- 36 - “Isang puting hangin na kumain nang lahat ng bagay na kaniyang dinaanan!” pagsasaad ng isa sa mga tauhan ni Nico. “Para itong ulap na gumagapang na parang sinag ng araw!” sabi ng isa pa. “Lahat ng daanan nito ay naging abo! Pati pa ang bundok na itinakip ni Nico rito!” gulilat na kwento ng iba. “Teka, sandali lang... maari bang isalaysay ninyo ng maayos sa akin ang nangyari?” Nagbuntong hininga si Nico, at pinatahimik ang 27 nyang mga tauhan bago siya nagkuwento sa hari ng Hermosa. Lahat kami ay nakauwi dito. Naligtas kami ng utos ni Marius. Ngunit ang kalagayan ng ibang mga mamamayan ng Ignus, ay hindi ko matiyak kung maayos pa rin. Isinalaysay nga niya ito ng maayos sa hari ng Hermosa. “Naubos ang lahat sa paligid... ang lahat...” namutla si haring Domingo at napaupo sa kaniyang trono, matapos magkuwento ni Nico. “Ang lahat ay naging abo...” sabi niya. Ako’y kinilabutan, gayo
- 37 - “Mukhang masarap ang pahinga nyo kahapon ha?” bati sa amin ni Nico kinaumagahan na may pilyong ngiti sa mukha. “Hindi na kayo lumabas ng hapunan, eh.” “Ganoon na nga.” sagot ko sa kaniya, sabay yakap kay Marius. May suot man siyang maskara, pansin ko ang pamumula ng kaniyang taenga. “Kamusta naman ang inyong pagpapahinga?” tanong ko sa kaniya, pati na rin sa kaniyang mga kasamahan. “Maayos naman po, mahal na emperador!” sagot ng isa niyang tauhan. “Napakaganda rito sa Hermosa, tunay nga na isa itong paraiso!” “Oo nga po, mahal na emperador,” sagot ng isa pa, “Ngayon lang ako nakakita ng paliguan na sing laki ng isang lawa!” “At ang mga halaman at hayop dito sa palasyo... akala namin ay matagal nang naubos ang mga ito!” singit ng iba. “Huwag na ninyo akong tawaging emperador.” tumatawa kong isinagot. “Tingin ko ay hindi pa ako handa para sa ganoong karangalan, isa pa, hindi pa naman ako nakokor
- 38 - Sinundan namin si Heneral Gregorio papunta sa silid kung saan naroroon ang bunso kong kapatid. Mukhang nag-alisan na ang ibang mga kawal na nakabantay rito, dahil wala na halos humarang sa amin maliban sa iilan na agad din tumatakbo `pag nakikita ako. Pagdating namin sa silid ni Camilla ay agad kong pinabagsak ang pintuan niya. “Camilla? Nandito ka ba?” tawag ko pagpasok sa loob ng silid. Nakita ko ang aking kapatid na nakahiga sa kama, nanlalaki ang mga mata. Agad siyang napangiti nang makita ako at tumakbo papunta sa akin. “Kuya Theodorin!” ika niya na yumakap sa akin ng mahigpit. “Ang sabi ni kuya Manuel ay pinaslang ka raw ng mga Ravante sa Hermosa?!” “Walang katotohanan ang balitang iyon!” sagot ko sa kaniya. “Bahagi lang iyon ng plano ng ating kapatid upang kunin ang imperyo mula sa akin.” “Ngunit, bakit naman magsisinungaling ang kuya Manuel sa akin?” tanong niya. “At bakit mo siya inaa
- 39 - Natagpuan namin si kuya Aurelio sa bilangguan. Wala siyang malay-tao. Duguan ang mukha niyang namamaga, at halos hindi ko siya namukhaan. Duguan din ang kaniyang mga kamay. Mukhang pinitpit ng mga walang awang mga kawal ang kaniyang mga daliri. Marahil ay para hindi na siya makapag kumpuni pang muli ng kaniyang mga imbensyon. Pagkakita sa kaniya ay nilapitan agad siya ni Camilla at niyakap. Ibinaba siya ni Gregorio mula sa kaniyang pagkakagapos sa isang poste at magkasama namin siyang iniupo sa malapit na banko. “Kuya Aurelio,” tawag ko sa kaniya, kapit ang kaniyang mukha. Gamit ang mahika ng buhay ay ginamot ko ang kaniyang mga sugat, hanggang sa siya ay dumilat at mapatingin sa akin. “T-Theodorin...” bulong niya, “Salamat... ligtas ka...” muli siyang napapikit. “Dalhin ninyo siya sa labas, naroon ang hari ng Hermosa, humingi kayo ng tulong sa kanila,” sabi ko kay Gregorio. “Masusunod po! Mah
- 40 -Walang ibang silid sa tore ng emperador. Paikot-ikot lang ang hagdan dito. Pagdating sa tuktok, nakita ko na napalitan na ang pintuang aking sinira noong paslangin ko ang aking ama. Tinunaw ko ang bakal sa tarangkahan nito at pinabagsak ang pinto.Nasa loob nga ng silid ang aking kapatid. Nakaupo siya sa trono ng aming ama, sa likod ng malaking lamesang yari sa kamagong. Naayos na rin nila ang malaking bintana sa likod niya na halos matakpan ang buong pader, paikot sa paligid, na tumatanaw sa buong imperyo.“Ang tagal mo naman. Kanina ko pa kayo hinihintay,” sabi niya sa akin. “Huwag mong sabihin na nahirapan ka sa mga kawal sa baba? Ikaw na siyang ‘Gintong Prinsipe’ ng mga Heilig?” pangungutya niya.“Inuna ko ang prinsesa Camilla, at pati na rin si prinsipe Aurello,” sagot ko sa kaniya. “Ngayon narito na kami, Manuel, ipaliwanag mo ang iyong sarili.”
- 41 -Napaatras si Manuel at napaupo sa sahig. Hinawakan niya ang kaniyang dibdib, na tila ba hindi makapaniwala sa nangyari.“Tapos na ang iyong kahibangan, kapatid,” sabi ko habang tinitignan siya ng pababa. “Sabihin mo sa amin kung nasaan ang mga bomba na iyong tinago.”“Ha... At bakit ko gagawin iyon?” Pilit siyang tumawa, ngunit umubo lang siya ng dugo. “Mabuti pa ay tuluyan mo na lang ako. Hinding hindi ako susuko sa iyo.”“Sabihin mo ang lokasyon nila, ngayon din!” utos ni Marius sa kaniya.Pumikit si Manuel. “H-hin... di!” pilit niyang sinabi. May dugong tumulo sa kaniyang ilong at bibig. “H-handa ako sa iyo, Dilang pilak...” hinihingal niyang sinabi. “Binigyan ako ng iyong kapatid ng matapang na sumpa upang labanan ang iyong utos, ang pagpilit mo sa akin ay siyang magiging aking kamatayan!”“Kun
- 42 -“Malaking problema, mahal na hari!” sabi ng isa sa mga tagapag-hatid balita ng Hermosa, isang lingo matapos naming mabawi ang imperyo. “May kumakalat na karamdaman sa parteng Kanluran ng bansa.”“Anong klaseng karamdaman?” tanong ni haring Domingo habang kami ay nag-uumagahan.“Isang hindi matukoy na sakit... nalalagas ang buhok ng mga tao, pati ang ngipin ng ilan ay bumabagsak din... at sumusuka sila at dumudumi ng dugo...”Napatingin kami sa kapatid kong si Aurelio na nabitawan ang hawak niyang tinidor.“May alam ka ba rito, kapatid?” tanong ko sa kaniya.“A-ang aking mga m-mangggawa noon...” pautal-utal niyang sinabi, “n-nagkaroon din sila ng ganoong sakit, noong una naming tinutuklas ang Bomba...”“Isang sakit na mula sa Bomba?” tanong ni Nico na nanlalaki ang mga mata. “May dala rin ban
- 43 - Ilang oras pa ay nasa may Timog na kami ng Ignus, muling nagsasakay ng mga mamamayan. Nasabihan na namin nang nakaraang araw ang mga taga Ignus na pumunta rito, at ngayon nga ay nasa dalawang-libong katao ang kasalukuyang sumasakay sa mga dala naming Lipad-Ulap upang lumikas sa Hermosa. “Salamat! Mga ginoo!” tawag nila sa amin. Kulay pula ang mga mukha nila mula sa alikabok at buhangin sa disyerto. “Salamat sa aming mga tagapagligtas!” “Ginagawa lang po namin ang gagawin ng sinuman, para sa mga kapwa nilang nangangailangan ng tulong.” tugon ko sa kanila. “Napakadakila talaga ng bago nating emperador!” at lahat sila ay pumuri sa akin. Napangiti na lang ako at kumaway, at bago pa sila magpuri pang muli ay pumanik na ako sa aming Lipad-Ulap kung saan pinapanood ni Marius ang mga tao. “Mahal na mahal nila tayo,” sabi niya sa akin. “Mamahalin nila ang sinumang tutulong sa kanila,” sagot ko