Share

Kabanata 09

Nilingon ko ang buong pamilya namin na ngayon ay may mga ngiti na sa labi. Magsasalita na sana ako nang tumayo si Jalen hawak pa rin ang kanang kamay ko. Aligaga akong tumayo at sumunod sa kanya sa labas matapos makapagpaalam ni Jalen sa lahat. Ramdam ko ang mahigpit niyang paghawak sa kamay ko habang nagmamadali kaming lumabas. Habol naming pareho ang hininga nang tuluyan na kaming makalayo-layo sa bahay. Inis ko siyang pinanood habang siya ay nakatingala nang sumandal sa sementadong pader. 

“Anong magpapakasal? Jalen, may alam ka ba sa plano nila?”

“Kailangan kong sabihin ‘yon para tumigil na sila. I’m sorry”

“Alam mo naman—

“I know, Rui, I know. I don’t like the idea either, tsk. We’re getting married? Seriously?" 

Naaasar ko siyang hinampas sa braso. “Pwede naman nating sabihin ‘yong totoo na malayo sa iniisip nila ang relasyon nating dalawa”

“May utang ang mama ko sa mama mo” sagot niya na kinagulat ko. “I shouldn’t tell you this” nag-iwas siya ng tingin at bumuntong-hininga. “Your mom asked my mom for a favor. She wants us to get married. Syempre hindi makatanggi si mama. My mom tried to convinced me to court you. I-I tried...but it didn’t worked out. Masyado kang boyish”

Pinamilugan ako ng mata sa huling sinabi niya. “A-Anong sabi mo?”

“Hindi ako pumapatol sa tomboy, Rui” Inis ko ulit siyang pinaghahampas dahil sa sinabi niya. Natawa siya. “I mean, hindi tayo talo”

“Talagang hindi tayo talo!”

“I have a girlfriend now” 

Huminto ako. “Kakabreak mo lang kagabi ah”

“You know me” ngisi niya. May halong pagmamayabang.

Pinamewangan ko siya. Tignan mo nga naman. Kung gaano siya kabilis hiwalayan, ganoon din siya kabilis makahanap ng babae. 

“May boyfriend ka rin”

“Break na kami” giit ko. Nilingon niya ako na halatang nagulat. Hindi ko pa nga pala nasabi sa kanya ang tungkol doon. “Tsk, kung makatingin ka parang hindi ka makapaniwala ah? Ikaw na nga nagsabi ‘di ba na masyado akong lalaki kung kumilos?!”

“Kailan pa?”

“Matagal na. Ilang linggo na rin” sagot ko. Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Wag mo ’kong kaawaan, tsk. Maawa ka nga sa sarili mo. Kailan ka ba magsesettled down sa iisang babae , ha?!”

“Gusto kong suntukin ‘yong lalaking ‘yon ah. Nangako sa’kin ‘yong gagong Marky na ‘yon na hindi ka niya sasaktan.”

“Tsk, tapos na nga. Ayoko na ng gulo. Gusto niya sa may pera eh. Eh ‘di dun siya. ‘Wag mo nang patulan. Pareho lang kayong babaero!” asik ko. 

“So alam ni tita ‘to?”

Pabuntong-hininga akong tumango. “Kaya nga pinagduduldulan na naman niya ako sa’yo. Bakit ba kasi big deal nila ang pagpapakasal? Eh ano naman kung ayokong magpakasal? Required ba talagang magpakasal sa ganitong edad? Nasa twenties pa naman ako ah”

“Ayaw nilang tumanda kang dalaga”

“Tsk, eh ano naman? May problema ba sa pagiging matandang dalaga?” nag-iwas ako ng tingin. “Mas okay nga ‘yon kaysa magkajowa ng hindi nakokontento!”

“Pinapatamaan mo ba ‘ko?”

“Ay hindi, si Marky” pinanlisikan ko siya ng mata. “Ikaw din!”

Naputol kami dahil sa biglaang pagtunog ng kanyang cellphone. Nagkatinginan kami bago niya pinakita ang pangalang nakarehistro roon. Si mama. “Yes tita. Bumili lang kami ng ice cream for dessert. Hmm, pabalik na po kami” 

Sumandal ako sa sementadong pader. May kadiliman ang parteng ito at wala rin masyadong dumaraan na tao. 

“Nagsinungaling ka na naman” pagsasalita ko pagkatapos niyang ibaba ang cellphone.

Nakamot niya ang ulo. “I’ll buy ice cream”

“Bawiin mo iyong sinabi mo sa kanila mamaya. ‘Wag na nating palakihin pa ‘to baka sa huli tayong dalawa pa ang maipit. Simple problem can be solved with simple solution, Jalen. Don’t make things complicated” walang prenong pagsasalita ko habang naghahanap kami ng  magandang flavor ng ice cream dito sa loob ng Seven Eleven. Hindi man lang siya kumibo. “Gusto mong ako na lang ang magsabi?”

“Anong sasabihin mo?”

“Na imposible ‘yong gusto nila”

“Natatakot ako”

“Kanino? Sa magulang ko? Akong bahala”

“I’ll tell them the truth...but not now, Rui please?”

“Bakit?”

Hinarap niya ako. Yumuko siya sa mga paa bago pabuntong-hiningang humarap ulit sa akin. 

“Ayokong mapahiya si mama sa harapan ng mga magulang mo” humina ang kanyang boses. Nasapo ko ang noo. ”I promise, Rui. Sasabihin ko rin sa kanila ang totoo. Sa ngayon, siguro kailangan muna nating magpanggap?”

“Ayoko”

“Rui, please? We can still do what we want. Magpapanggap lang tayo kapag nasa harapan tayo ng mga magulang natin”

“Ang pangit ng idea mo, Jalen”

“Please?”

Nag-iwas ako ng tingin. 

“Please?”

Inis ko siyang nilingon. “Hanggang kailan?” tanong ko pero binigyan lang niya ako ng nagmamakaawang tingin. “Tsk, oo na! Basta ipangako mong hindi aabot ‘to sa kasalanan” tinalikuran ko siya. Narinig ko ang pasigaw niyang pasasalamat.

Walang tulog akong pumasok ng trabaho kinabukasan. Masyado ata akong nalunod kagabi sa pag-iisip. Muntikan pa akong ma late dito sa Gre-May pizza parlor dahil sa motor ko. Mabuti na lang at hindi pa ako nakakalayo ng bahay nang mapatayan na naman ako ng makina. Sinalubong ko ng magandang ngiti ang aking mga katrabaho. Nandito na sa loob sina Melodie at Cerra na nagsisimula nang maglinis. Dumiretso ako ng CR para makapagbihis ng white collar shirt na uniporme namin.

Nitong mga nakaraang araw ay dumadalang ang mga customer na kumakain at nagpapadeliver. Hindi naman talaga siguro araw-araw kumakain ang mga tao ng pizza. Habang kumakain kaming lahat ng lunch, napagkwentuhan namin ang naging raket doon sa club. Nagpasalamat ulit ako sa tulong na naibigay nila Amay at Greggy. Ikwinento ko sa lahat na kasalukuyan na akong naghahanap ng magandang condo unit na titirhan.

Pero muntikan na akong masamid sa kinakain nang biglang pumasok sa usapan si Yohann Min.

“Nakauwi naman ba ‘yon ng maayos?”

“Sino?” tanong ko. Kinuha ko ang baso at pasimpleng uminom.

“Iyong soulmate mo nga”

“Ha?”

“Ay bingi sayang, ngayon pa naman sana iyong sweldo”

“Boss naman” ngumuso ako. “Hindi ko alam okay? Malay ko ba sa Yohann Min na 'yon"

“Taray, alam ang full name oh” pang-aasar ni Amay. Nagsipagtawanan sila. 

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Mariin kong napikit ang mga mata nang makita sa kinakain ang pagmumukha ng lalaking iyon. Paulit-ulit akong umiling at nagmulat ulit ng mata. Bago ko pa maisubo sa bibig ang kutsara ay bigla ko na lang naalala ang paglapat ng labi naming dalawa ni Yohann Min. Aligaga akong napatayo pagkatapos kong mabitawan bigla ang hawak na kutsara. 

“Woi bakla ayos ka lang?”

Sabay kaming napalingon sa pinto nang bumukas ito. Ramdam ko ang panlalaki ng aking mga mata. Iba man ang suot niya pero napapamilyaran ko ang misteryosong awra niya. Siya iyong lalaking customer doon sa Avery cafe na pinagtatrabahuan ko. 

“Ay hala, good noon, sir! Anong maipaglilingkod namin sa’yo?”

Kaagad akong napaupo ulit. Itinungga ko ang bote ng softdrinks. Sinadya kong ituon sa ibang direksyon ang ulo, sa parteng hindi ko siya makikita. Hindi ko man lang siya narinig na sumagot kaya dahan-dahan ko siyang nilingon para lang din panlakihan ng mata dahil nakatingin ito sa akin. Kinabahan ako nang ngumiti siya. Mukhang naaalala rin ata niya ako. 

“We’re having our lunch break for the mean time but it’s okay, sir! You can order” si Amay ang humarap sa kanya.

“Napapadalas na ata ang mga Koryano dito sa bansa” biglang bulong ni Greggy kaya naagaw niya ang atensyon ko. Sinundan ko ng tingin si Greggy nang tumayo siya para tulungan si Amay. Nagsipagtayuan na rin kaming lahat pagkatapos kumain. 

Sinubukan kong balewalain ang presensya ng lalaki habang naghihintay siya sa kanyang order. Mag-isa siyang nakaupo ngayon sa pinakagilid na mesa at nasa labas nakatuon ang kanyang mga mata. Muntikan na namang mag-abot ang mga mata namin nang bigla siyang lumingon sa gawi ko. Aligaga akong tumalikod at lumabas. 

Maski rito sa labas ay nararamdaman ko ang mga mata niya. Binalewala ko na lang at inayos ang delivery box ng motor. Ilang saglit pa ay tinawag ako ni Cerra. “Andyan na ‘yong address, Rui” sabay abot niya sa akin ng tatlong box ng pizza na may nakadikit na sticky note sa ibabaw.

“Salamat” ngiti ko kay Cerra. Parang nakahinga ako ng maluwag. Sinubukan kong sulyapan ang direksyon ng lalaking customer pero wala na siya roon. Ningitian ko ulit si Cerra bago tuluyang kumilos. 

Nasa kalsada na ako nang maalalang hindi ko pa nabasa ang address ng recepient. Dahil sa pagmamadali kong makaalis kanina ay nawala sa isip ko. Ipinarada ko ang motor sa gilid ng kalsada para buksan ulit ang delivery box. Kasabay ng biglang paglakas ng hangin ay ang panlalaki ng aking mga mata. Ni hindi ko magawang kumilos sa kinatatayuan. Napako ang paningin ko sa pamilyar na address na nakasulat. Address ni Yohann Min. 

Hinayaan kong liparin ng malakas na hangin ang hawak dahil sa panlalamig. Ibig-sabihin ba nito magkikita ulit kami?!

Nasapo ko ang bibig at aligagang hinanap sa lupa ang nabitawang papel. Kailangan kong makasigurado. Baka nagmamalikmata na naman ako!

“Heto ba ‘yong hinahanap mo?”

Paa niya ang unang nakita ko. Dahan-dahan akong tumingala at nakita ang isang pamilyar na lalaki. Sa pagkakatanda ko, siya si Jaehyun Valmorida. Kung dati ay may bitbit siyang fried chicken sa isang kamay, kumakain naman ito ngayon ng tinuhog na fishball. Iniabot niya ang hawak na papel. 

“S-Salamat” panginginig ng boses ko. Tumango lang siya bago ako nilagpasan.

Nanlumo ako nang makumpirmang address nga ni Yohann Min ang nakasulat. Sana binasa ko kanina. Mas gugustuhin ko na lang atang makasama roon iyong lalaki sa pizza parlor kaysa puntahan ang Yohann Min na ito. Inis kong ibinaba ang salamin sa suot na helmet at umangkas sa motor.

Wala na sa ayos ang buo kong sistema habang tinatahak muli ang mahabang hallway papunta sa kanyang condo unit. May pagkakataong aatras ako pabalik pero may pumipigil sa akin. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Anong sasabihin ko sa kanya? Paano kung ugkatin niya iyong nangyari sa gabing iyon?

Tiningala ko ang unit number. Room 603. Hindi imposibleng nakauwi na iyon dito galing sa kulungan. Sa yaman niya, malamang nakapagpiyansa na iyon. Huminga ako ng malalim bago lakas loob na kumatok. Ramdam ko ang panginginig ng braso ko. 

Mariin kong pinikit ang mata nang tuluyang bumukas ang pinto. “Pizza delivery!” awtomatiko kong inabot ang nakataling tatlong box ng pizza sa kanya. Nakapikit pa rin ang aking mga mata. Napamulat ako nang boses ng isang babae ang nagsalita. Wala sa sarili akong napaatras. 

Wrong unit na naman ba ‘to?!

Napapahiyang tumingala ako sa numero ng condo para makasigurado. Hindi naman ako nagkamali. So, girlfriend ba niya ito? 

“O-Oh”

“G-Good afternoon, pizza delivery ho ma’am” Bumagal at humina ang pagkakasabi ko dahil sa kahihiyan. Napilitan akong ngumiti lalo na nang gantihan din niya iyon ng mas magandang ngiti. Napakaganda niya para maging girlfriend ng maniac na iyon. 

“Uh, yeah. Thank you” inilahad niya ang kanyang dalawang kamay. Maingat kong inabot ulit ang box ng pizza sa kanya. “Would you like to come inside? I forgot my wallet sa loob eh” 

Hindi ko alam kung bakit pumayag ako. Pumasok ako sa loob ng unit. Hindi na ito ang unang beses pero ipinagtaka ko ang malaking pagbabago nito. Mula sa kulay ng dingding at mga kagamitan, lahat ay bago sa paningin. Kung dati ay kulay blue ang mga couch, kulay magenta na ito ngayon. Wala na rin ang mga nakasabit na frame sa dingding. Iyong piano na lang ata ang nanatili. 

Hinanap ko sa paligid si Yohann Min. Baka kasi nagtatago lang ito pero wala. Bumalik ulit ang babae at nakangiting inabot sa akin ang bayad. 

“Thank you” nakangiting yumuko ako sa kanya. 

“Thank you din. Uh, by the way...the one who resided here, recommended me your pizza so I wanna give a try”

Natigilan ako. Napilitan akong ngumiti at nagpasalamat muli sa kanya. Sumulyap pa ako minsan sa paligid bago ulit siya hinarap. Lumipat kaya siya?

Sa panghuling beses ay nagpasalamat muli ako sa babae bago lumabas. Nanatili akong nakatayo sa labas hanggang sa tuluyan niyang isarado ang pinto. Awtomatiko akong nilamon ng nakakabinging katahimikan. Should I be happy now?

Bumukas ulit ang pinto. Pinagtaka ng babae ang pananatili ko rito sa labas. Itinago ko sa likod ang dalawang kamay at nakangiting nagsalita. “Pwedeng magtanong?”

“Y-Yeah sure. What is it?”

“Do you know...Y-Yohann Min? By chance, are you his...girlfriend?” Pinagsisihan ko ang pagtatanong dahil sa pagtawa niya. 

“Yohann Min? You mean, the one who used to live here? No, no I...” nakangiti siyang umiling na kinagulat ko. “I’m the new resident in this unit. I met him right after I moved here” 

Napapahiyang nahawakan ko ang batok at pekeng nakitawa. Bakit ko pa nga ba tinanong iyon?Halata naman siguro, Rui noh? Mariin kong nakagat ang labi matapos siyang talikuran.

Madilim na nang makabalik ako sa pizza parlor. Naabutan kong nakalinya ang mga katrabaho  ko sa labas ng opisina nila Greggy at Amay. Mukhang totoo ngang ngayon ang sweldo. Nilingon nila ako nang maramdaman nila ang aking presensya. 

Nakapikit ang mga matang sumandal ako sa malamig na pader. Dinadalaw na ako ng antok. Doon lang ako nagmulat nang isigaw ni Greggy ang buong pangalan ko. 

"Last call, Rui Laine Astudillo!"

“Kailangan ba talagang i-full name?” nakanguso akong pumasok ng opisina. Kinusot ko ang mga mata bago naupo sa harapan ng dalawa. 

Sabay nilang ipinatong ang mga braso sa mesa. Inosente ko silang pinanood. Sa mga ganitong sitwasyon ko lang talaga nararamdaman na amo ko sila. “May nahanap kaming condominium unit ni Greggy. Ewan kung magugustuhan mo bakla pero baka gusto mong i-consider? Balita ko medyo mababa ‘yong hulugan every month. Plus, rent to own pa ‘yon!”

“Hindi rin masyadong malayo rito sa pizza parlor. Within Mandaluyong City pa rin, Rowelda”

“Woodlands Frontier Condominium ang name. Oh ‘di ba ang sosyal! Imposible naman sigurong tatanggihan ka pa ng magulang mo kung makikita nilang nasa maayos ka”

Napangiti ako. “Salamat”

“Oh ba’t ganyan na naman ang fes mo bakla? May lamay ka bang dinaluhan kagabi? O iniyakan mo na naman ang Marky?”

Ngumuso ako. “Hindi ako natulog kagabi. Pero salamat ah. Ichi-check ko ‘to pagkauwi. Oh, nasa’n sweldo ko?” Nakangiwi nilang inabot sa akin ang kulay brown na sobre. Natawa ako. “Thank you mga boss!”

“Gusto mo bang tulungan ka namin sa pangungulit sa mama mo?”

“'Wag na, kaya ko naman. Magpapaliwanag lang naman ako”

“Tawagan mo kami kapag nagkagipitan sa inyo”

“Hmm”

“Tsk, next! Cerra Acosa!”

Pabiro ko silang siniringan bago lumabas ng opisina. Nagkasalubong kami ni Cerra sa bukana ng pintuan at nagkangitian. Maingat kong ibinulsa ang sobre at tumulong kay kuya Roger sa pagsasarado. 

Nakakapanibagong mag-commute. Matagal ko na rin kasing hindi nagagawa iyon. Sa mga ganitong oras pahirapan ang paghahanap ng bakanteng masasakyan. Sa huli, sumuko ako sa pag-aantay ng jeep at nag-taxi na lang. Inaantok akong sumandal sa may bintana para panoorin ang bawat madaanan namin. 

Kailangan kong makahanap ng magandang dahilan para payagan nila ako. Kahit pa ayaw nila ay desidido na ako. Kailangan kong gawin ito para sa sarili. Ayokong habang-buhay ay nakadepende ako sa kanila. Noong una ay naiintindihan ko dahil nag-iisa akong anak, pero habang tumatagal ay nakakasakal na rin pala. Kahit anong pangungumbinsi ko sa sarili, iniisip ko pa rin na baka isa sila sa dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Marky. Matagal nang tutol si mama sa relasyon namin.

Pilit kong nilabanan ang antok habang nakatunganga sa mga matatayog na building dito sa syudad. Mas lalo silang gumaganda tuwing gabi. Hindi ko ito nakikita kapag nagmomotor. Madalas ay nakatingin lang ako ng diretso sa kalsada. 

Ang sarap siguro tumira sa pinakataas at manood ng view dito sa baba. Napangiti ako sa naisip pero kaagad din akong natigilan nang mahagip ko ang pangalan ng condominium building na tinutukoy nila Amay at Greggy kanina. Napanganga ako sa sobrang ganda nito.

Woodlands Frontier Condominium 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status