Share

CHAPTER 16

Nang sumunod na araw ay nasa loob lamang ng silid si Fiona. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga damit na pinamili nila kahapon sa tiangge. Dahil sa wala nga siyang dala maliban sa kanyang maliit na bag ay kailangan niyang bumili, hindi lang ng mga damit kundi maging ng mga personal niyang gamit.

Napalabhan na nila ang mga damit at ngayon nga ay isang summer dress ang kanyang isinuot. Ang haba niyon ay umabot lamang hanggang sa gitna ng kanyang mga binti. May manipis din iyong straps na sadyang nagpapakita ng mapuputi at makikinis niyang mga balikat.

Kahapon nga ay sa bahay na nina Nanay Luz sila tumuloy. Sa bahay ding iyon lumaki si Randall at silid mismo nito ang kinaroroonan niya ngayon.

Si Randall mismo ang nagpaabiso sa kanya na ang silid nito ang gamitin niya. Doon na rin dineretso ng binata ang electric fan na binili nito upang magamit niya.

Masasabi niya na sadyang doble ang laki ng silid niya sa kanilang bahay kumpara sa silid ng binata. Ang kwarto ni Randall ay hindi kalakihan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status