Share

Kabanata 40

"Hindi namin alam na may nabuntis siya noon dito! Hindi namin alam ang tungkol sa mga sinasabi mo!" giit pa nito.

Sakto namang pumasok sa loob ng restaurant si Lazarus at karga-karga ang anak ko. Mabilis kong pinalis ang luha ko. Nang humarap sa anak ay agad ako tumayo at lumapit sa kanila para makuha ito kay Lazarus.

Nang kargahin ko ito ay nakangiti pa ito ng napakalawak sa nanay ni Akihiro.

Kawawang bata.

Hindi niya alam na pinagdududahan siya.

Hindi niya alam na hindi siya tanggap ng mga ito.

Mahirap talagang makibagay sa mundo ng tatay niya.

Napakakapal nalang talaga ng mukha ko para isiping matatanggap kami ng pamilya nila. Si Father Theodore lang ang tanggap kami. Siya lang ang kamag-anak ni Aquilino na nagmamahal, may totoo at klaradong intensyon sa akin.

"Saan kayo pupunta, Ramona?" tanong ni Aquilino. Naglakad ako patungo sa may pinto. Humarap ako sa kanilang lahat na nakatayo na ngayon. Pinagmamasdan ang galaw ko at hinihintay ang sasabihin ko.

"Doon sa kaya kaming tanggapi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status