"Salamat sa pagpapatuloy sa akin dito sa bahay niyo." Hindi alam ni Yelena kung ilang beses na siyang nagpasalamat.The man stopped in his midtrack. Naudlot ang pagpasok nito sa malaking pintuan ng mansiyon ng mga ito at nilingon siya. "One thank you is enough."Ang sungit talaga ni Kiel, bulong niya sa sarili.Dito siya humingi ng tulong. Binalikan niya ito sa Nagma Galleria dahil alam niyang hindi pa tapos ang selebrasyon ng opening nito. Pag-uwi ay kasama na siya nito.Hindi niya eksaktong sinabi ang problema rito. Pahapyaw lang niyang kinuwento ang nalamang pagkatao niya. Naawa ito sa kanya at tinulungan siya.Napalabi siya sa kaibigan. "Basta, thank you."Kiel groaned inwardly. "Nandito na sina mommy at daddy ngayon. Ako na ang kakausap sa kanila sa pag-stay mo rito. Kilala ka naman nila." May bahay sa San Ignacio ang mga Nagma kaya kilala ng mga ito ang pamilya niya. Ngunit itong mansion nila ay narito sa San Ildefonso, dalawang bayan ang pagitan mula San Ignacio."Thank you, Ki
Hindi alam ni Yelena kung ano'ng oras at kung paano siya nakatulog. Nang bumangon siya ay mataas na ang sikat ng araw. Kung wala pang kumatok sa pintuan niya ay hindi siya magigising.She heard an approaching steps so she stood up and opened the door, disoriented and barefooted.She frowned when she found no one outside, pero sa ibaba ay may kulay pink na stripe na paper bag.Tiningnan niya ang katapat na kuwarto. Bahagyang bukas ang pintuan no'n. Mukhang doon ang kuwarto ni Kiel.Nakanguso niyang dinampot ang paper bag at binuksan. Bagong toothbrush, tatlong pares ng damit, decent sun dresses, underwears, flat sandals with ankle strap at... gamit pangpinta!Nawala ang antok ng dalaga. Inilabas niya ang mga gamit na nakaagaw ng pansin niya. Acrylic paint set, a thirty by forty centimeter blank canvas board at sampung round paint brushes in different shape of tip.Ang ganda!Ang ginagamit niya usually sa pagpipinta ay mga mumurahing gamit lamang. Kapag mayroon siyang budget, doon laman
Hindi makatulog si Yelena. Pabiling-biling siya sa higaan. Nang ilang minuto na at hindi pa rin siya antukin ay dahan-dahan na siyang bumangon at tumanaw sa labas ng bintana. Madilim na ang kalangitan. Tanging makukulay na bombilya lamang ang tumatanglaw sa buong solar ng mga Nagma.Pinagmasdan niya ang kalangitan. Hindi katulad ng nagdaang araw na ang ina at tiya ang bumabagabag sa kanya, ngayon ay iba. Sa estranghero nang pangalan lamang ang tanging alam niya. Niyuko niya ang paa na may nakasuot na sandalyas, at napangiti. Sa kanya galing ang mga damit, sandals at painting set na natanggap ko. Ni hindi pa siya nagpasalamat rito. Teka, paano nito nalaman ang sukat ng underwear ko? Nakakahiya. Nasapo niya ang dalawang nag-iinit na pisngi.Hindi siya bumaba upang kumain ng tanghalian dahil sa lalaki. Ayaw niyang makita ito. Nagkulong lamang siya sa kaniyang kuwarto.Oras ng hapunan nang dumating si Kiel. Nang nalaman nitong hindi bumaba si Yelena upang mananghalian ay kinatok nito sa
Ipinikit ng mariin ni Yelena ang mga mata at isinubsob ang mukha sa kama. Sa loob ng ilang sandali ay nanatili siya sa ganoong ayos. Minuto na ang nakalipas, but she could still feel the effect of that unforgettable moment na naranasan niya sa mga kamay ni Angelo. It was an intense pleasure she felt for the first time in her life.Hindi niya alam kung maiiyak siya, magagalit o mahihiya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. A stranger seduced her. At hinayaan lamang niya.Hindi niya alam kung bakit hindi niya nagawang pigilin ang ginawa nito sa kanya. At mas lalong hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang sinabi nitong dahilan kung bakit pinigilan nito ang sariling hagkan siya. Sa estado ng utak niya kanina, sigurado siyang hindi lang halik ang makukuha nito sa kaniya. Wala siyang gagawin para tutulan ito sa gustong gawin sa kaniya.Dahil God, nababaliw na siya.Slowly, she removed the blanket out of her body. Itinapak niya ang paa sa malamig na sahig. Hindi niya makita ang
Mula sa pagpipinta sa isang bahagi ng hardin ay natuon ang paningin ni Yelena sa papalapit na si Angelo. Hindi niya naiwasang titigan ito.He looked handsome as ever in his white shirt and khaki pants. Like a Pagan God, he walked confidently with a warm smile on his face.Naroon siya sa hardin dahil napagdesisyunan niyang doon na tapusin ang kaniyang obra. At dahil nasa open na lugar ay inaasahan niya na ang paglapit ng lalaki."Puwede ba akong tumabi?" paalam nito sa kaniya nang makalapit.Marahan siyang tumango at nagpatuloy sa pagpipinta. Sira na ang konsentrasyon niya pero hindi siya nagpahalata.Umupo si Angelo sa kaniyang tabi. Sa sulok ng kaniyang mga mata ay nakita niyang nakatitig ito sa kaniya. "Napatawad mo na ba ako?" he whispered hoarsely, malapit sa kaniyang tainga.Her body tensed. She could feel his breath skimmed in her skin.Ipinilig niya ang ulo at bumuntong-hininga. Pilit binabalewala ang epekto nito sa pagkatao niya."May kasalanan din ako," sagot niya rito sa pabu
Lulan ng Mercedez sports ay nakatanaw sa labas ng bintana si Yelena. Tahimik niyang tinitingnan ang mga nadadaanan na mga kabahayan, kakahuyan at karagatan sa hindi kalayuan.Palabas na sila ng Quezon. Unang beses na lilisanin niya ang lugar na kinagisnan.Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon— nalulungkot siya dahil ang mga hindi pamilyar na establisyemiyento sa labas ng bintana na natatanaw niya ay nangangahulugan na palayo na siya ng palayo sa lugar at buhay na nakasanayan niya; kinakabahan siya, natatakot at nangangamba dahil iyon ang unang beses na malalayo siya sa pamilya. Hindi niya alam kung ano ang magiging buhay niya sa araw na iyon at sa mga susunod pa, sa piling ng estrangherong tao sa estrangherong lugar; subalit sa tagong sulok ng dibdib ay para siyang nakahinga ng maluwag. Parang nawala ang mabigat na kamay na dati'y sumasakal sa kaniya. Hindi niya na ngayon kailangang pigilin ang sarili na gawin ang mga gusto niya. Hindi niya na kailangang magpaalam mun
Nagising si Yelena na magaan ang pakiramdam. Ilang minuto siyang nakatitig sa kisame habang nakangiti kahit wala namang nakikitang interesante doon.Hindi niya alam kung ano'ng oras na silang natulog ni Angelo ng nagdaang gabi. They stayed on the seashore talking nonsense, laughing endlessly, enjoying the breathtaking sceneries in the dark sky.Masigla siyang tumayo, nag-ayos ng higaan at naligo. Nagbibihis na siya sa loob ng banyo nang mayroon siyang mapansin— nakasampay ang mga damit na pinagbihisan niya ng nagdaang araw!Pumasok ba si Angelo sa kuwarto niya? Ito ba ang naglaba ng mga damit niya?Mabilis siyang bumaba ng komedor. Naabutan niya ang lalaki na abala sa pagluluto."Good morning!" masayang pagbati niya rito, pinagsalikop sa likod ang dalawang kamay. "May itatanong ako.""Good morning din," ganting pagbati nito. Matapos siyang lingunin saglit ay muli na nitong hinarap ang ginagawa. "Ano'ng itatanong mo?"Kahit nakatalikod ito sa kaniya ay gusto niyang mamula ng maalala an
The sky was clear and the setting of the sun was so perfect— it goes down gradually as if falling, like fire engulfing the other side of the earth while the surface of the sea was like a liquid silver glimmering with the reflection of sun's light.Noon para kay Angelo ay walang tatalo sa ganda ng tanawin ng papalubog na araw. Ngunit ngayon...Umalis siya sa pagkakapanungaw sa bintana and turned his head slowly in the sleeping figure of Yelena. Matiim na pinagmamasdan niya ito. Maaga itong nakatulog. Marahil ay napagod sa kalulunoy sa dagat.Pinanhik niya ito sa kuwarto upang tawaging maghapunan, ngunit naabutan niya itong nahihimbing. Natapos niya ng labahan at isampay ang mga damit nitong nasa banyo, tulad ng gabi-gabi niyang ginagawa ngunit hindi pa rin ito nagigising.Hinawi niya ang buhok nitong nakaharang sa mukha.Maging sa pagtulog ay napakaamo ng mukha nito.Para itong prutas sa gitna ng hardin ng Eden na nakatatakam ngunit ipinagbabawal tikman.Matapos ang ilang buntong-hini