Share

CHAPTER 33

CHAPTER 33: GIG

Hindi mapigilang matuwa ni Andy habang tinitingnan ang mga tao na pumuno sa Bar kung saan sila magpe-perform.

"Wow, hindi ko inaasahan na mapupuno ang lugar na ito." puno ng pagkamangha na wika ni Andy habang nakasilip mula sa backstage.

Mahinang tumawa si Gus na pinapanood ang reaksyon ng dalaga.

"Siguro naman wala nang maghahagis ng pagkain rito," biro ni Gus kaya nilingon siya ni Andy.

"Oo, mga bote ng alak lang naman ang susunod nating sasalagin." dugtong ni Alu na nasa kabilang side ni Andy.

Siniko ni Krem si Alu bago kinuha ang atensyon ni Andy sa pamamagitan ng pagkalbit dito.

"Huwag ka'ng mag-aalala, nandito naman kami kung sakaling may mangyari na namang batuhan." pagpapakalma ni Krem na nagpangiti kay Andy.

Pagkapasok palang nina Kino at Lylia ay kaagad na hinanap ni Kino ang presenya ni Andy.

"Nasa backstage sila," biglang sabi ni Lylia kaya tiningnan siya ni Kino. Pinagkrus ni Lylia ang mga braso bago pinantay ang mga kilay at hindi na muling kumibo.

Hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status