TRIDA POVLinggo ng hapon na ngunit wala pa rin si Ivy. May plano pa kayang bumalik sa dorm 'yon? Ang sabi niya kasi sa text message niya kaninang umaga ay bago raw humapon, narito na siya. Ngunit malapit na magdilim ay hindi pa rin siya dumarating.Hindi kaya naipahamak na s'ya ng katangahan n'ya?"Ate Mildred, wala pa si Ivy?" tanong ko pagbaba ko sa lobby. Naabutan ko siya roon, nanonood pa rin ng tv. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong bumaba dahil lang sa kahihintay sa bruhang 'yon."Wala pa." Saglit niya lang akong nilingon at muling ibinalik ang tingin sa screen. Bumuntong-hininga ako at pabalik na sana ulit sa itaas nang marinig ko ang pagbukas ng gate. Napahinto tuloy ako sa unang baitang ng hagdan. Baka si Ivy na 'to.Ngunit ang malapad kong ngiti ay biglang naglaho nang ibang tao ang sumulpot. Si Kierzyuwi. Sa kanilang lima ay siya pa lang yata ang unang dumating. Huminto siya noong nasa tapat ko na siya at saka niya ako tiningnan sa mga mata. At ngayon ko la
TRIDA's POVPagdating namin sa laundry shop, in-islide ni Yuwi ang pintuang salamin at nauna siyang pumasok sa loob."Narito ka pala pogi." Nakangiting lumingon sa amin ang babae na medyo may edad na. Namamalantsa siya sa isang gilid."Kukuhanin ko na po 'yung dinala ko rito nu'ng—" he turned to me, asking for help, "last week ba 'yon?" tanong niya. Tila naninigurado."Last week after the last," bulong ko rin. Iyon kasi ang pagkakatanda ko.Bumaling ulit siya sa babae. "Last couple of weeks. I don't exactly remember.""Pangalan?" tanong ng babaeng nakangiti nang todo sa kaniya."Trida Montana," he responded. Tinigil muna nito ang ginagawa at hinanap ang pangalan ko roon sa log book nila. "Patingin na lang ng ID."Yuwi turned to me again, tilting his head. Parang sinasabi niyang ibigay ko ang ID ko."Hindi ko dala. Bakit 'di mo sinabi na kailangan pa ng ID?" kunot-noo kong reklamo sa kaniya."I tried to ask you but you cut me off with your little drama of revenge," he shot back. Ngang
IVY POVPagdating ko sa dorm, hindi ko inabutan si Trida sa kwarto. Nasaan kaya siya? Inilapag ko ang bag ko, pati na rin ang binili kong pagkain sa nadaanan naming restaurant kanina.Kinuha ko ang cell phone ko at naisipan ko siyang tawagan. Ilang ring lang 'yon bago siya sumagot."Nasaan ka?" bungad ko sa kaniya."Pauwi na.""Sa'n ka galing?""Kinuha ko 'yung damit natin sa laundry shop. Hiyang-hiya naman ako sa'yo, wala ka ng isusuot bukas, e!"Nanumbat pa talaga. "Sana kasi hinintay mo na lang ako. Sino kasama mo? Mag-isa ka lang ba?""Kasama ko si Yuwi.""Mabuti kung gano'n. Delikado kung mag-isa ka. Baka kuhanin ka na naman ng naka-van. Anyways, dalian mo. May pag-uusapan tayong impotanteng mahalaga.""Ano?""Basta. Mamaya. 'Wag kang excited!" I ended the call and threw my phone on the bed. Dumiretso na rin muna ako sa banyo para mag-shower saglit. Ngayon ko sasabihin kay Trida na pumapayag na akong hanapin namin si Supremo. Na makikipagtulungan na ako sa kaniya.Kung nangyayar
IVY's POVMONDAY. 12:30 pm. Pagkatapos ng huling klase namin ay nagmadali agad kaming umuwi ni Trida sa dorm.Nakuha na niya kagabi kay Ate Mildred ang list ng mga lalaki sa 3rd at 4th floor at ngayon pa lang kami magsisimula sa misyon namin. Ang paghahanap kay Supremo.Pagpasok namin sa kwarto, dali-dali kong ini-lock ang pinto at kinuha naman niya ang kaniyang laptop. Binuksan niya 'yon habang nakaupo siya sa sariling kama."Magsimula na tayong mag-search. Nasaan 'yung list? Dali! Dali!" apura niya sa akin. Agad naman akong tumungo sa kama ko at nilusot ko ang kamay ko sa ilalim ng unan dahil doon ko tinago ang listahan.*FLASHBACK*(Sunday night after Trida's presentation)Bumaba kami sa lobby at hinanap namin si Ate Mildred. Naabutan namin siyang nanonood ng tv kaya nilapitan namin siya.Tumabi kami sa kaniya ni Trida, magkabila kami."Ate Mildred," nakangiting sabi ni Trida. "May sasabihin sana 'ko sa'yo.""Ano 'yon?" tanong naman nito sa amin.Lumapit si Trida sa tainga niya par
IVY's POVAgad nagyaya si Trida sa bookstore pagkatapos ng huling klase namin. Bibili raw kami ng notebook na gagamitin namin sa pag-write down ng mga mahahalagang bagay na mapapansin namin sa lima. Kina Kierzyuwi, Haze, Matthew, Zee at Kayden.Magkaiba kami ng direksyon. Nasa kabilang estante siya, nasa kabila naman ako."Uso pa ba 'yung diary na may passcode?" tanong ko habang binubuklat ang mga naka-display na diary sa shelf. Dati kasi akong mayroong gano'n, noong elementary pa ako. Ewan ko lang ngayon kung may nabibili pa rin."Tama!" she almost yelled at sinilip pa ako sa siwang ng estanteng nakapagitan sa amin. Agad siyang naglakad para umikot sa puwesto ko. "That's a good idea, Ivy. 'Yung may passcode ang kailangan natin. Halika, magtanong tayo." Hinigit niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa cashier. "Ate, may diary po ba kayo na may lock? 'Yung may code?" tanong niya sa dalawang babaeng nakapuwesto roon."Mayro'n po," sagot ng isang babae."Pabili po. Dalawa." Sabay dukot
IVY POV"Thank you, Zee!" pahabol ni Trida habang paakyat na ang dalawa sa hagdan papunta sa floor nila. At hindi na namin sila narinig pang sumagot dahil abala si Matthew sa pagbungisngis. Hindi raw kasi nila alam kung paano gagawin ang kanilang project."Let's start," baling ko kay Trida nang makapasok na rin kami sa kwarto, nakasara na ang pinto."Set muna natin 'yung code," sagot niya naman. Naupo siya sa gilid ng kama niya. Ibinaba ko naman ang bag ko at saka ko inilabas ang diary ko. Sa gilid ng bed ko rin ako naupo. Magkatapat lamang kami at parehong abala sa pagse-set ng passcode. "Sabihin mo sa 'kin ang code mo, ha? Sasabihin ko rin sa'yo kung ano'ng sa 'kin," dagdag niya. "Oo naman. Alangan naman maglihiman pa tayo!" sagot ko kahit na hindi siya nililingon. At dahil makakalimutin ako, sinet ko ang sa akin sa apat na zero (0000). "Ano'ng code ng sa'yo?""1234. 'Yung sa'yo?"Kumunot ang noo ko sabay angat ng tingin sa kaniya. "1234? Napakadaling hulaan n'yan! Ano ka, bata? Ba
IVY POV"Ano na? Sino ang tama sa 'min?" baling sa akin ni Trida. Pati silang lima ay nakatingin sa akin, hinihintay nilang sabihin ko kung sino ang mga nakahula ng hindi totoo sa sinabi ko.I cleared my throat before answering. "Matthew at Trida," tipid kong sagot sabay yuko.Iniiwasan kong mapatingin kay Matthew dahil may kakaiba sa pakiramdam ko. At hindi ko alam kung ano. Pero, oo. Tama naman siya. Lie ang pagsasabi ko ng younger sister dahil ako ang bunso sa amin ni ate."Yes!" Narinig kong sabi ni Trida at nakipag-high five pa ito kay Matthew bago siya nito ituro."Ikaw na Trida." Siya naman ngayon ang pinuntirya nito. Talagang uunahin nila kaming dalawa?TRIDA POV"I have an older brother. Marami rin akong kaibigan noon. Pero binully nila ako," litanya ko habang nakatingin sila sa akin."Sssp..." Yuwi tilted his head while looking at me intently. "Akala ko ba two truths and one lie? Why do they seem to be two lies and only one is true?" he said, confused.Natawa naman ako sa si
TRIDA POV"Saan ka ba kasi pupunta?" paulit-ulit na tanong sa 'kin ni Ivy. Kanina niya pa ako kinukulit simula nang magising ako hanggang ngayon sa paggayak ko ay hindi niya pa rin ako tinatantanan."Basta. 'Wag ka muna magtanong. Pag-uwi ko na lang at saka ko sasabihin sa'yo," tanging sagot ko sa kaniya sabay dampot sa bag ko at saka na ako nagpaalam. "Aalis na 'ko." Sumunod siya sa paglabas ko sa pinto at hinatid niya pa ako sa lobby habang nakasimangot. "Magte-text ako sa'yo kapag nakausap ko na 'yung tao." Muli ko siyang binalingan bago ako tuluyang tumungo palabas sa gate.Naabutan ko na rin doon ang taxi na ipinasuyo ko kay Ate Mildred kanina habang gumagayak ako. Naghihintay na ito sa akin kaya agad na akong sumakay roon at sinabi na ang address na aking pupuntahan.Ilang oras ang nakalipas. Sinalubong ako ni Tita Lyn pagpasok ko sa kanilang bahay nila. Kilala naman ako ng maid nila kaya agad akong pinapasok nito at hindi na nagtanong pa."Hi tita." Nakipagbeso ako at ngumiti s