Share

Lucky 124 “On going searching for their son.”

(Missamy POV)

Pumasok na si Jeff.

Pumwesto na sa tabi ko. Mga mata naman ng Elder, di sa akin maalis. Hinawakan ni Jeff ang kamay ko.

Nagsipasok din ang abogado ng Elder. Si Jay nakatayo lang at handa din makinig saka idepensa kami, in case nga merong di malinaw sa usapang to.

Sa harapan nila, hinalikan ako ni Jeff sa pisngi.

Pisngi talaga? Bakit pag wala sila, sa labi?

Pero mas kinakabahan ako.

Buti na lang talaga handa si Jeff na alalayan ako.

“Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong sa akin ng Elder.

“Maayos lang po.”

“Tss. Wag na wag mo sa akin sasabihin na maayos ka lang.”

Mas matalim pa ang mga mata nito kesa kay Jeff kapag galit.

Meaning mali nga yung sagot ko.

Sino bang ina ang okey lang kung nalaglagan siya ng anak?

Ang hirap umarte sa harapan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status