Pakanta-kanta pa si Barry habang sakay ng kanyang kotse na Ferrari Roma. Latest model ito at bilang lang ang mayroong kotse na ganito. This time, hindi s'ya nagmotor dahil papunta s'ya sa bahay ng Daddy n'ya. Nang biglang may malakas na kung ano ang tumama sa salamin ng kotse n'ya. Nabasag ito at pumasok sa loob. May tumamang bubog sa mukha ni Barry at na-out of balance ang kotse kaya naman tumama s'ya sa pader. Sigurado s'ya na malaki ang tama ng bumper ng kotse n'ya at basag pa ang salamin n'ya.
Galit na galit na lumabas ng kotse si Barry at nakita n'ya ang babaeng nakatalikod. Dahan-dahan itong naglalakad palayo na para bang gustong takasan ang ginawa n'yang kasalanan.
"Hoy Miss!" sigaw ni Barry sabay punas sa pisngi na nagdudugo dahil sa bubog na tumama sa kanya.
"Hoy Miss, bingi ka ba?"
Dahan-dahang lumingon si Yumi, sobrang kinakabahan s'ya at
Game of Love Paglabas ni Yumi ng cr, nanlaki ang mga mata n'ya nang makita kung sino ang naghihintay sa kanya. "Manang!" "B-barry?" biglang nasambit ni Yumi pagkita sa lalaking kaharap. "Wow, Barry talaga. Close ba tayo?" "Eh di Ryuu." "Do you think na makakatakas ka sa kasalanang ginawa mo?" "T-teka, ano bang gusto mong mangyari? Sinabi ko naman sa 'yo wala akong perang pambayad sa damage ng kotse mo."" 80,000 ang nagastos ko para ipagawa ang kotse ko dahil sa katangahang ginawa mo. Kaya mo bang bayaran?" "W-wala nga akong pera! Saka 80,000 saan naman ako kukuha ng gano'ng kalaking halaga." Saan naman si Yumi kukuha ng ganoong kalaking pera? Pamasahe nga lang pabalik sa province nila 7 thousand na kaya nga hindi s'ya makauwi dahil wala s'yang pamasahe tapos dumagdag pa itong 80,000.
Game of Love Nakaupo si Yumi sa isang bakanteng upuan habang inaayos ang mga reviewers na ginawa n'ya para do'n sa tatlo. Kinausap n'ya kasi ang mga professors nila para hingin 'yong mga mabababang subjects nila nang sa gano'n makahabol sila Mint, Kim at Nychaa sa final exams. Hindi lang naman 'yong tatlo ang dapat n'yang problemahin pati na rin ang exam n'ya. Kailangan n'ya rin makapag-review buti sana kung pare-pareho sila ng course madali lang sana kaso hindi eh kaya nga pigang-piga na ang utak n'ya. "Yumi!" kumakaway na sigaw ni Mint papunta sa kanya kasunod 'yong dalawa. "What are you doing?" tanong ni Kim nang makaupo na sila. "Gumagawa ng reviewer para sa inyo, nakuha ko na sa mga professors n'yo 'yong mga mabababang subjects n'yo." 'Yong tatlo naman sabay-sabay na napakamot sa ulo. "Ano ba kayo! Madali lang naman.
Game of Love Dinala ni Barry si Yumi sa isang restaurant. Nagtataka man si Yumi pero sinundan n'ya na lang si Barry baka kasi kung ano na naman ang gawin nito sa kanya. Ang iniisip n'ya mula pa kanina baka totoong ibebenta s'ya ni Barry at nandito ang buyer na pagbebentahan sa kanya. "This way sir," sabi ng isang waiter at dinala sila sa isang private room. "Ito na ba 'yon? Ibebenta n'ya talaga ako," kausap ni Yumi sa sarili. Habang papasok sila sa private room. May mga tinuro si Barry sa menu pagkatapos umalis na 'yong waiter. "Manang, sign it," sabi ni Barry pagkatapos may ibinato sa kanyang white folder. "Ano ba 'to?" "Read it, engot!" Nag-pout lang si Yumi kay Barry at sinimangutan s'ya. "80,000 in 60 days to pay what you've done. Hindi na masama, pwede na siguro." Dahil
Game of Love Kinabukasan, ginawa na ni Yumi ang mga dapat gawin. Binigay n'ya kila Kim ang lessons na dapat nilang i-review at s'ya namang pinasadahan din ang exam n'ya pagkatapos dumiretso na s'ya sa condo ni Barry. Nakailang door bell na s'ya pero wala pa ring nagbubukas kaya nag-door bell ulit s'ya. Kita ni Barry si Yumi mula sa labas ng pinto. Nakatingin kasi s'ya sa monitor, muli n'yang pinasadahan ang mukha ni Yumi pagkatapos ay pinindot n'ya ang intercom para marinig s'ya nito mula sa labas. "Password." Napakunot noo si Yumi dahil sa narinig. Naka-pout s'ya na lumapit sa monitor . "I'm not in the mood," sabi ni Yumi na nakasimangot iniisip n'ya kasi na may pa-password password pang nalalaman si Barry, hindi na lang s'ya papasukin nito. "You can't come in if you don't say it!" "Pwede ba Monster, I mean Master.
Game of Love Kinabukasan, pagpasok ni Yumi sa University naghanap kaagad s'ya ng bakanteng pwesto. Balak n'ya kumain ng mabilis para makapag-review pa s'ya at makagawa ng lesson no'ng tatlo. Pag-uwi kasi sa bahay, nakatulog s'ya kaagad dahil sa pagod ni hindi na nga s'ya nakakain kaya naman gutom na gutom s'ya ngayon. Balak n'ya munang mag-almusal kaya pumunta s'ya ng cafeteria para kumain. "Siguro pwede ako 'don," Yumi's thought nang makita ang isang bakanteng pwesto. Papalapit na s'ya sa vacant seat pero may biglang humarang sa kanya, isang grupo ng mga kalalakihan. Ang kasama nitong tatlo medyo pamilyar sa kanya pero 'yong lalaking nasa unahan, ngayon n'ya lang nakita. "Ito ba? Ito ba ang bagong laruan ni Barry?" turo sa kanya nito sabay inikutan s'ya. "I can imagine na magugustuhan 'to ni Barry? She's so plain, walang dating at old fashioned. Sigurado ba kayo? " tanong
Game of Love Dahil sa nangyari hindi na muna pinapunta ni Barry si Yumi sa condo n'ya. Gusto n'ya kasing makapagpahinga muna ito kaya ang mga kasama n'ya ngayon ay ang tatlong asungot. Sila Mario, Mark at Masu. "Ito na nga ba ang sinasabi ko sa 'yo Barry eh, binalaan na kita. Tingnan mo ngayon, alam natin na hindi na titigilan ni Chad si Yumi." sabi ni Mario habang nilalagyan ng gamot ang gasgas sa braso n'ya. "Ano nang gagawin natin ngayon?" sabi ni Mark. "Magsabi ka nga ng totoo Barry? Ano ba talagang tingin mo kay Yumi? Kilala ka namin, hindi ka nagkaka-interes sa kahit kaninong babae bukod kay Ana. Ano ba para sa 'yo si Yumi? You like her, right?" sabi ni Masu sabay lumapit kay Barry kasunod 'yong dalawa. "Nagkakagusto ka na ba kay Yumi?" tanong ni Mark. "Magsabi ka nang totoo," dugtong pa ni Mario. Tumayo si
Game of Love "Hoy, slave!" sigaw ni Barry na nasa labas ng bahay nila Kim. Ang buong akala ni Yumi mabait na ito. Para kasi itong anghel no'ng nakaraang gabi tapos bumalik na naman ang pagiging Monster nito ngayon. "Yumi kay Barry ka ba sasabay?" tanong ni Kim. "Gano'n na nga, wala naman akong magagawa eh." Paglabas nila, nagulat sila kasi kompleto 'yong tropa, sila Mario, Masu at Mark. May tig-iisang motor. "Sabay na kayo sa 'min," sabi ng nakangiting si Mark. "Kim, sige na please. Sumabay na kayo. Baka kasi pagka-isahan na naman ako sa school kapag nakita akong kasama nila," pagmamakaawa ni Yumi. "Ano pa nga bang magagawa ko?" anas ni Kim na nanguna nang umangkas sa motor ni Mark. "Subukan mo akong tyansingan, lagot ka talaga sa 'kin!" mariing bulong ni Kim kay Mark. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Mahal na mahal kaya kita." Namula
Game of Love Iniwanan ni Yumi 'yong tatlo sa salas ng bahay nila habang nagre-review. S'ya naman ay pumasok na sa kwarto para mag-review rin. Hinayaan n'ya na kasi 'yong tatlo para makapag-concentrate sila. Sunday ngayon, day off n'ya sa pagiging slave n'ya kay Barry at pinayagan din s'yang hindi na muna kumanta ni Mario sa bar para makapag-focus s'ya. Malapit na kasi ang final exam. One message received. Kinuha ni Yumi ang phone na bigay ni Barry sa kanya at binasa ito, message mula kay Barry pero ang nakasave sa phonebook n'ya ay "My Monster!" "Hoy Manang slave, nasaan ka?" binasa n'ya lang ito at inilapag ulit. Another message from My Monster. "Hoy, mag-reply ka!" kinuha n'ya ang phone at nag-reply. "Day off ko ngayon, manigas ka! Nagre-review ako, huwag kang istorbo." Message sent.