Share

Chapter Nine

KINABUKASAN, habang tinatahi ni Vodka ang wedding gown ng bride ay nakatanggap siya ng text mula sa isang unregistered number. Siya ang magtatahi ng gown ng bride habang ang kanyang mga tailor ang gagawa ng ibang gowns at suits ng mga kasali sa entourage. 

Sandali niyang itinigil ang ginagawa at binuksan ang mensahe. It was from Eugene. He was asking her if the furniture and mannequins were already delivered. Kaninang umaga pa iyon dumating sa Francheska, balik operasyon na agad sila nang maayos ang shop. 

She composed a reply, telling him that they already received them and thanking him. She was hesitant to hit the send button but she still did. 

Pagkatapos ay ibinaba niya ang aparato at muling bumalik sa ginagawa. She doesn't know where he got her number, but that the least of her concern right now. 

The day passed rapidly and it was pretty usual for Vodka. Not until she reached home and found the two familiar policemen in the lobby and were waiting for her arrival. They've asked her the same question as yesterday and she said the same answer. 

She blew out a sigh of exhaustion when she was finally inside her unit. It had been four days but it seems like the authorities still hadn't found the suspect of the murder of Castillo.

She wasn't telling everything she knew to the authorities, and she felt like she was paying for it as the day passed by. She kept having that dream that ended up when the man holding a gun approached her. That dream was twisted, some parts weren't real. Her mind just made it up, or mixed it up?

Bahagi ng kabataan niya ang ala-ala ng lalaking may hawak na baril at pinapaputukan ang isang lalaking nasa sahig. Nahalo ang ala-alang iyon sa ala-ala niya nang nangyari sa loob ng Tipsy Talk.

LUMIPAS ang limang araw at sa mga araw na iyon ay lagi nang nadadatnan ni Vodka ang dalawang pulis sa may lobby ng condominium building kung saan siya nakatira. Hindi lang iyon, ramdam din niyang may mga taong nakasunod sa kanya saan man siya magpunta nitong mga nakaraang araw. 

Nasa isang café siya ng araw na iyon at kakatapos lang makipag-usap sa isang kliyente. Nakaalis na ito at mag-isa nalang siyang umuokopa sa pang-dalawahang lamesa at sumisimsim ng cappuccino. Papadilim na at nagbabanta ng unos ang kalangitan.

She was looking outside the glass window of the café and sighed. Her life for the past days was monotonous. She missed going out at night and spending her whole night at her favorite place. She missed Tipsy Talk. 

Nitong mga nakaraang araw ay iniiwasan niyang maalala ang nightclub. Hindi pa rin siya nakakamove-on sa nangyari kay Patrick Castillo. She kept on hearing his voice every night, begging her.

Vodka was guilty for not helping him that night and for telling the whole truth to uncover the true reason behind his death. The only consolation she got was that she doesn't really know the whole story of what happened on that early dawn and she was really scared that was why she ran away. Since that day, she still couldn't reach her friend, doesn't know where Isabella was. Maging ang mga pulis ay itinanong narin ito sa kanya.

Natigil ang pag-iisip ni Vodka nang tumunog ang kanyang cellphone. Nagrigodon ang kanyang dibdib nang makita kung kanino iyon galing. Simula nang gabing ihatid siya nito pauwi mula sa fashion show ni Joey ay hindi na niya nakita si Eugene. 

Agad niyang binasa ang mensahe nito at nakahinga ng maluwag nang sabihin nito na maayos na ang kanyang sasakyan at puwede ng kuhanin.

Lumabas siya mula sa loob ng café, sumakay ng taxi at nagpahatid sa address na ibinigay ni Eugene. Tumigil siya sa isang gusali na may iba't ibang mamahaling sasakyan ang ginagawa. 

Kinausap niya ang namamahala roon upang makuha na si Martini. Nasabihan na pala ang mga ito ni Eugene bago siya magpunta roon. Wala na rin siyang binayaran at agad na nakaalis.

Her car was as good as new. She drove to her home with Martini. Nagpapasalamat siyang hindi na niya kailangang dumaan sa may lobby. Nasa basement ang parking lot ng building at mula roon ay magpapahatid siya sa elevator patungo sa kanyang unit. 

Napatalungko si Vodka nang mahulog ang susi ng sasakyan nang hugutin niya iyon. Dinampot niya iyon sa sahig nang mahagip ng kanyang mga mata ang dalawang bagay na nasa ilalim ng driver's seat. Kunot noong kinuha niya ang mga iyon at umayos ng upo. 

Nanginig ang kanyang kamay nang makita ang hawak. "No!" She shook her head, she didn't want to believe what she's seeing. 

Hawak niya ang isang kuwintas na may mga bahad ng dugo. Pamilyar na pamilyar iyon sa kanya, ang pendant niyon ay kalahating hugis ng puso. May kapares ang kuwintas at suot niya iyon. 

Vodka was even confused when aside from the necklace, she also found a phone with a broken screen under her seat. It was not hers and she doesn't kow who owned it!

HINDI niya matukoy kung ilang minuto na siyang nakaupo sa ibabaw ng kanyang kama at nakatingin sa aparatong nakapatong doon. Isang misteryo pa rin sa kanya ang pinaggalingan niyon.

Pagkalipas ng ilang sandaling pakikipag-debate sa isipan kung bubuksan ba iyon ay nagbuga siya ng malalim na hininga. Sinulyapan niya muna ang kuwintas na nasa bedside table at nakapaloob sa isang transparent na zip lock bago dinampot ang cellphone na basag ang salamin. 

Diniinan niya ang power button, napasinghap pa siya nang bumukas iyon. Maayos pa rin niyang napipindot ang screen sa kabila nang basag iyon, ngunit hindi siya agad nakapasok dahil naka screen lock. She needed a four pin combination to get through the phone. 

Sa nanginginig na mga kamay ay sinubukan niya ang iba't ibang kombinasyon. Ilang minuto na siyang sumusubok ngunit hindi pa rin niya nabubuksan, pinagpapawisan na siya kahit na nakabukas ang aircon ng kanyang silid. 

Sa paghuling subok niya ay namilog ang mga mata ni Vodka nang bumukas iyon. The pin wasn't complicated, it's one, two, one, two. 

She opened the gallery, that's the fastest way to know who owned the phone. Nang makita ang litratong binuksan ay pabiglang nabitawan niya ang aparato. Nahagod niya ang mga braso gamit ang mga kamay nang maramdaman ang pagtayo ng kanyang mga balahibo dahil sa kilabot na sumalakay sa kanyang katawan. 

"W-why do I have it? Why do I have P-Patrick Castillo's phone?" Malinaw na malinaw niyang nakikita ang larawan nito. Malakas ang kanyang kutob na ito ang may-ari ng cellphone. At kung bakit iyon iyon nasa kanya ay hindi niya alam.

Napahawak siya sa ulo ng manakit iyon nang pilit niyang hagilapin ang alaala ng madaling-araw na nangyari ang pagpatay rito. 

Mabilis na hinagilap niya ang kanyang cellphone at hinanap ang hotline ng police station. Nabitin ang kanyang daliri sa ire nang akmang pipindutin niya ang call button. Paano kung si Isabella nga ang pumatay kay Patrick Castillo? Ang kaibigan ang may-ari ng boses na iyon na narinig niya sa loob ng nightclub at ito rin ang may-ari ng kuwintas na ibinigay pa niya rito. 

She needed to talk to Isabella first before handing the phone to the authorities. She dialed Isabella's number instead, but like in the past days, she got no response from her. 

Tumibay ang kaba sa kanyang dibdib. Bakit hindi man lang niya mahagilap ang kaibigan? Maging ang mga pulis ay hindi ito makita. Was she guilty?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status