Share

Episode 05

DON'T make early morning sermon, Celine.”

Iyon mga titig ni Celine na gano'n, alam na niya agad na may ibig sabihin. Hindi niya inasahan ang pagbisita nito ng maaga sa cabin na tinitirhan niya. Nilagpasan niya ito at nagsalin ng kape mula sa coffee maker na sinalang niya bago siya maligo. Coffee is essential for a workaholic guy like him. It's another day to conquer for a superman whom everyone's nickname to him. 

“You seem so interested with the new girl in town,” anito saka nagsalin din kape sa sariling baso.

Dinampot niya ang dyaryo at binasa ang nasa front page noon. “See this? This is the good news that I've waiting to happen. It took ten long years before he got punished. Damn, this country's law enforcement.”

Muntikan na niyang malamukos ang parte ng dyaryo kung nasaan nakapaskil ang mukha ni Brady Gonzales. The notorious rapist killed the only family he has after both of his parents were called to heaven. Justice at last but that won't bring Kianna back to his life. If only he just answer her phone call that day, Kianna wouldn't be abducted and be killed. Up to now, Conrad still blaming himself for what happened to the love of his life.

“I saw a ring in her finger,” casual na sabi ni Celine na pumukaw sa kanya.

“I saw that, too.” In fact, iyon ang unang napansin ni Conrad ng unang makita iyong babae na hanggang sa mga araw 'yon ay 'di pa din niya alam ang pangalan.

“Her name is Faye. Thank me later for such information, Conrad.”

“H-how did you --”

“Dahil cute ako,”

“Oh, yeah?”

“I'll see you later. You owe me a dance, Doc.”

Celine was the first person he met when he decided to live in Kennedy Town. It's an unfamiliar place with not too many people but a serene and beautiful small town. Iyong tiwala ng mga tao, halos isang taon niya din tinrabaho at ngayon nga'y wala ng takot na magpa-ospital. Ma-a-asikaso na sila at hindi kailanman hinahayaan ni Conrad na may mamatay sa sinumang pasyente na hahawakan niya. Muli siyang napatingin sa headline sa dyaryo.

Brady Gonzales deserved to rot in jail... aniya sa isipan.

Tumayo na siya at niligpit ang pinagkapehan nila ni Celine saka umalis na. Habang naglalakad papunta sa tindahan ni Mang Delfin, madami na ang bumabati sa kanya at nag-aaya para sa sayaw mamayang gabi. Parte ng custom ng Kennedy Town ang night dance sa plaza kapag fiesta. Festive ang mood ngayon at lahat nakangiti ngunit nangangamba siya na baka dumami ang pasyente kapag ganitong may pagtitipon. People tend to forget their health and eat nonstoply.

“Good morning!” Bati niya ng makapasok sa tindahan. Natigilan siya nang imbis na si Mang Delfin ang naabutan ay si Faye ang naroroon. Nilinga-linga pa niya ang tingin upang hanapin ang matanda na baka nag-aayos lamang ng paninda.

“He's fixing my house and yes, as returning the favor I'm doing this,” Faye said to him. Her aura is quite strong today than the other days. Ilang araw na nga ba ulit ang lumipas mula ng magkakilala sila? Right, three days and she finally opened her door to everyone.

Hindi na siya nagsalita at kumuha na lamang ng sandwich sa shelf saka dinala iyon sa counter para bayaran.

“How's your injury and wounds?”

“I can walk now straight and my wounds are healing.”

“Good to know that,” I said pulling out cash in my pocket. “Pupunta ka mamaya sa night dance?” Taka itong tumingin sa kanya si Faye na para bang hindi alam ang kanyang sinasabi. It is given because she's new in town. “Night dance is part of the yearly custom on Kennedy Town.”

“Ah, I won't come.”

“You'll regret if you won't,” he said, then smile before exiting the store...

*****

FAYE can't believe herself right now because she said too many times about her decision of not attending the night dance. Ayon siya at nakatayo sa hindi kalayuan saka pinapanood na mag-saya ang mga tao. Ang simple lang noong kasiyahan na nagaganap at gaya sa pelikula na napapanood niya. Lahat nababakasan ng kasiyahan sa kanilang mga mukha. Inisip niyang hindi siya dapat naroroon kaya lumakad siya paalis pagkaubos ng iniinom na inumin.

“Hey,” anang tinig na pumigil sa kanya. “where are you going?”

“Babalik na sa cabin ko,” tugon niya kay Conrad.

“Nah, that won't happen.” Giniya siya nito pabalik sa loob at dinala sa mga grupo nina Mang Delfin. Binigyan siya ng mga ito ng pagkain at inumin. When someone performs in the middle, Conrad held her arm and brought her to the side. “Panoorin mo sila at maaliw ka,”

“Anong gagawin nila?”

“Watch.”

Sinunod niya ang sinabi ni Conrad at pinanood nga ang mga nag-perform sa gitna. Napapiksi siya at dagling napakapit kay Conrad nang may biglang pumutok. Abot-abot ang kaba niya dahil nadinig at parang bumalik siya sa eksena ng nakaraan bigla. Imbis na magsaya ay mabilis siyang umalis sa lugar na iyon at bumalik sa cabin niya. Faye heard Conrad calling her but she didn't turn her back to see him.

Kinabukasan, maaga siyang bumangon at naisipang mag-jogging sa palibot ng cabin. Nadaanan niya iyong mga matatanda na laging kasama ni Mang Delfin at kinawayan pa siya. Hindi na niyang nagawa pa magpaalam sa mga ito dahil sa sobrang takot na kanyang naramdaman. Simula ng noong tutukan at magpaputok ng baril si Brady, labis na ang takot niya kahit simpleng pagputok lang. That gives her unexplained chills as if someone is after her even in imagination.

Huminto siya sa pagtakbo saka malalim na napahugot ng paghinga. Kahit noon pa 'man, iyong pagtakbo na ang nakaka-alis ng stress niya. Maging kaba at takot na nararamdaman dahil sa sariwang hangin na nalalanghap. Ang ginagawa niyang iyon ang dahilan kaya siya nakilala ni Brady at ginipit nito ang mga magulang niya saka kinutsaba si Kristoff. No one from her family tried to save her aside from Mariel, her cousin who processed all of the fake documents she has now.

“Faye,” tawag na nagpalingon sa kanya.

“If you gonna asked what happen last night, I'm not gonna give you answers,” Faye said when Conrad come near her.

“It's not about that. Kung ayaw mo pag-usapan, ayos lang. I just want to check on you, though.”

“I'm fine and I don't need you to check always on me. I'm not a charity case,” aniya saka tumakbo na ulit ng isa pang laps bago bumalik sa cabin at nag-ayos ng sarili.

Kinuha niya ang dyaryo matapos magsalin ng kape sa baso. Doon nakabalandra ang malaking balita tungkol sa pagkaka-aresto kay Brady. Good news para sa kanya ngunit kulang pa iyon kung tutuusin. She wanted to take a revenge but half of her says no and start to live in peace. Nilamukos niya ang front page saka dini’recho sa basurahan. Doon nababagay ang mga katulad nitong baboy at walang kaluluwa.

Binaling niya ang atensyon sa ginagawang pagba-budget. She needs to find a job to support herself. Mauubos ang savings niya kung doon lang siya aasa at naisip niya ding nakaka-inip maghintay sa cabin buong maghapon. She has no friends there yet and being in Mang Delfin store isn't enough to kill time. Wala kasing masyadong ginagawa doon at halos lahat ng bumibili ay kabisado ang pasikot sikot sa tindahan.

“Naghahanap ka trabaho?” tanong na pumukaw sa kanya. It is Mang Delfin who carefully take the sit across her. Nilapag nito sa lamesa ang isang tasa ng kape. “May bagong bukas na seafood restaurant malapit sa bayan.”

Nagliwanag ang mga mata niya bigla. Iyon ang kailangan kaya naman kinuha agad ang address na pupuntahan niya agad. Wala siyang alam sa food service ngunit madali naman siyang matuto at paraan na din upang malibang siya. Nagpasalamat siya kay Mang Delfin at mabilis na lumabas ng cabin. Isang bisekleta ang pumukaw sa kanyang atensyon at sa loob ng basket noon ay isang note.

Faye,

You can use this as your mode of transportation so you won't get tired from walking.

Conrad

Matabang siyang ngumiti at binalik ang note sa basket saka dinala ang bisekleta sa ospital. She doesn't need someone who will look after her. Small help is fine and Conrad's intentions were all good but she doesn't need it. Ayaw na niyang ma-involve sa miski sino na maglalagay sa kanya sa panganib ulit. Nasira na ang tiwala niya at 'di pa sigurado kung mababalik pa iyon.

“You're looking for me?” tanong agad ni Conrad nang makalabas ito sa ospital upang kitain siya.

“Yeah. This belongs to you, I think. Hindi ko kailangan niyan at na-appreciate ko ang tulong na gusto mo ibigay pero hindi ko talaga kailangan,”

Hinawi niya ang buhok na tumabing sa mata pagkatapos mag-salita. Ilang beses ba niya kasi sasabihin dito na hindi siya nangangailangan ng tulong lalo kapag galing dito?

“I'll go now. Thanks but I just don't need it.”

Umalis na siya at nagsimulang maglakad patungo sa gawi ng seafood restaurant na sinasabi ni Mang Delfin. Trabaho, iyon ang kailangan niya at hindi isang kaibigan sa katauhan ni Conrad. Good men like him are dangerous to be with. She once becomes a victim and won't let herself be in the same place again. Not these trying times.

Never again...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status