Share

KABANATA 65

Iginalaw niya ang mukha nang parang may kiliti siyang nararamdaman sa isang pisngi niya. Napadilat siya nang parang may gumagapang sa mukha niya. Mabilis na dinakma niya iyon at nagulat pa siya nang isang daliri ang nahawakan niya. Bumungad sa kanya ang nakangiting may-ari ng daliring iyon, walang iba kundi si Kyle na nakaupo na sa tabi niya.

Umayos siya ng upo saka inayos na rin ang salamin sa mata. Sila na lang pala ang nasa loob ng van. Nasa loob na pala sila ng gate ng bahay ng mga ito. 

" Isinara ko na ang bibig mo kanina dahil muntik nang may pumasok."

Nakanganga pala siya habang natutulog. 

" Ano'ng muntik nang pumasok?" nagawa pa niyang itanong sa lalaki. Wala sa loob na kinagat niya ang pang-ibabang labi habang naiisip ang mukha niya na nakanganga.

" Iyong dila ko," tumawa pa ito na parang nanlalandi at kinindatan siya.

Bago pa siya makasagot ay tumayo na ito at kinuha ang lahat ng mga gamit niya. 

Teka! Bakit

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status