Something's New
"I know, I know." Sumimangot ako.Kanina pa siya kuda nang kuda na kesyo hindi safe na bumiyahe nang mag-isa, at kanina pa ako naririndi sa boses niya. Nakakainis lang kasi. Hindi na ako bata pero bakit palagi na lang niya akong pinapagalitan?I know his point and I understand it, pero hinayaan ko lang siyang kumuda dahil malapit nang marating ng kotse niya ang Larica building.Prente akong sumandal sa sandalan ng passenger seat at tumingin sa labas ng windshield. Paliko na ang kotse papunta sa Pier 3, at paliko papunta sa gate 5, kung saan naroon ang Pier 1. Hanggang ngayon, hindi ko naintindihan kung bakit baliktad 'yong numbering ng mga pier at gates. Sa Pier 3 lang yata sumakto, e."Sa susunod na linggo magsisimula ang renovation. 'Wag ka na munang pumasyal sa Port," sabi ni Lyndon.Napatingin ako sa kaniya. "Saang parte ba ang iri-renovate?""Sa kaliwa. Padiretso sa beacon. Ililipat na rin ang beacon para mas lumawak ang sakop."Naningkit ang mga mata ko. "In your words... hindi mo papakialaman ang opisina ni Papa, right?""That's the initial plan."Tumaas ang kilay ko sa sagot niya. "Oh," tanging nasabi ko.Huminto ang kotse sa harap ng Larica Building. Agad akong umibis ng sasakyan at malalaki ang hakbang na tinungo ang entrada. Nakita ko pa ang ilang mangisngisda ni Papa. Inaayos nila ang net. Kumaway pa sa akin ang ilan sa kanila bago binalik ang tingin sa ginagawa.I faintly smiled at them.Pasimple ko silang tiningnan isa-isa. Most of them are morenos. Pero hindi 'yong sobrang pagka-brown, pero 'yong katamtaman lang. Siguro dahil naglalayag lang sila tuwing gabi at umuuwi bago pa sumikat ang araw sa silangan.Nasabi sa akin ni Papa na iba't ibang metodo ang gamit nila sa pangingisda. Paborito niya ang gumagamit ng floodlight para mahalina ang mga isdang magpunta sa net.Kaya siguro mahal ang isda kapag full moon. Wala masyadong nahuhuli dahil maliwanag sa laot at madaling ma-distract ang mga isda.Nilampasan ko sila at nagtuloy-tuloy papasok sa Building. Mangilan-ngilang empleyado ang nakita ko at kadalasan ay technicians. Dumiretso ako sa opisina ni Papa. Kumatok ako bago pumasok sa loob. Nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair at nagsusulat. Umikhim ako.Nag-angat siya ng tingin at napangiti nang makita ako. "Nangingitim ang eyebags mo," biro niya.My lips twitched. "Nah, exam week."Natawa siya at sinenyasan akong lumapit. Tumalima ako. "Bagsak na ba sa exam?" tanong niya nang huminto ako sa tapat niya.Ngumuso ako sa tanong niya. "Nag-aral kaya ako..."He just chuckled and shook his head. "Hindi ka naman nag-aral. Anong isasagot mo sa exam?""Paano niyo nalaman, Pa?"Umiling-iling siya. "Kilala kita. Mas inaatupag mo pa 'yong banda at libro kaysa sa pag-aaral.""Kasi naman, Pa, stress reliever ko mga 'yon.""Stress reliever? Rishell, sa ginagawa mo, hindi na stress reliever ang mga 'yan. Stress giver na.""Si Papa talaga...""Bakit?" Nangunot ang noo niya. "Hindi ba totoo? Imbes na mag-aral para sa exam, nakaharap ka sa cellphone at nanonood ng videos. Imbes na tumulong sa gawaing bahay, ayun, sa loob ng kuwarto at nagbabasa na naman. Kaya ngayon, stress na stress ka sa exam kasi hindi alam ang isasagot. Pati Mama mo, hindi na alam ang gagawin para mapalabas ka sa lungga. Narinig kong pinapatay na ng Mama mo 'yong WiFi para lumabas ka sa kuwarto.""Pa...""Rishell, mabuti ba ang ginagawa mo?"Ngumuso ako. "Hindi po."Naningkit ang mga mata ni Papa at tumango-tango. "Dapat alam mo ang limitasyon. Kung hindi mo alam, tiyak na ikakasira mo 'yan.""Alam ko naman ang limit ko, Pa."Naningkit ang mga mata niya. "Ipakita mo sa akin na alam mo at maniniwala ako."I pursed my lips and nodded. Nagpaalam na ako sa kaniya at mabilis na lumabas ng kuwarto. What a joke. Hindi ko alam kung anong maririnig ko kay Papa kung hindi pa ako lalabas. Nilagay ko lang ang mga bagong libro sa bookshelf.Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Pagtingin ko ay nakita kong notif iyon mula sa GC. May undiscovered author daw na magaling magsulat. Nang may nag-send ng link, agad ko iyong clinick. CareLikeGoldFish ang username ng author.Napakaiksi siguro ng atensyon nito. I shook my head, downloaded all his written books in my private library, before I hid my phone inside my pocket. Napagpasyahan kong magpunta sa Ayala para bumili ng pandagdag sa collection.Kaso, paglabas ko ay may nakita akong bulto ng isang lalaki. May hawak siyang blueprint at panaka-nakang nagbaba ng tingin sa lawak ng dock. Nakatayo siya sa teresa na katapat lang ng pinto ng tambayan ko.Tahimik akong naglakad papunta sa hagdan pero bigla akong tinawag ng magaling na si Lyndon. "Rishel."Wala akong magawa kundi huminto at humarap sa kaniya. I blinked. "Yes?""Come here." Ngumiti siya sa akin. "I have something for you."Nahigit ko ang sariling hininga nang makita ang ngiti niya. Kinutuban ako ng masama. Ano na naman kayang pakulo ng isang 'to? "Sorry, I need to ---"He cut me off. "Just a minute."Pursing my lips, I took a step towards him. Dahil open space, marahang umiihip ang hangin paroo't parito. Nakalugay pa ang buhok ko kaya para akong humarap sa sandamakmak na hair blowers dahil nililipad ng hangin ang hanggang baywang kong buhok.Grabe. Hindi naman gano'n kalakas ang hangin kanina, a?"What do you want?" tanong ko at huminto sa harap niya.Muli siyang tumingin sa labas ng teresa at tinuro ang dock na kitang-kita ko mula rito sa itaas. "That area is too narrow for a fishing port. That should be widen a little. I heard your father is planning to buy parts in Pier 2 for construction of seaport.""I guess..."Sumulyap siya sa akin. "Your course is naval architecture?"Tumaas ang kilay ko. "So?"Ilang minuto siyang tahimik habang nakatanaw sa dock. Hindi na rin ako nagsalita at hinintay ang sasabihin niya. Lumubog na ang araw sa kanluran at malamig ang simoy ng maalat-alat na hangin. Langhap ko pa ang amoy ng lumot at napabayaang pintura."Bago nangyari ang krimen sa Boljoon, may biktima ng pagpatay sa Argao. Isang University student. Galing sa concert ng Vine ang biktima at nakita ang labi nito ilang kilometro mula sa venue." Nagbaba siya ng tingin sa akin. "Nagkataon lang ba, Rishel?"Nag-iwas ako ng tingin. "Why are you asking me? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo.""Keep pretending, lady." He chuckled. Inabot niya ang ilang hibla ng buhok na tumakas sa mukha ko at inipit iyon sa likod ng tainga ko. "Sooner or later, I'll dig out all your secrets..."Huminga ako nang malalim at lakas-loob na sinalubong ang tingin niya. "I don't have any secrets, Mister. Baka ikaw ang may sikreto, and you're pushing the blame on me?"Meet Them Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Maya-maya pa ay kumibot ang sulok ng mga labi niya at tumawa. "We'll see, Rishel... we'll see," aniya bago naglakad paalis. Kinuyom ko ang mga kamao at tiningnan nang masama ang ibon na lumilipad sa ibabaw ng alon. Bumaling sa gawi ko ang ibon at binali ang sariling pakpak. Umiyak ang ibon at bumulusok sa ilalim ng alon. Alam kong dapat akong maawa sa ibon pero hindi ko ramdam ang awa. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya dahil nando'n ako. KASALUKUYAN kong binabasa ang akda ni CareLikeGoldFish. Mystery-thriller ang book at kahit na walang romance, hindi ko mapigilang basahin nang buo. Napakapamilyar kasi ng mga scenes, para bang nakita ko na dati. Gaya na lang ng scene kung saan binaril ng main character ang kaibigan niya. Pareho sa nakita ko doon sa Boljoon two months ago... Biglang namatay ang Wifi. Kumurap ako at madilim ang mukhang lumabas ng kuwarto. Didiretso sana ako sa kusina dahil alam kong si Mama ang may pakana, pero big
Along the roadAno pa bang aasahan ko kay Nicole? Siyempre, ayaw no'n ng istorbo. Hilaw na ngumiti si June sa akin samantalang bumusangot ang mukha ni Ariel. Alam kong hindi gano'n kaganda ang samahan nina Ariel at Nicole kaya naintindihan ko kung medyo hindi maganda ang timpla ng mukha niya nang sinambit ko ang pangalan na iyon. Iyon din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit pumayag siyang magpunta ako sa Club Fort, para inisin ang babaeng 'yon. Matapos makuha ang matamis na oo ni Mama, nagpaalam na sina Tiden at June. Hindi na ako nagulat nang makita ang pagmumukha ni Tiden kinabukasan. The problem is... hindi pa sumisikat ang araw at sobrang dilim pa ng paligid. "Ang aga mo naman," paos kong reklamo. Kakagising ko lang. Ginising ako ng isang katulong dahil naghihintay daw 'yong kaibigan ko sa sala. At dahil naistorbo ang pagtulog ko kaya inismiran ko ang lalaking nakangiti sa akin. Hindi man lang nabawasan ang ngiti sa mga labi niya. "Sungit mo pa rin kahit maaga," biro niya
ChallengeHindi ko pinansin ang kakaibang pakiramdam na iyon. Umibis ako ng sasakyan at tinanaw ang kabuuan ng resort.Club Fort Med is a resort located at Arbor, same baranggay with El Grande Lat. Not too simple and not too flashy, just enough for a quiet weekend. Kumurba ang gilid ng mga labi ko.Tiningala ko ang malaking wooden placard kung saan naka-engrave ang pangalan ng resort. It is my first time to be with the Vine. Nakakakaba pero nakaka-excite rin naman. Nakita kung nauna na si Tiden sa loob ng resort kaya sumunod ako. Dumiretso siya sa isang modernized restaurant na bahagyang elevated kaysa sa ibang parte ng resort. Pumasok siya sa loob at naupo sa upuan sa may tabi ng malaking glass wall kung saan kitang-kita ko ang kabuuan ng resort. 'Not bad,' I thought.Umupo ako sa upuan katapat ng kaniya at tumingin sa labas ng glass wall. Nakita ko ang tatlong pools ng Club Fort Med, which the resort's known for. Maliit na round table ang nakapagitan sa amin. May munting cactus n
Knowing him Hingal kong hinawi ang basang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko. Mariin kong tiningnan si Ariel na prenteng nakaupo sa gilid ng pool habang nakabanlaw ang binti sa tubig. "Madaya ka," nakalabi kong saad at lumangoy tungo sa hawakan ng hagdanan.Hindi niya ako hinintay at agad na lumusong sa pool kanina. Gusto ko sanang magreklamo sa kaniya pero nakita kong wala siyang balak na huminto sa paglangoy, kaya wala akong nagawa kung 'di lumusong na lang din. Pagkatapos ko ng dalawang turn, nakita ko siyang nakangiti habang nakaupo sa gilid ng pool. Tumawa siya at umusog nang kaunti palapit sa akin. Dumukwang siya para magpantay ang mukha namin. Nahigit ko ang hininga nang ngumisi siya. "It's fair enough," aniya."Nauna kang lumusong!" reklamo ko.Nagkibit-balikat siya at umayos ng upo sa tabi ng pool. "I don't understand why can't you accept your defeat, but rest assured your stay here will be worth it." Tumaas ang sulok ng labi niya.Bumuga ako ng hangin at umahon. Nakit
Alone with LeviPagkatapos kumain sa resto ay inaya ako ni Levi na mamasyal sa resort. I don't want to miss it so I immediately agreed, not thinking of Nicole nor Tiden's reaction. Bumalik kami saglit sa cottage at pinahiram niya ako ng isang white dress. Alam kong hindi para sa akin ang dress na iyon but I want to think otherwise. I didn't see Tiden nor June inside kaya pinalagay ko na lang na namamasyal ang dalawa. Ariel's missing and Nicole, well, I didn't care about her.Matangkad si Levi. Mga 6 feet o higit pa. Malapad ang balikat, at may laman ang muscles sa katawan. Tahimik siya. Kanina pa nga ako lunok nang lunok, pinipigilan ang sariling magsalita. Gusto kong mag-open ng topic pero inaalala kong baka hindi siya umimik at mapahiya lang ako. Patingala akong sumulyap sa kaniya. Hanggang dibdib lang yata ang height ko compare to his massive body.Tinutunton namin ang daan papunta sa isolated na parte ng resort. Nakita ko sa malayo ang ilang cottage na ilang metro ang layo sa isa
PracticeNote: The lyrics was originally written for this story.~Dapit-hapon. Mamayang gabi gaganapin ang napagkasunduan naming contest ni Nicole. Naipaalam na nina Ariel sa manangement ng resort ang pa-contest namin kaya halos lahat ng guest ay alam ang magaganap na gig mamayang gabi sa resort's bar. Nagpaalam na rin ako kay Mama na mag-o-overnight stay ako sa CFM. Noong una ay hindi pa siya payag, pero sinabi ko nang magbo-book ako ng private cottage para hindi na ako makihati sa Vine. Walang nagawa si Mama kundi pumayag lalo pa't nakiusap si Tiden. Hindi naman makapal ang mukha ni Mama para i-decline pa ang nakikiusap na kaibigan ko kuno. Nag-book ako ng private cottage pero mas gusto ko pa rin sa loob ng cottage nina Tiden, kaya palagi akong bumibisita sa loob, maliban na lang kung nasa loob ni Nicole. I spent the rest of the day swimming in the pools and touring around the place. Nakasunod naman si Tiden sa akin. Matapos niyang makitang magkasama kami ni Levi kaninang umaga a
His Affection"Vocalist ng Vine," bulong ng isang guest. "Ang ganda niya. Beauty and talent, what could a man ask for?""She's gorgeous!" Napuno ng bulungan ang venue pagpasok ni Nicole. Tumaas ang sulok ng mga labi niya at sumulyap sa gawi ko. I could see her complacent attitude. Kinuyom ko ang kamao. Nakakainis ang ngiti sa mga labi niya pero wala akong magawa kung hindi hayaan siyang magpakitang-gilas sa guests. I knew that she's beautiful. Given na iyon at tanggap ko naman, pero nakakarindi lang ang paulit-ulit na compliment sa ganda niya. Like hello, hindi lang siya ang maganda sa mundong ito.Alright. I'm jealous of her. Pero hindi lang naman ako, lahat naman yata ng fans ni Levi ay nagseselos kay Nicole. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at pinagsawa ang sariling tignan ang kabuuan ng bar. Nakabukas na ang disco lights at nakahanda na ang ilang bote ng beer sa counter na nasa gilid lang. Nakaupo ako sa round table, sa eksaktong harap ng platform, kung saan ako naunang naupo.
Inside the cottageBinuhat ako ni Tiden tungo sa cottage. Nandoon na ang Vine. Masama naman ang tingin ni Nicole sa akin. Hindi na ako nagulat. "Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?" tanong niya. "She lost our bet."Masamang tingin ang pinukol ni Tiden kay Nicole. "Kung hindi ka nandaya, si Rishel sana ang panalo."Umasim ang mukha ng babae. "She's still a loser!"Hindi nakinig si Tiden at binaba ako sa kama. Hindi pa ako nakakahulma nang pumasok sa cottage ang manager nila, si Maingey. Tumuwid ako ng upo at tumingin sa bagong dating. Masama ang timpla ng mukha niya. "Maingey," sambit ni Tiden. "Anong ginagawa mo rito? Akala ko uuwi ka sa El Pardo?"Nagsalubong ang dalawang kilay ng babaeng manager. Bumaling sa akin ang matalim niyang titig. "Ito ba ang babaeng nakipag-contest kay Nicole?" She smirked. "Natalo ka, Miss. Why are you still hanging out with the boys? Don't tell me you'll renege the bet?"I pursed my lips. Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Tiden. "Kaib