Share

Chapter 3

Allysa Chloe Hernandez

Lunes ng umaga. Maaga akong nagising dahil ayokong malate papunta sa school.

Maayos na ang pakiramdam ko dahil boung araw ng linggo akong nagpahinga. Hindi nga ako naka attend ng fellowship namin sa church dahil kinailangan ko talaga ang magpahinga hindi rin ako pinayagan ni Daddy dahil baka kung mapaano pa daw ako doon.

After kong magshower at magpalit ng school uniform ay bumaba na ako. Bitbit ang aking shoulder bag ay dumiretso ako sa dining area at nadatnan kong kumakain si kuya Allen.

"Where's Mom and Dad kuya Allen?"

Tanong ko dito.

"Maagang umalis eh. May meeting daw sila ng maaga with the client. Maupo kana at kumain. Ako ang maghahatid sayo sa school."

Utos nito sa akin.

Naupo ako sa upuang katapat niya at nagsimula ng kumain. Kumuha ako ng sandwich, hotdog, bacon at nagpatimpla din ako kay ate Helen ng hot chocolate.

Nang mapansin ni kuya na iisang sandwich ang kinuha ko ay nagsalita ito.

"Kumain ka nga madami Allysa. Hindi uso ang pagdidiet ngayon ha."

Pagkatapos ay kinuha pa niya ang isa pang sandwich at nilagay yun sa plato ko.

"Ubusin mo yan ha."

Nakangiting utos nito na parang inaasar pa ako.

"Fine."

Ang tanging naging sagot.These days siguro ay napansin niyang hindi ako masyadong kumakain dahil sobrang busy sa pagrereview dahil sa exam week namin.

After kong kumain at gawin ang skin care routine ko ay lumabas na ako. Naghihintay na si kuya Allen habang nakasandal sa kanyang red Ferrari 458 car. So he's going to drive one of his favorite car. Ipagyayabang na naman niya ang birthday gift ni Daddy sa kanya.

Nang makita niya ako ay pumasok na ito sa loob ng sasakyan. Sumunod naman ako at naupo sa front seat. After kong magseat belt ay umalis na kami.

Pagkarating sa parking area ng school ay pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Lalo na ang mga estudyanteng babae. Kulang na lang ay lapitan nila kami. Maybe because of the car. Well he's driving one of the most expensive car.

Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan.

"What are you doing? Kaya ko naman bumabang mag-isa."

Naiinis kong tanong sa kanya.

"Wala gusto ko lang. Just want to see the reaction of your suitors kung meron man. I'm sure nakatingin sila ngayon."

Nang-aasar na sambit nito.

"Stop messing around kuya. Nakakainis ka. Umalis ka na nga. Baka malate ka pa."

Habang tinutulak tulak ko pa siya na sumakay na sa kanyang sasakyan.

Pagkatapos ay naglakad na 'ko papasok sa gate ng aming university. Buti na lang talaga at magkahiwalay kami ng pinapasukang university. Kundi araw-araw sasakit ang ulo ko sa pang-aasar na ginagawa niya. By the way he's taking Criminal Law sa isang All boys university sa kabilang bayan.

"I fetch you later baby."

Sigaw nito na lalong kinaasar ko. Hindi ko na siya nilingon pa at dali-dali akong naglakad palayo sa kanya dahil pinagtitinginan na ako ng ibang mga estudyante. Ewan ko ba sa lalaking yun. Lagot talaga siya sa akin pag-uwi. Baka kung ano isipin ng mga estudyante dito. Hindi pa naman nila alam na kapatid ko yun.

Nang malapit na 'ko sa Business Administration Building ay may tumawag sa akin. It was Bea ang bestfriend ko.

"Good morning Allysa."

Nakangiting bati nito.

"Good morning din. Kanina ka pa?"

Nakangiting sambit ko din sa kaniya.

"Ngayon lang din naman."

Sagot ko naman sa kanya.

Habang paakyat kami sa second floor ng aming building ng ikwento ko sa kanya ang nangyari noong community service.

Nabanggit ko din sa kanya ang tungkol kay Kent Liam and guess what kilig na kilig siya habang nagkukwento ako.

Sinearch niya ito atFinollow niya din sa i*.

"Why did you follow him?"

Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ano ka ba gusto ko lang maging updated din sa life niya. Feel ko kasi crush mo na 'to eh."

Nakangiting sambit nito.

"Nako hindi ah. Pinagsasasabi mo at isa pa I just met him last weekend tapos sasabihin mo crush ko na agad."

Pagdedeny ko sa kanya.

"Don't deny it. Kitang kita ko yung saya habang nagkwekwento ka no."

"Stop it Bea, you're just imagining things."

Suway ko sa kanya. Dahil mukhang hindi ako titigilan ng babaing ito.

Hanggang sa loob ng room ay hindi ako tinitigilan ni Bea ng kakatanong tungkol kay Kent Liam. Why she's really curious.

Maya maya pa ay dumating na ang aming intructor mabuti naman at ng tigilan na ako ng kakakulit nitong kaibigan ko.

Habang nagdidiscuss si sir Michael ay hindi ko malimutan yung sinabi ni Bea kanina. Maybe I have a little crush on him. Ang cute kasi niya and super bait pa. The way he speak is full of gentleness.

Nang matapos magdiscuss si sir Michael ay launch time na. Bumaba kami ng building at dumiretso sa cafeteria. Nag order lang ako ng rice, sisig at pineapple juice. Habang kumakain kami ni Bea ay nagtanong ito.

"Oy Allysa, paano ka nag thank you kay Kent Liam after what happened?"

"Why are you so curious? Kanina ka pa ha. Tigil-tigilan mo nga ako baka kung saan pa mapunta 'tong usapan na 'to."

Suway ko sa kanya. Napakakulit talaga ng babaing 'to.

"Wala naman. Gusto ko lang malaman kung paano mag thank you ang isang Allysa Chloe Hernandez."

Nakangiting sambit nito.

"Kumain ka na nga lang. I'll tell you later."

"Ayain mo kaya sa isang resto.

Pa thank you ganoon."

Dagdag pa niya habang tumatawa.

"Tumigil ka nga Bea Anne, baka kung ano pa isipin noon kapag inaya kong mag dinner no. Alam mo naman guys these days. Baka mamisinterpret pa nila 'ko no."

Pero deep inside I know na iba si Kent Liam. Sinasabi ko lang yun para tigilan na ako ng bestfriend ko ng kakaasar.

After naming kumain ay dumiretso kami sa ladies comfort room ng cafeteria. Bago kami pumasok ay may narinig kaming nag-uusap sa loob. Aalis na sana kami ni Bea ng marinig kong binanggit nila ang pangalan ko. Kaya ang ginawa namin ay nagstay kami sa labas ng comfort room para marinig kung ano ang pinag-uusapan nila.

"You know what Kylie ang galing galing talaga ng ginawa mong plan last week. Akalain mo yun nailagay natin ng maayos sa bag ni Allysa ang answer key ni Ma'am Joy ng walang kahirap hirap."

Sambit ng boses mula sa loob. So they are the ones who set me up. I'm a kind person pero kapag ganitong usapan ay hindi ko palalampasin. Napahiya ako kay dean at kay Mommy ganoon din sa iba kong kaklase ng dahil sa kanila. Nagcommunity service pa 'ko at nahimatay ng dahil sa accusations na hindi ko naman talaga ginawa.

Gusto ko ng buksan ang pintuan ng comfort room at sugudin sila loob ng pigilan ako ni Bea. Nanggigigil ako gusto ko ng hilahin ang buhok nila isa-isa. Bakit nila ginawa yun?

Ano bang kasalanan ko sa kanila?

Pinakalma ako ni Bea at ipinakita niya sa akin na nairecord niya sa kanyang cellphone ang usapan ng mga tao sa loob. I know hindi lang dalawa ang nasa loob. Siguro ay nasa tatlo sila.

"Oo nga eh buti nga sa kanya. She deserve that. Mang-aagaw kasi."

Boses yun ni Kyline.

Teka bakit nila ako sinasabihan ng mang-aagaw? Sa pagkakaalam ko wala akong inaagaw sa kanila at isa pa hindi ko gawain yun.

Maya maya pa ay hinila na ako ni Bea paalis sa tapat ng pintuan dahil mukhang palabas na sila. Nang makalabas sila sa cafeteria ay sumunod kami. Dumiretso sila sa garden ng Business Ad. Department at naupo sa mga bench na naroon.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at lumapit ako kay Kyline to confront her. Nakasunod naman sa akin si Bea.

"Why did you that Kyline?"

Panimula kong tanong sa kanya.

I don't want to sound rude kaya't pinipilit kong ikalma ang aking sarili.

Mukhang nagulat pa nga siya sa biglaang paglapit ko.

"I'm sorry Allysa pero ano bang pinagsasabi mo?"

Naguguluhang tanong niya.

She's a great pretender huh.

"Huwag ka ng magkaila pa. Narinig namin ang usapan niyo sa comfort room kanina. Bakit mo ginawa yun? Bakit mo nilagay yung nawawalang answer key ni Ma'am Joy sa bag ko? Why did you set me up?"

Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"That's out of the line, Allysa. What you said is just a false accusation."

Sambit ni Joylyn-isa din sa mga classmate namin at bestfriend ni Kyline.

"That's not a false accusation. That's the truth. Here the evidence."

At ipinakita ni Bea ang cellphone niya habang nagpiplay ang recorded audio ng naging usapan nila.

Nagulat sila ng marinig ito. Lumapit sa amin si Claire at naka crossed arm na humarap sa amin.

"Well you deserved that dahil mang-aagaw ka."

Mataray na sambit nito sa harap namin.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at sinugod ko si Claire. Agad kong hinila ang kanyang buhok. I really hate it when people accused me for the things na hindi ko naman ginawa.

Mayamaya pa ay nakisali na din si Kyline na pilit hinihila ang aking buhok na pinipigilan naman ni Bea. Samantalang humingi naman ng tulong sa ibang estudyante si Joylyn para awatin kami. Pero hindi ako tumitigil. How dare them to accused me na mang aagaw and because of that thing nagawa nilang iset up ako para mapahiya sa ibang estudyante at sa dean ng aming university.

Nang may dumating na seniors ay inawat kami. Magulo ang buhok namin pareho at puro kalmot ang aking braso dahil sa kagagawan ni Kyline.

Hawak ako sa braso ng isang senior na lalaki ng magsalita ako.

"Can you please let me go."

Galit kong sambit sa lalaking nakahawak sa braso ko.

Pagkatapos ay binitawan naman niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sobrang sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko.

Ang bigat bigat ng kamay niya.

Bago ako umalis ay lumapit ako kay Kyline at nagsalita.

"Next time na gumawa ka ng plano para siraan ako make sure na malinis ha, yung walang makukuhang evidence. And please pakitali ng aso mo para hindi na tumahol sa iba kung yun lang ang ikinagagalit mo."

Mataray kong sambit sa kanya. Nang mapatingin ako sa lalaking umawat sa akin kanina ay napapangiti ito habang nakatingin sa akin. What's wrong with him? Nakakainis.

Hinila ko na si Bea para umalis dahil masyado na kaming nakakaagaw ng pansin sa ibang estudyante.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status