Share

Chapter 6

"Good morning! Nagluto ako ng almusal." Bagama’t ninenerbiyos si Russia ay buong sigla siya na bumati sa lalaking pumasok sa may kusina. Mukhang alam na rin naman nito na narito na siya kasi hindi na nagulat ang lalaki sa presensya niya at parang inaasahan na rin talaga ang pagtatagpo nila. "Kain tayo."

"Bakit ikaw ang gumawa niyan? May mga katulong naman na maaari mo na utusan kung may gusto ka na kainin." Lumakad ang lalaki sa may ref at kumuha ng isang lata ng alak at saka binuksan iyon at tinungga agad. "Hindi mo kailangan na magtrabaho rito dahil puwede kang magbuhay prinsesa na lang."

Hindi niya alam kung nananadya ba ang lalaki sa mga tinuran nito pero pakiramdam niya talaga ay iba ang ibig sabihin nito sa pagsasabi na magbuhay prinsesa na lamang siya, gano’n pa man ay pinilit na lamang niya na huwag patulan ang mga salita na iyon. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status