Namumutla si Reiko at hindi agad na nakakilos dahil sa nakita niya. It seems that fate is still against her at this time. Sunod-sunod siya na napalunok, at kahit na nais niya na tawagin si Dreik upang makaalis na sila ay hindi naman niya magawa na makapagsalita. Walang lumalabas na kahit na ano sa kan’yang bibig, at patuloy lamang siya na nakatulala sa lalaki na hindi kalayuan sa kanila. At ang tangi na hiling na lamang niya, ay ang huwag sila lapitan nito. "Mom, are you sure you’re alright?" Lumapit sa kan’ya si Dreik at kinalabit siya sa braso. Hindi siya nakatugon sa tanong nito pero ang kan'yang buo na atensyon ay itinuon niya sa kan’yang anak. Hindi siya dapat na magpaapekto sa tao na nakita niya. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya at naghahabol na siya ng hininga niya. "Mom?" Nag-aalala na napatingin si Dreik sa paligid nila, at nang makita na papalapit na ang ama ay sinenyasan niya iyon at sabay na itinuro ang ina na hindi makahuma. "Reiks, are you okay?" Boses nama
She saw her. That was Reiko Cordova that she saw earlier. And he was so sure of what he saw. Ang babae na matagal na nila na hinahanap ay ang siya rin na babae na nakita niya sa paliparan kanina lamang. Napahilot siya sa kan’yang sentido dahil sa ngayon ay hindi na niya malaman kung ano ang tama na gawin niya. Kanina lamang ay desidido siya na lapitan si Reiko at kausapin, but he was stopped in his tracks. He stopped when Kenji arrived at the scene. "Gray, what’s wrong with you? Ano ba talaga ang problema mo at nagkakaganyan ka? At bakit ba nagmamadali ka riyan na maglakad ngayon? Kanina lang ay para kang tanga na na-estatwa ro’n sa kinatatayuan mo, tapos ngayon ay hindi ka na naman mapakali at nagmamadali ka. Sino na naman ba sa mga ex-girlfriend mo ang nakita mo rito sa airport kaya bigla na para ka na naman na praning diyan?" Tatawa-tawa pa si Kenji habang sinusundan at patuloy na inaasar ang nagmamadali na kaibigan na si Gray. Wala naman kibo ang kaibigan niya at diretso na na
It was nearly dawn, but Kenji hadn't even slept for a bit. Patuloy siya na nakadilat at nakatulala habang nakatingala sa kisame. Kanina ay hinatid siya ni Gray rito sa bahay niya. Ang sikreto na bahay niya na para lamang sa kanila ni Kiro. He bought this a couple of years ago. He prepared this house, dahil nais niya na rito makapamuhay ng tahimik ang anak niya kapa hindi na nila kinaya na magtiis pa kay Ica. Bumangon siya at naupo na lamang sa kama. Kanina pa siya paikot-ikot pero hindi siya dalawin ng antok. Iisang tao lamang ang laman ng kan'yang isip sa ngayon. Si Reiko Cordova lamang. Maisip niya lamang ang babae ay dumadagundong na ang puso niya sa kaba. She still has that effect on him. She always does. Sa pagkagulat niya sa nalaman na iyon ay hindi na rin niya nagawa pa na sunduin pa si Kiro sa bahay ng mga magulang niya. He needed time to think. He needed time to prepare himself for what was about to happen. Wala ng mga iba pa na detalye na ibinigay si Gray sa kan’ya maliban
Pagkatok sa pintuan ng opisina ni Reiko ang nagpatigil sa kan’ya sa kan’yang ginagawa. Nagtaas siya ng kan’yang ulo kasabay sa pagbukas ng pinto at pgsilip ni Elaine roon. "Ms. Reiko, nagpadala po ang investors ng package para sa'yo." Elaine, her assistant, came in with a box of goodies on hand. Nagtatanong ang mga mata niya, "Bakit daw? Ano iyan?" "Goodies for Dreik. They are very happy with how the shop is performing. Congratulations, Ms. Reiks. The shop is doing well, and you are managing everything well. Happy investors, happy us." Nakangiti pa na sagot ng dalaga kay Reiko habang inaayos ang package sa may gilid ng lamesa niya. Everything is going well for Reiko and her family at this point. And when she says her family, it is with Dreik and Arden. It had been roughly a month since they arrived, and after that scene where she unexpectedly saw Gray at the airport, she had managed to keep a low-key life despite the success of her business. At ipinag papasalamat niya na naputol na
"Who told you to decide about this without consulting me first, Kenji? Ako ang ina ni Kiro, but you continue to keep me in the dark about my child. What is it with you? Why do you always have to do something like this? Sa tingin mo ba ay papayag ako na makuha mo ang anak ko sa akin? You’re using my son against me!" Umagang-umaga ay sigawan ng mag-asawa ang maririnig sa buong kabahayan. Well, techincally, sigaw ni Ica ang umaalingawngaw sa bahay nila ni Kenji. "Will you shut the fuck up?" Buong pagtitimpi na sagot pa ni Kenji sa asawa niya. "Ang aga-aga, ang ingay-ingay mo. What the hell is wrong with you?" "What’s wrong with me? You even have the audacity to ask what is wrong with me when everything you do is wrong. Ano ba talaga ang gusto mo na patunayan sa akin, Kenji? Bakit mo patuloy na nilalayo sa akin ang anak ko?!" "Fucking shit, Ica! I don’t have time for this. I don't have time for your drama again. First day of class ni Kiro, at may flight pa ako na hahabulin pagkatapos ko
"How’s school, Dreik? Are you enjoying it?" Tanong ni Arden sa anak habang nag-aalmusal sila ng sabay-sabay na mag-anak. "Yes, dude. I have a best buddy already, and his name is Kiro." May pananabik naman na sagot ni Dreik sa ama. Simula nang magkakilala sila ni Kiro noon unang araw ng pasukan at nalaman nila na magkaklase sila ay hindi na sila mapaghiwalay na dalawa. Naaawa si Dreik sa bagong kaibigan niya na mukhang may problema sa pamilya, lalo na sa sarili nito na ina. Madalas na nagkukuwento si Kiro ng tungkol sa ama nito, ngunit pagdating sa ina ay walang masabi dahil malimit lamang na inaasa raw siya sa katulong o kaya sa kan'yang lola. "It’s good that you have found a friend already, dude." sagot pa ni Arden sa anak. Masaya naman na nakamasid si Reiko sa mag-ama habang nagkukuwentuhan ang dalawa. She is at peace with whatever is happening in their small family. At wala na talaga siya na mahihiling pa na iba dahil kontento na siya sa kung ano ang mayro’n siya basta't kasama
He saw her. Kenji saw the woman he had been longing to see. At hindi niya inaasahan na sa eskuwelahan pa ni Kiro sila magtatagpo muli. He doesn’t know the reason why she is there. Naghatid ba siya ng pamangkin? Anak ng kaibigan? Ayaw isipin ni Kenji na ang dahilan ni Reiko para pumunta sa eskuwelahan ay dahil naghatid ng anak nito si Reiko. Hindi pa handa si Kenji sa katotohanan na maaari na mayroon na rin si Reiko na sariling pamilya. He is still being as selfish as he can be. He was still hoping that it would still be him and Reiko until the end. Nang araw na magkita sila ay nais niya na kausapin si Reiko. Nais niya na mabigyan ng pagkakataon upang masagot ni Reiko ang lahat ng katanungan na gumugulo sa kan’yang isipan sa mahabang panahon. Nais niya na maliwanagan ang mga tanong na walang kasagutan na hanggang ngayon ay dala-dala niya sa kan’yang puso at isipan. Ngunit nangungusap ang mga mata ni Reiko sa kan’ya. She was pleading with him not to talk to her. She was begging with
"What did you say, Kenji?" Hindi makapaniwala na tanong ni Gray sa kaibigan niya na si Kenji. "Anak mo o anak ni Reiko? Or did I hear you correctly, anak mo kay Reiko?" At tangi na pagtaas at baba lamang ng kan’yang ulo ang nagawa ni Kenji na kasagutan sa mga tanong na iyon ni Gray sa kan’ya, dahil ang lahat ng sagot sa tanong na iyon ay pawang oo. Oo na anak niya, oo na anak ni Reiko, at oo na anak niya kay Reiko. At iyon ang patuloy na isinisigaw ng kan’yang isipan kahit hindi niya alam ang katotohanan. Ang batang iyon ay ang eksakto na replika niya noon maliit pa siya. At ang pangalan na binigkas ng bata ay isang kompirmasyon na anak siya ni Reiko Cordova. Dreik Cordova is none other than his son, and he is so sure of that. "Kenji, hindi naman siguro na si Reiko lang ang may apelyido na Cordova sa buong mundo. For all you know, maaari na si Reina, anak ni Reina ang bata na iyon. At huwag mo sasabihin sa akin na may nangyari rin sa inyo ni Reina para angkinin mo na sa’yo ang bat