Share

14

NAKARATING na sa Banaue, Ifugao sina Mayumi at Kalel. Nagcheck in sila sa isang kilalang hotel para sa mga turista. Maganda ang pagsalubong sa kanila ng mga staffs ng hotel pero ang hindi nila inaasahan na puno ng mga turista ngayon dahil sa kanilang kapistahan—ang Imbayah festival.

Isang kuwarto lang ang binigay para sa kanilang dalawa kaya wala na silang ibang choice kundi magsasama na lang sa iisang room.

"Pasensiya na po talaga ma'am and sir, sa linggo pa maraming bakante e, okay lang ba na magkasama muna kayo?"anang staff. Malapad ang ngiti nitong pinakawalan.

"Sure, walang problema," si Mayumi ang sumagot dahil nababagot ang mukha ni Kalel. "Don't worry, okay lang basta may matulungan kami while nandito kami for one week."

"Thank you ma'am, ipahahatid ko na po kayo sa butler. Thank you for choosing us."

Ngumiti si Mayumi saka sumunod sa butler, napakaganda ng hotel, 'di mo aakalaing matatagpuan ito sa lugar. Classy at maaliwalas ang mga designs. At hindi mo na kailangan lumayo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status