TRIDA POV"Now, the decision is yours. Will you trust me or not?"Natahimik ako saglit. I studied his face and I know for sure na puwede ko siyang pagkatiwalaan. I leaned forward and rest my forearm in the table."Come closer," bulong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya. Mukhang pabor na pabor sa kaniyang maging malapit sa akn. Nirest niya rin ang forearm niya sa mesa at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Luminga-linga muna ako sa paligid just to make sure na kami lang dalawa ang tao sa rooftop at walang ibang makakarinig sa sasabihin ko. Binalik ko na ulit ang tingin ko sa kaniya pero inilayo ko nang bahagya ang mukha ko dahil sobrang lapit na namin. "Ganito 'yon," I started. "Di ba aware naman kayo sa mga nangyayari sa school natin. 'Yung mga namatay na estudyante?"Tumango siya. "Oo. Bakit?""Alam namin kung sino ang nasa likod ng bagay na 'yon at kung ano'ng dahilan ng pagpatay."He furrowed his eyebrows. "Sino?" he asked, confused."Si Supremo," I whispered. Lalong kumunot ang kan
IVY POV4:00 am pa lang ay gising na ako. Mababaw lang ang naging tulog ko dahil hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako sa nangyari noong minsang pababa ako sa basement—sa ginawang pagtakip ng panyo sa akin ni Kierzyuwi Hindi ko rin maiwasang mapaisip ngayon. Kung si Kierzyuwi si Supremo—ano'ng kaugnayan niya kay Mr. David? Kilala ba niya ang magiging fiance ko? Hindi ko pa alam ang sagot ngunit isa lamang ang nasisiguro ko. Hindi niya poprotektahan ang nakatago rito sa dorm kung hindi siya related kay Mr. David.Bumangon ako saglit para kuhanin sa cabinet ang maliit na box kung saan nakalagay ang kwintas na ibinigay sa akin ni lolo noon at saka ako muling naupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan 'yon.Ano'ng meron dito? At sino ang lalaki na nagtali kina daddy at gustong kunin 'tong kwintas ko? Si Kierzyuwi ba? Kaya ko ba s'ya nasalubong noong pauwi ako sa amin? Pero bakit? Bakit n'ya gustong kunin 'to?Ang dami kong tanong na hindi ko kayang bigyan ng kasagutan. Napabuntong-hi
IVY POVTapos na ang last period pero wala pa rin si Trida. Magpapasama pa naman sana ako sa kaniya para bumili ng bagong cell phone. Hindi na kasi gumana ang phone ko matapos 'yon ibalibag ni daddy.Nasaan na kaya siya? Hindi man lang niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta. Pati rin noong nakaraan na umalis siya—kahit kinukulit ko siya ay hindi niya rin ipinaalam sa akin.'Huwag niyang sabihin na may ginagawa siyang hindi ko alam? Tch.'Naglalakad ako palabas sa gate ng school nang biglang may umakbay sa akin, dahilan para mapatigil ako. At nang ibinaling ko ang aking tingin sa kaniya, nakangiti pa siya sa akin."Matthew?""Bakit mag-isa ka? Hindi mo kasama si Trida?" tanong niya, nakaakbay pa rin. Inalis ko bigla ang kamay niya sa balikat ko bago ako sumagot."May pinuntahan siya.""Saan naman?""Hindi ko alam." Nagsimula na ulit akong maglakad at sumunod naman siya."Bakit nga pala hindi ka nagre-reply sa 'kin?" "Nasira kasi 'yung cell phone ko. Hindi pa 'ko nakakabili.""Kaya
IVY POVPagkatapos namin bumili ng cell phone ay niyaya ako ni Matthew na kumain dahil hindi pa rin daw siya naglu-lunch.Siya ang umorder ng pagkain namin kaya naiwan akong mag-isa sa table. At habang wala siya ay inabala ko muna ang sarili ko. Nilagyan ko ng sim card ang phone kong binili at saka ako agad nag-text kina mommy at daddy. Bagong sim din ang ginamit ko.Nag-reply naman si daddy at tinatanong niya sa akin ang tungkol sa kwintas. Ngunit sinabi ko sa kaniya na hindi ko pa iyon nakikita. Kailangan ko munang malaman kung ano'ng mayroon sa kwintas na 'yon bago ko i-surrender.***"Ano pala'ng pangalan ng parents mo? May kapatid ka ba?" tanong ko kay Matthew habang kumakain kami sa isang restaurant na nasa loob lamang din ng isang sikat na mall.Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at biglang ngumiti. "Bakit parang bigla kang naging interesado sa 'kin?" Ngumiti rin ako. Pabebe smile. "Interesado naman talaga ako sa'yo," I said flirtatiously. Kailangan ma-fall sa akin 'tong
IVY POVTwo weeks later...Nakalabas na sa ospital si Trida, pero si Haze ay hindi pa. Ang balita ko kay Matthew baka bukas pa raw o sa isang araw madi-discharged si Haze dahil mas grabe ang mga sugat na tinamo niya kaysa kay Trida. Himala na nga lang daw na nabuhay pa sila pagkatapos bumaligtad ng sasakyan. At buti na lang hindi sila nasabugan.Si Trida naman ay pansamantalang inuwi ng mommy at daddy niya sa kanila nang dalawang araw bago umuwi rito sa dorm—para raw maalagaan at mamonitor siya roon. At kitang-kita ko kung paano siya tumutol noong araw na ‘yon dahil ayaw niyang umuwi sa kanila. Ang kaso ay wala siyang nagawa sa desisyon ng parents niya.At sa dalawang gabi na wala akong kasama sa kwarto, halos hindi ako nakakatulog dahil naiisip ko na paano kung biglang may pumasok sa kwarto namin at patayin ako? WAAAAH!Ngunit kahit nakabalik na siya sa dorm ngayon ay hindi pa rin siya pinapayagang pumasok sa school para sa mas mabilis niyang recovery. Kailangan muna niyang magpalaka
TRIDA POVAnd without breaking our intense stare-off, he said, "You. I want you."Natigilan ako sa sinabi niya. That wasn't what I was expecting, not in the least. Pero sinikap kong maging kalmado. Umayos ako sa pagkakaupo nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. You almost got me killed and now you're telling me you want me? "Tch. Nevermind." Napairap ako at bahagyang ngumisi bago nag-iwas ng tingin. Kahit hindi niya sabihin sa akin ang pinaka-worst na ginawa niya, sa tingin ko ay alam ko na. "Pumunta 'ko rito para makapag-relax at mag-isip-isip. Pero parang mas lalo yata akong mai-stress." Tumayo na ako sa upuan ko. "Mauna na ‘ko sa loob." Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at kusa na akong humakbang palayo.Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako nang bigla akong may maalala, dahilan ng paghinto ko."You shouldn't have done that. Don't involved yourself in anything that will bring you harm."At ang sinabi niya noong araw na naglalaro kami ng Two truths, One line. "Lie, mar
IVY’s POV"Ano ba'ng kalokohan ‘to?" Iginala ko ang aking paningin habang nag-iisip. 'Patay na si Racquel? At kami ang pumatay? Paano?' "AH! Prank ‘to, ‘no? Sigurado ako, prank ‘to!” baling ko kay Trida na hanggang ngayon ay tulala pa rin."Hindi ‘to prank," sagot ng isang pulis na nasa gilid."Utot mo kuya, blue! Alam ko na mga gan’yang galawan! Hahaha!" Humalakhak pa ako sabay hampas sa balikat ng pulis na nasa gitna, gamit ang mga kamay kong nakaposas. Pero natigilan din ako agad sa seryoso nilang tingin sa amin. Mukhang hindi nga prank. Bumaling ako kay Trida para tanungin siya. "Trida, ano ba’ng nangyari kagabi? Bakit tayo aarestuhin?""Wala akong maalala," halos pabulong niyang sabi."Wala kaming ginawang masama!" protesta ko nang harapin muli ang tatlong pulis."Wala kayong ebidensya!" dagdag pa ni Trida na tila nagising na ang diwa.Humakbang ang isang pulis papasok sa kwarto namin, nakatanaw kami sa kaniya. At paglabas niya, may bitbit na siyang kutsilyo na may bahid ng dugo.
IVY POVLumabas si Trida sa temporary cell kung saan kami nakakulong para makitawag. Habang mag-isa, nagsimula na rin akong mag-isip kung sino ang p’wede kong tawagan para hingan ng tulong. Si mommy at daddy kaya? Kaso, paano nila akong tutulungan, eh, iba ang pangalan ng magulang ko na nakalagay sa birth certificate ko ngayon.Baka may makakilala sa kanila kapag pinapunta ko sila rito at baka malaman ni Mr. David na ako ang bunsong anak nila mom—Pero teka?Hindi si mommy at daddy ang kailangan kong hingan ng tulong ngayon, kun’di si Mr. David.Ang sabi sa akin ni daddy noon, kapag ready na akong makipagkita sa apo ni Mr. David, sabihin ko lang daw sa attorney nila, at sasabihin ‘yon ng attorney kay Mr. David. Ngayon, kung sasabihin kong makikipagkita na ako sa apo niya, baka magawan nila ng paraan para makalabas ako rito.'TAMA! I'm so f*cking smart talaga.' Lumapit ako sa pintuan ng selda at kinawayan ko si kuyang pulis na tahimik habang nagta-type sa computer. Akala ko iisnabin ni