Share

Chapter 18

KELLY

WALANG sleepover na magaganap. Ang lagay, e santong paspasan na ba ’to dahil malapit na kaming mawala sa kalendaryo?

“Ipagluluto kita sa apartment at sabay tayong magdi-dinner pero hindi ka matutulog doon.” Inirapan ko siya. “Susunduin mo rin ako bukas ng umaga dahil pinaiwanan mo sa akin ang sasakyan ko sa office. Maliwanag?”

Hindi naman sa demanding pero ako ang batas. Char!

“Okay. I like that. May okra ka?”

Humigop siya ng kape habang nakatingin sa akin. Minsan, naiilang na ako sa katitingin niya. Ayaw lubayan ang mukha ko. Feeling ko tuloy, para akong specimen sa ilalim ng microscope. Ang cute ko namang fungi!

“Hindi pa rin ako kumakain ng okra. Tsk.” Inirapan ko siya. “Kung gusto mo ng okra, pumunta tayo sa grocery at ibibili kita ng isang kilo. Ulam mo nang isang linggo ’yon. May bagoong sa bahay saka kalamansi.”

“Kahit isang linggo pang okra ang ulam ko, basta sa apartment mo ako kakain.” Ngumisi siya sa akin nang nakaloloko. Talagang hindi mapigil sa linyahan niya.

Su
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status