MASARAP kasama si Lance kahit na madalas kong ipinapakita sa kanya na naiirita ako. Sa loob ng sinehan ay nag ooffer siya sa akin ng pop corn at lagi ko siyang tinatanggihan dahil mas gusto kong manood na lang."Open..." Bulong niya habang nilalahad ang isang pop corn sa bibig ko,Kumunot ang noo ko at binalingan ko siya. "Ang kulit mo."Humalakhak siya. "Ang sungit mo."Tinitigan ko siya sa gitna ng dilim. Kahit na madilim ay kitang kita parin kung gano gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at kung paano tumawa ang kanyang mga mata."I don't normally do dates." Bulong niya.Ngumiwi ako. 'Imposible. What makes me so special."I think you deserve the places, I think you deserve more," Mas mahinahong bulong niya.Hindi na ako makapag concentrate sa pinapanood namin. Iyan mismo ang nakakatakot sa mga tulad niya. Dahil alam mong playboy siya, hindi mo na alam kung alin ang totoo at alin ang hindi. It's safer to think that his words are full of lies but you're heart won't mind the danger. Mas
PAGKARINIG ko sa sinabi niya ay nanghina ako. Bumagsak ang mga kamay at balikat ko. Hindi ko kayang umalis.Hindi kapani paniwala. May parte sa akin na nagsasabing hindi iyan totoo. Na playboy lang siya at gusto niya lang akong mabihag kaya niya sinasabi 'yan. Ayokong maniwala. Pero ang maliit na parte sa akin ang nasusunod. lyong parteng pwede... pwedeng mahal niya ako.Tulala ako sa kanyang sasakyan habang nag dadrive siya patungo sa building. Nang nakita kami ni Bea kanina ay sinenyasan ko na lang siyang magkita na lang kami doon. Nakuha niya kaagad at siguro'y siya na rin ang nagpaliwanag kay Ma'am para sa akin. Kailangan kong magpasalamat sa kanya mamaya."Sorry..." Tikhim ni Lance habang hinihinto ang sasakyan dahil sa pag pula ng traffic light,Hindi ako kumibo. Nanatili akong tulala."Sorry..." Ulit niya. "Hindi ko sinasadya. Hindi ko dapat sinabi 'yon. It's too fast for you. I'm sorry, Elisia. It's true pero alam kong iniisip mo na hindi dahil masyadong mabilis."Suminghap ak
MARAMING tao ang naaninag ko sa buong hall. Pare parehong naka coat and tie ang mga lalaki at corporate attire o di kayay magarbong dress naman ang mga babae. Nanliliit ako sa pagiging abala nila sa pakikipag batian at pag po-pose sa mga naglalakihang camera.Nasa gilid lang kami, naghihintay ng kalat galing sa mga pagkaing inihanda.Punong puno ang hall ng puting round tables kung saan doon naka upo at nakikihalubilo ang mga taong ito.May biglang dumating na mukhang bigating mga tao dahil sa mga body guard. lilang bigating tao din ang bumati sa kanila.Usong uso dito ang attache case at body guards. Napapalunok ako tuwing may nakikitang pumapasok sa pintuan."Ayy!" Tili ng isang nasa mid-40s na babae nang nabasag ang kanyang baso."Elisia!" Sigaw ni Aling Nenita sa akin nang nakitang sa akin banda iyon.Mabilis akong kumuha ng mop at nagtungo doon.Kumalampag ang puso ko sa kaba at lumulutang ang paa ko habang naglalakad sa dagat ng mga bigating taong ito."Janitress, salamat." Sabi
TITIG na titig ako sa kanya habang nag da-drive siya patungong bahay nila. Nang nagbihis ako kanina sa Lounge, buong akala ko ay di na kami matutuloy dahil magiging abala na siya sa pakikihalubilo niya sa mga bisita. Nagulat na lang ako nang tumawag siya na naghihintay siya sa akin sa parking lot.Bawat kurba ng kanyang mukha, tangos ng ilong, Ialim ng mga mata, pilikmata, at kilay ay sinasaulo ko. I want to memorize every bit of him. Ngumiti siya nang naramdaman ang titig ko. Gumapang ang kamay niya sa kamay ko at mahigpit niya itong hinawakan."I'm so happy." Iling niya.Ngumiti rin ako. 'I'm happy for you.Sumulyap siya sa akin at ngumuso. 'Anong gusto mong lutuin ko?""Hmmm, kahit ano. Yong specialty mo." Sagot ko."Alright." Niliko niya iyon sa pamilyar na village kung saan naroon ang kanilang bahay.Buong byahe ay nakatitig ako sa kanya. Halos hindi ko matingnan ang kahit anong direksyon dahil natatakot akong mawala siya sa aking paningin.Papalubog na ang araw nang dumating kam
HINDI na ako makatingin sa kanya nang nilapag niya rin ang mga baso at binuhusan ng mukhang mamahaling sparkling juice. NIIagay niya ang kanyang niluto sa gitna at sinamahan niya pa ng vegetable salad sa gilid, Nag lagay din siya ng konting kanin at umupo na siya sa tapat ko."Let's eat?" Aniya at nilagyan niya ang pinggan ko nong nakakatakam na niluto niya. "Roasted Skirt Steak."Mukhang masarap." Sabi ko."Try it!"Tumango ako at pinulot agad ang aking tinidor para tumikim.Pinanood niya ako habang sinusubo ang kanyang niluto. Nginuya ko iyong mabuti at hindi na ako nagtaka na ang isang tulad niyang successful at gwapo ay nakakagawa ng ganito ka sarap na bagay."Ang sarap!"Humalakhak siya. "Proved you wrong, huh?""Well, at least nakapag concentrate ka naman kahit nandito ako.""Kung alam mo lang." Sabi niya habang hinahaplos ang gilid ng labi ko dahil sa sauce na naiwan doon. 'Kain na tayo!" Aniya dahil natigilan ako sa ginawa niya.Kumain kaming dalawa. Hindi ko mapigilan ang pan
Pagkatapos ay naramdaman ko naman 'yong sakit na kanina ko pa pinaghandaan. Hindi siya gumalaw. Pumikit ako ng mariin habang unti unting nawawala 'yong sayang naramdaman ko kanina."I'm sorry." Aniya sabay halik sa aking noo.Hindi siya gumalaw. Patuloy siya sa paghalik sa noo ko. Patuloy naman ako sa pag pikit."I'm really sorry." Aniya.Tumango ako at gumalag ng konti."Don't move." aniya.Umiling ako at inabot siya para mahalikan. I want him to move. Sa halik kong iyon ay nakuha niya ang nais kong maiparating"Are you sure?"Tumango na lang ako at hinayaan siyang dahan dahang gumalaw.Kailan ba dapat ibinibigay •yon ng mga babae? Sapat bang dahilan na mahal mo 'yong tao? O dapat din ba mahal ka nila pabalik? Ngunit hanggang saan ba talaga ang pagmamahal? Nag tatagal ba talaga ito? Hindi ko alam. Dahil wala akong karapatang mag tanong ngayon nito.Napamura si Lance nang inilabas niya ang kanya at hinayaan iyon sa tiyan ko. Kahit na may aircon ay bahagya akong pinagpawisan sa ginawa
MADALING araw pa Iang ay umalis na ako kina Auntie Letty. Naisip ko si mama at gusto ko Iang siyang makausap ngayon. Alam kong hindi na siya sasagot at ang tanging magagawa ko ay kausapin siya. Kontento na ako sa pakikinig niya. Kontento na akong maramdaman na nandyan siya.Nilagyan ko ng tatlong rosas ang lapida ni mama at papa. Nag sindi ako ng kandila para sa kanilang dalawa at nag squat doon sa bermuda ng sementeryo.Ngayong nandito na ako ay hindi na ako makapag salita. Tumitig Iang ako sa kanilang dalawa at inisip ko kung ano ang sasabihin nila kung buhay pa sila dito. Bumunot bunot ako ng damo habang naghihintay ng tamang oras sa pagsasalita. Tumitig ako sa lapida ni mama at wala sa sarili kong sinabi ang mga problema ko. "Ma, ilang beses kitang sinumbatan non na hindi maganda ang umibig sa taong ganon. Mayaman at makapangyarihan, Mas Ialo kitang sinumbatan nong nalaman kong may asawa pala 'yong inibig mo."Nangilid ang luha ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil at leas
"SUMUSOBRA ka na, ah!" Susugod na sana si Kid ngunit hinawakan ko ang kanyang braso.Nakita ko ang titig ni Lance na dumapo naman ngayon sa kamay kong nakahawak sa braso ni Kid. Mabilis kong binitiwan ang braso niya. Nilingon niya ako sa pagtataka."Kid, sorry." Sabi ko at yumuko.Siguro nga ay tama si Bea. Dapat ay kinausap ko na lang si Lance. Dapat ay hindi ako umalis ng ganon. Nagpadalos dalos ako. Inisip kong hindi niya ako hahanapin dahil nakuha niya na ang gusto niya sa akin. May parte sa aking nangarap na sana nga ay mag hanap siya pero mas malaki ang parteng may alam na hindi niya ito gagawin. Now, I was wrong. Hinanap niya nga ako at heto siya ngayon.My decision is still the same. Hindi ko kayang pagbigyan ang sarili ko. Hindi nababago ng reaksyon niya ang pananaw ko. May mga takot akong mas malakas pa sa nararamdaman ko para sa kanya. Those fears are deep-rooted and I can't change my system."Elisia? Ano?" Tanong ni Kid.Nag angat ako ng tingin sa kanyang nagugulat na mukh