Share

Kabanata Seventy

NAGISING ako nang makarinig ako ng sumusuka. Pupungas-pungas akong bumango sa aking pagkakahiga at kinusot ang aking mga mata para alisin ang bigat sa aking mga mata. Nakita ko si Nina sa isang gilid at panay ang kaduduwal narinig iyon ni Joaquin na siya niya ring ikinagising. Mabilis siyang lumapit kay Nina.

“Nina, anong nangyayari sa ‘yo?”  nag-aalalang tanong ni Joaquin habang patuloy na hinihimas ang likod ni Nina.

Natigil itong sumuka at humarap kay Joaquin na nanlalata.

“Hindi ko alam, Kuya,” nanghihina niyang sagot.

Inalalayan siya ni Joaquin na tumayo at ilayo sa pinagsukahan niya at inalalayan itong makaupo sa isang tabi. Sinuri ko si Nina: nanlalata, habol ang hininga kahit hindi pagod, nangangayayat. Tumayo ako sa aking pagkakaupo at lumapit kay Nina.

“Nina, may gagawin ako sa ‘yo sabihin mo sa akin kung masakit, ha?”

Nanghihinang tumango si Nina bilang tugon. Hinawakan ko ang kanyang puson at diniinan ng konti. “Nakakaramdam ka ba

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status