Share

57. Second date (Scholarship)

"Maraming salamat po lola." Binigkas ni Fianna sabay iniabot ang isang libo upang sa kanya na ang sukli. "Sa inyo na po ang sukli." Dugtong nito nang makitang kukuha sana ng pangsukli ang matanda.

Nang tignan si Fianna nang matanda, seryoso itong nakatingin pabalik na parang hindi niya na tatanggapin ang sukli kaya bumuntong-hininga nalang ang matanda saka nagpasalamat ng lubos.

Aalis na sana si Fianna at tatawagin si Marcellus nang makita nitong busy nag-t-type sa kanyang selpon. Ang hinahawakang pagkain ay nakalagay muna sa maliit na mesa ng tindera.

Magsasalita na sana si Fianna upang tawagin si Marcellus ngunit nauna ito. "Your granddaughter is going to school yes?" Seryoso nitong tinanong sa matanda na tinignan ng maikli bago bumalik na tumutok sa pag-t-type sa kanyang selpon.

Nagkatinginan ng may pagtataka sina Fianna at ang matanda ngunit sinagot niya parin ito.

"Oo iho, sa awa ng Diyos ay papasok na siya sa unang baitang nitong nararating na pasukan." Magiliw nitong sinumb
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status