Share

Kabanata One Hundred Thirty-Two

HUMARAP siya sa taumbayan bago nagsalita. “Para sa inyong kaalaman walang katotohanan ang lahat ng sinasabi ng demonyong ‘yan!” sabay turo kay Don Raul. “Huwag kayong maniwala sa mga mabubulaklak niyang pananalita dahil nililinlang niya lamang kayo! Hindi niyo alam kung ilang tao ang pinatay at dinamay niya nang dahil sa labis na galit niya sa sarili niyang asawa at anak nang dahil lang sa isang selos at makitid niyang pag-iisip!”

“Maghunos-dili ka sa iyong pananalita dahil hindi mo alam ang buong pangyayari!” sigaw ni Aling Mina. “Wala kang sapat na ebidensiya sa mga paratang na sinasabi mo sa aming Gobernador-Heneral!”

“Bakit? Ano rin ba ang alam mo?” tanong sa kanya ni Mang Delfin na tono ng pamimilosopo. “Hindi ikaw ang nakakita kung paano niya pinasakitan ang kanyang mag-ina at wala ka rin kung paano niya sinunog ang mag-ina ko nang dahil sa panlalaban na ginawa ko! Wala kang alam!”

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status