong ikakasal ka na Ysa, sana nga ay makarating kami ni Loyd sa iyong mahalagang araw,” naluluhang bulong ni Loisa sa sarili.“Ngunit pasensiya ka na hindi pa kasi napapanahon na magpakita ako sa iyo, sana maintindihan mo ako,” muling bulong niya sa sarili.Nasa loob siya ng simbahang nabanggi
“Loisa,” mahinang tawag ni Aling Marie. Nakailang katok na ang matandang babae ngunit hindi pa rin sumasagot si Loisa. Mag-aalas otso na ng umaga, kanina pa sana sila nag-aagahan ngunit tila hindi pinapansin ni Loisa ang kanyang tawag. “Loisa, anak buksan mo na itong pinto,” tawag ulit ni Aling Marie. “Lumabas na kayo ni Loyd iha nang makakain na tayo,” dagdag pang sabi ni Aling Marie. Isang linggo na ang nakakalipas nang makabalik si Loisa sa Negros. Mula nang dumating ang babae ay hindi pa ito nakakausap ng matino ni Aling Marie. Panay iyak lamang ang tanging sagot nito sa tuwing tinatanong niya. “Anak, magpakatatag ka kung anuman ang dinaranas mo ngayon, isipin mo kapapanganak mo pa lang sa mga kambal,”dagdag pang sabi ni Aling Marie. “Loisa,anak kawawa ang mga anak mo kung padadala ka sa problema mo. Narito lang ako anak tutulungan kita,” sabi pa ng matanda. Magsasalita pa sana si Aling Marie nang bumukas na ang pinto, iniluwa mula dito ang matamlay na mukha ni Loisa at
“Damn it! Ano ba talaga ang nangyari Abegail?” Galit na tanong ni Steve sa pinsan. “Hindi ko alam, caz tinanong ko si Ciara the moment I came back from Cebu,” mahinahon na sabi ni Abegail. “Doon ko pa nalaman na halos tatlong buwan na ngang hindi nagrereport si Loisa,” dagdag pa nitong sabi. “Bakit hindi n’yo sinabi agad sa akin, naki-usap ako sa iyo, Abegail na pakibantayan muna siya but what happened?” Muli tanong ni Steve sa pinsan. Nanginginig ang mga panga nito sa galit, at naiitindihan naman ‘yon ni Abegail. Kaya nga hanggang maari hindi niya papatulan ang init ng ulo nito. “Ipinapahanap ko na siya, huwag ka nang mag-alala,” sabi ni Abegail. “Ilang buwan na ba ang paghahanap n’yo? Hanggang kelan n’yo siya hahanapin?” Magkahalong galit at pag-alala ang mababanaag sa mukha ngayon ni Steve. Isang linggo na ang lumipas mula ng ikinasal ang kanyang kambal na si Stefano. Kung hindi pa siya umuwi ng Pilipinas ay hindi niya pa malalaman na matagal na palang hindi pumapasok si Loi
“Matapos pong mailibing si Roy ay nagdesisyon na po si Loisa na umalis ng Maynila Sir Steve, ang sabi po niya ay hindi niya na po gugustuhin pang mag-krus muli ang landas nila ng inyong mama,” sabi ni Ciara. “Noong tinanong ko po siya kung maaari ko bang malaman kung saan sila mananatili ni Loyd, kaso sir hindi niya po ipinaalam sa akin. Mabuti na raw pong wala akong alam para wala raw po akong maisabi sa inyo,” dagdag pang sabi ni Ciara. Kasalukuyang nasa eroplano ngayon sina Steve at ang kanyang anak na si Bianca Louise. Pabalik sila ng Amerika upang kumprontahin ang ina. Nakasandal ang malapad na likod sa malambot na upuan habang nakapikit ang mga mata at binabalik-balikan ang mga katagang sinabi ni Ciara na hindi maalis-alis sa kanyang isipan. Hindi niya lubos maisip na darating ang panahon na kamumuhian ng babaeng iniibig ang kanyang ina. Hindi niya man aminin ngunit batid niyang nasasaktan siya sa isiping hindi na magpapakita sa kanya si Loisa. Hindi napansin ni Steve ang m