Halos hatinggabi na natapos ang aming kwentohan at inuman. Hindi ako makatulog kahit anong pilit kong pikit ng aking mga mata. Kung pwedi lang sanang maging akyat bahay gang gagawin ko makausap ko lang siya. Lumabas ako ng mansion at naglalakad-lakad sa may hardin. Bahala na kung makikita nila ako sa CCTV na parang baliw na paroon at parito. Ano kaya ang pwedi kong gawin para mapatawad lang niya ako.Alas singko na ng umaga naisipan kung lumabas nalang ng gate. Dumaan ako sa maliit na pintuan wala naman sigurong magnanakaw na mangahas pumusok sa ganitong oras. Nakita kong nakabukas na ang ilaw sa bahay nila ni Lessy. Siguro gising na ang mga magulang niya. Naupo nalang ako sa gilid ng gate hihintayin ko nalang siyang lumabas.Hindi nagtagal narinig kong nagpapaalam siya sa nanay niya. Natuwa naman ako baka ito na ang pagkakataon na makausap ko siya. Nanatili lang akong nakatungo. Mukhang nagulat pa siya ng mabungaran niya ako sa tapat ng gate nila. Hi good morning! Nakangiti kong bat
"Anong nangyari doon?"....tanong ni Axel"Itanong mo sa sarili mo g*g*, alam mo namang galing pa ng Singapore yon at buong gabing walang tulog dahil lang sa gusto niyang makausap si Less."....pagalit na sabi ni Justine."Wooohhhh huwag na kayong magbangayan tawagan nyo nalang siya sa cellphone niya."...si Afsheen."Let's go to the venue for our lunch."...imporma ni Clearose.Kasama ko ang mga bata sa sasakyan kong dala. Na guilty naman ako sa sinabi ni Justine. Talaga namang pagod yung tao tapos hindi ko pa kinausap. Ganun na ba ako kasamang babae at hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. O baka nasobrahan lang ako sa kape at nenerbyos ako kapag malapit siya. Nasobrahan yata ang kaartehan ko kahit hindi naman dapat.Pagdating sa venue nagkakagulo na sila dahil hindi nila makontak si shokoy. Parang kinakabahan na rin ako, daming mga negative thoughts na pumapasok at nag mekus-mekus sa loob ng ulo ko. Sana okay lang siya, sana walang masamang mangyayari sa kanya.
Nitong nakaraang araw naging busy nga kami sa practice para sa competition ng tatlo. Maglalaban sila sa iba't ibang category. Ilang araw na rin na nababaliw na ang lahat sa kakahanap kay shokoy.Pero hindi na nakatiis si Justine dala ang kanyang private helicopter personal siyang pumunta sa San Martin. Napag-alaman niyang naroon lang pala nangingitlog sa pugad ang shokoy.Ang galing diba! Lahat pinag-aalala tapos siya tuwang-tuwa na nakikisalamuha sa mga hayop at ibon sa hacienda ng Lolo niya. Pati walang hiya kong anak ako pa ang sinisisi sa kabaliwan ng Papa niya kuno. Syempre nami-miss ko ang shokoy pero magpapahalata ba tayo? hindi noh. Magtigas-tigasan muna tayo bago magpapatigas ng saging charizzz.Day of swimming competition!Ready ang mga supporters ng triplets. Nakakatawa dahil may baong dalawang letson ang mga Lolo. Panigurado viral na naman ito, magte-trending na naman sa social media lalo na at pinaghahandaan talaga ng mga organizer ang paligsahan. Sa Freestyle si Spade,sa
Tuloy ang celebration sa pagkapanalo ng mga bubuyog ko. At si Zaile ay naghahanap din ng kanyang medal. Kawawang bubuyog mabuti nalang at nagkaroon ng matalinong Lolo Jeff. Binilhan siya ng special trophy at medal dahil sumali siya sa 3 events.Lahat ng mga naroon ay nakikikain na rin. Hindi naman kasi namin mauubos ang mga dalang pagkain ng mga Della Torres at Aragon.“Babe, kumain kana huwag kang pagutom para marami kang resistensya.”Aanhin ko naman ang maraming resistensya Aber?“Para mas lumakas pa ang sipa mo dahil isasabak kita sa wrestling.”Buwesit, nagbibigay ka lang ng pagkain ang dami mong kuda.“Say ah! ang ingay mo para kang pinaglihi ni Nanay sa puwet ng manok.”S-sho-koy na-nay ko yun....kanda bulol-bulol kong sabi dahil puno ng pagkain ang bibig ko.“Hey mama don't talked when your mouth is full.”...singit ni Zaile.Kaya inirapan ko si shokoy...ang luko nakangiti lang at may pakindat-kindat pa.Bukas patingnan mo sa doctor iyang mata mo. May problema eh, parang dinada
Zhykher povIlang araw na akong namamalagi sa bahay ni Lolo at madalas kong pinupuntahan ang lugar kung saan favourite place ni Lessy dati. Napakaganda nga naman ang lugar na ito. Kung tatambay ka dito ay magkaroon ka ng peace of mind.Sabi ni Lolo tumatawag daw ang mga kaibigan ko at nag-alala silang lahat sa biglaan kong pag-alis na hindi man lang nagpaalam. Mali naman talaga ang ginawa ko pero gusto ko lang munang manahimik ng ilang araw. Ipapahinga ko lang saglit ang utak ko. Isang araw habang nakaupo ako sa duyan malapit sa pool tinatanong ako ni Lola kung ano ang aking dahilan sa pananatili sa hacienda na hindi man lang sinabi sa aking mga kaibigan kung nasaan ako. Ipinaliwanag ko sa kanila ang lahat. Inaamin ko naman na nagkamali ako pero paano ako makapagpaliwanag ng maayos kung ayaw man lang niya akong kausapin.Iniwan din pala niya ang kanyang guitar kaya inilagay ko ito sa aking kwarto. Nami-miss ko na ang maganda niyang boses. Mahirap lang ang pamumuhay noon pero puno ng t
Kinabukasan maaga akong gumising dahil ngayon ang araw ng swimming competition ng triplets. Idadaan ko na rin sa bahay ng mahal ko ang pasalubong ni Lola para sa kanila. Excited na rin akong makita si Lessy at Zaile. I wish they are my real family. Kung noon wala sa hinagap ng pangarap ko ang magkaroon ng pamilya. Kabaliktaran naman ngayon since I meet Lessy atat pa akong magkaroon ng pamilya kasama siya.Hindi ko na sila naabutan dahil nauna na pala siyang nakalis kasama ang triplets at si Zaile. Kaya sumunod nalang kami sa venue kung saan gaganapin ang competition. Ang mga grandparents ay kanya-kanyang baon ng pagkain. A competition with a family picnic ang naging tema. I saw Lessy with the triplets teacher. Damn it moron! Nakita ko kasi kung paano nito pasadahan ng tingin ang kabuuan ni Lessery. Hindi naman ako tanga para hindi mapuna ang intention niya para sa mahal ko. Lalaki rin ako kaya alam na alam ko ang manyakang galawan niya. Nakakainis rin kasi kung bakit sa dinami-dami ng
Sinundo ako ni Sir Jesson Samonte.Nakakahiya naman sir sinundo mo pa ako eh birthday mo pa naman. Makikiinom at makikikain lang naman kami. Ito nga po pala ang gift ko para sa inyo pagpasyensyahan niyo na po.“Drop the po Less, we're not in the school to act very formal in front of me. Nag-abala kapa hindi naman kailangan ng gift dahil matanda na ako. At inimbitahan kita kaya dapat lang na sunduin kita.”Salamat! Nasaan na nga pala ang ibang mga kasamahan mong teacher's?“Nauna na sila sa venue magkikita-kita nalang tayo doon. Malapit lang naman eh, sa JA Elite Bar and restaurant lang naman idadaos ang kaarawan ko kasama kayo. Wala kasi ang parents ko dito sa Pilipinas kaya boring kung sa bahay ako mag-celebrate ng aking kaarawan.Less, may itatanong lang sana ako sa'yo at sana huwag kang magalit.”Okay go ahead kung kaya kong sagotin sige magtanong ka. Huwag lang mahirap huh, kasi hindi ako makakatawag ng lifeline ngayon eh. Baka tulog na ang mga pinoy henyo.“Hahaha you're so funny
Pagkatapos naming kumain at kunting inuman nagkayayaan silang lahat na pumunta sa dance floor. Tumanggi ako dahil sabi ko nga hindi ako sanay sa ganyang sosyalan. Pero nagpupumilit si Jesson at hinila ako sa gitna ng dance floor. Kahit sa probinsya nga hindi ko naranasan ang makipagsayawan sa brgy. kapag may kapyestahan.Biglang napalitan ang rock music ng sweet music. At hinawakan ni Jesson ang dalawang kamay ko para ipatong sa balikat niya. Pagkatapos ay sa aking baywang naman niya inilagay ang kanyang dalawang kamay. Pesti naaasiwa ako sa kanyang ginawa. Bakit kapag si Shokoy ang humawak sa'kin kinikilig ako. Pero kapag si Jesson ang humawak parang kinikilabutan ako. (Ayaw kasi ng puso mo sa kanya kaya walang spark...anas ng kabilang isip ko.)“Less, are you okay?”tinulak ko ang dibdib niya ng kunti dahil bumubulong siya malapit sa tainga ko at sobrang nakadikit pa sa'kin.O-oo o-kay lang ako, p-pasyensya na hindi kasi ako sanay sa ganito...kanda utal-utal kong sabi sa kanya.“Prom