Game of Love
Pagpasok ni Kim sa Mall ay napahinto s'ya nang makita ang dalawang bata na nagtatanong sa guard. Tinitigan n'ya itong maigi at pilit inaalala kung saan ba n'ya nakita ang dalawa.
" Teka? Saan ko nga ba sila nakita? " kausap ni Kim sa sarili n'ya. Na-curious s'ya at nilapitan ang dalawang bata.
" Sabi ko na nga ba, sila 'yon, " dugtong pa na sabi ni Kim sa sarili n'ya nang tuluyang makalapit sa dalawa.
" Hi kids, who are you looking for? " nakangiting tanong ni Kim sa kanila. Hindi s'ya pwedeng magkamali. Sila 'yong dalawang bata na nakita n'ya kasama ni Barry sa private place n'ya.
" Hi po Miss Ganda. We're looking for the handsome guy with two dimples, 'yong tumulong po sa 'min no'ng isang araw. "
Kim smiling because of what she heard. Tama nga s'ya sila 'yong dalawang bata na kasama ni Barry no'ng isang araw.
Game of LoveNagpunta ulit sila sa private place ni Barry, 'yong half court na pinuntahan nila no'ng unang ma-meet n'ya ang kambal. Saglit na nagpuntang cr si Barry para magpalit ng over all jersey. Paglabas n'ya napatingin sa kanya si Junior." Tito wala po pala akong dalang jersey, nakalimutan ko po magdala. "Nagpunta si Barry sa isang sulok, may drawer kasi rito. At kinuha ang isang pares ng jersey." Pinagawa ko 'to, umaasa kasi ako na babalik kayo no'ng last kasi na naglaro tayo wala ka ring jersey, hindi ba? "Ibinigay ni Barry kay Junior ang over all pink jersey na personalized. May malaki itong Bear sa unahan na kulay brown, Junior naman ang nakasulat sa likod. Naalala n'ya kasi na sinabi ni Naya na Baby Bear ang tawag ng Mommy nila sa kanya at dahil pink naman ang kulay, tingin n'ya kasi favorite color 'to ni Naya. Halos lahat kasi ng suot n'ya no'n ay kul
Game of LoveMagkakasunod na bumaba sa hagdan sila Yumi, Mario, Nanay Celine at ang kambal. Si Kevin kasi nauna nang magpunta ng Mall tapos si Arah naman naghahanda ng pagkain sa kusina para sa almusal nila." Anak, mag-almusal kaya muna kayo, sabay-sabay na tayo. "" Nay, kailangan na po kasi naming umalis eh. Kanina pa po naghihintay si Kevin sa 'kin. "" Akala ko ba tapos na ang kontrata mo sa kanila? Eh bakit nagtatrabaho ka pa rin sa kanila hanggang ngayon, Anak? "" Opo Nay, tapos na po ang kontrata ko pero may mangilan-ngilan pa po kasi kaming tinatapos, may nadagdag po kasi eh, nakiusap sila na mag-extend ako kahit ilang weeks lang. Pumayag na po ako kasi mga kaibigan ko naman sila."" Oh s'ya sige, basta huwag kang masyadong magpapakapagod huh. "" Opo, Nay. "Paalis na sana sina Mario at Yumi nang pigilan sila ni Arah
Game of Love" Letche! Letche! Letche! " sigaw ni Carla sa loob ng condo unit n'ya sabay bato ng mga files na hawak, si Madel naman ay hindi magkandaugaga sa pagdampot ng mga ito." Paanong nangyari na wala man lang nakuha na kahit isang impormasyon ang mga tangang private investigator na 'yon tungkol kay Yumi! " patuloy na sigaw ni Carla, si Madel naman ay kamot ulo lang ang nagawa." Mayro'n naman silang nakuhang impormasyon kahit na paano huh, nakalagay rito na isa s'yang sikat na modelo tapos ang latest info n'ya eh top one sexiest woman in the world at ang Young, Wild and Free magazine mismo ang company na pagtatrabahuhan n'ya. May mga photoshoot lang s'yang tinatapos sa Kugimiya Mall, " sabi ni Madel pero binato lang s'ya ni Carla," Aray! Ano ka ba, masakit huh! "" Idol mo ba s'ya! Edi dapat, ikaw na lang ang nag-imbestiga! Masyado kang nagmamaga
Game of LoveKugimiya Mall...Simula pa kanina hindi pa nakikita ni Yumi si Barry. Nahihilo na nga s'ya kakaikot dahil hinahanap-hanap ng paningin n'ya si Barry especially ng puso n'ya. Nag-break kasi sila ng 30 minutes kaya naman nag ikot-ikot muna s'ya, nagbabakasakaling makikita n'ya si Barry.Nang bigla namang tumawag si Mario. Naghanap s'ya ng pwedeng mapuntahan na tahimik at walang tao na lugar para sagutin ang cellphone n'ya. Luminga sa paligid at nakakita s'ya ng under construction na place, sa tingin n'ya ay nire-renovate ito, walang tao rito siguro ay nag-break time rin sila.Sumandal sa isang glass wall si Yumi saka n'ya sinagot ang tawag ni Mario." Hello Mario, kamusta ang imbestigasyon? Nalaman na ba nila kung sino ang nagpadala ng packages? "" Nag-iimbestiga pa rin sila hanggang ngayon pero ang sabi ni Danika sa 'kin hindi raw kahit saang
Game of Love Kahit paano ay kumalma na si Yumi, napainom na rin s'ya ni Mario ng gamot. Sinamahan muna ni Nanay Celine si Yumi sa kwarto para makapagpahinga at ang kambal naman pinapatulog na ni Arah. Ang tanging naiwan lang sa salas ay sila Mario, Kim, Mark at Kevin, kanina pa nangungulit si Kim at nagtatanong kung ano ba talaga ang nangyayari? At kung bakit nagkaganon si Yumi. " Please, Mario, I want to know the truth! Ano ba talagang nangyayari? " Nagbuntonghininga muna si Mario at tumingin kay Kevin. Agad namang nabasa ni Kevin kung ano ang nasa isip n'ya. " Sabihin mo na ang buong katotohanan Mario. May karapatan silang malaman ang buong katotohanan at saka para maliwanagan na rin ang lahat at mabawasan naman kahit paano ang bigat na nararamdaman ni Yumi, " sabi ni Kevin. " Sabihin mo na Mario nang hindi naman kami nanghuhula para alamin kung ano ba talaga ang nangyayari, " sab
Game of Love" Anak! " sigaw na salubong ng Nanay Celine n'ya kay Yumi pagkatapos ay niyakap s'ya nito nang mahigpit at pinaghahalikan sa pisngi." Nay, sobrang namiss po kita," sabi n'ya na mangiyak-ngiyak na dahil sa sobrang pagkamiss sa Nanay n'ya. Ginantihan n'ya 'to ng yakap. At saka naman, dumating ang tatay n'ya. Tuwang-tuwang ipinagmalaki s'ya sa lugar nila." Nandito na pala ang Anak ko! Nandito na ang anak ko na magiging lawyer balang araw! " sigaw nito sa mga kapitbahay nila. Hindi pa kasi s'ya tuluyang nakakapasok sa loob. Gusto man n'yang ngumiti pero hindi n'ya magawa, sobrang laki ng tiwala sa kanya ng Tatay n'ya. Paano na lang kapag nalaman nito na buntis s'ya? Anong mangyayari? Guguho ang lahat ng pangarap nito para sa kanya." Sobrang ipinagmamalaki kita Anak, matutupad na ang pangarap namin para sa 'yo ng Nanay mo. Sigurado naman akong papasa ka sa exam eh,
Game of LoveNasa terminal na si Yumi.pero nakatulala pa rin s'ya. Mugtong-mugto ang mga mata, hinihintay n'ya kasi si Mario. Wala na s'yang ibang maisip na pwedeng tawagan kung hindi ito lang. Alam kasi n'ya na sa mga oras na 'to, si Mario lang ang makakaintindi sa kanya." Yumi! " tawag ni Mario sa kanya at naupo sa tabi n'ya. Inakbayan s'ya nito pagkatapos ay ginulo ang buhok n'ya." Ano? Nasabi mo na ba sa parents mo na buntis ka? Bakit parang napaaga ka yata ng dating? Dapat bukas pa ang balik mo rito huh? " sabi ni Mario. Saka n'ya lamang napansin na mugto ang mga mata ni Yumi." M-may nangyari ba? " concerned na tanong n'ya dito.Nagulat si Mario dahil bigla na lang kasi s'yang niyakap ni Yumi at nagsimulang umiyak ito. Napabuga ng hangin si Mario at gumanti na lang ng yakap pagkatapos hinagod n'ya ang likod ni Yumi para kumalma ito.Dinala ni Mario si Y
Game of LovePagdating nila Mario at Yumi sa Happy House Apartment ay gulat na gulat sila Kim nang dumating sila ng sabay." Oh Yumi, ang akala ko ba bukas ka pa darating? " tanong ni Mint at tumingin ito kay Mario. Nagtataka kasi s'ya kung bakit magkasama sila ni Yumi. Naramdaman naman ni Mario ang ibig n'yang iparating." Ah... Ano... Ano kasi napadaan ako do'n malapit sa terminal tapos nakita ko si Yumi. Ang sabi n'ya gusto n'ya raw tayo i-surprise kaso wala eh nakita ko na s'ya so hindi na surprise hehe. "Lumapit si Kim kay Yumi at niyakap s'ya." Ikaw, pa surprise-surprise ka pang nalalaman d'yan. Halika nga tito. " Hila sa kanya ni Kim at niyakap s'ya nang mahigpit, gumaya na rin sina Mint at Nychaa.Nag-alala naman si Mario dahil dito, kung makayakap ba naman kasi sila parang pipigain na si Yumi, concerned s'ya kasi baka 'yong baby mai