Share

CHAPTER SEVENTEEN

Umiidlip si Deana sa biyahe nila nang magising siya dahil sa bahagyang pagtalon ng kanilang sinasakyan.

“Ano ‘yon?” tanong ng ama ni Deana sa driver na naistorbo rin ang malalim na pag-iisip.

“Kahoy ho yata, governor. Hindi ko napansin.”

“Be more careful.”

“Oho—

BANG!

BANG!

BANG!

“Dad!” Deana was shocked with the sudden gunshots enveloping their location.

“Yumuko ka, Deana!”

Natigil ang limang sasakyan sa gitna ng kalsada dahil sa pamamaril na sumalubong sa kanila.

“Kenneth, puntahan ninyo ang governor!” Pietro immediately commanded the two other soldiers.

[“Okay, Captain.”]

Minaneho ulit ni Kenneth ang kotse nila upang iharang sa kotse ng gobernador. Sa pagdating nila roon ay nasalo agad nila ang mga balang pinapaulan ng mga kalaban.

Bumaba si Pietro sa sasakyan niya saka sinauli ang mga putok ng baril sa kanila. Nang tingnan niya ang sitwasyon ng kanilang grupo wala ng buhay ang iba sa mga tauhan ng gobernador.

“Kenneth, alisin na ninyo rito ang mag-ama,” Pietro said
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status